ANG LARAWANG IPININTA NI POPOY CUSI SA ITIM NA NAZARENO |
Kapag papasyal ka at papapasukin ni Ginoong Rafael "Popoy" Cusi sa kanyang working studio sa may Pasay City, may isang larawan (o painting) doon ang makakakuha sa iyo ng kakaibang atensyon at damdamin. Medyo tago man ang puwestong kinalalagyan ng larawang iyon, dahil sa malalim na damdaming madarama mo kapag nakita mo na 'yung larawan, magmamarka ito ng matindi sa kaisipan at kamalayan mo.
Ganyan naman palagi ang mga larawang ipinipinta ni Ginoong Popoy Cusi (na isang kaibigan ng blogger na ito), lagi kang dinadala sa mga kakaibang dimensyon at tatangayin ka sa sari-saring mga nag-aalab na pakiramdam. Iba talaga. Lalo na kapag unang pasok mo pa lamang sa working studio niya, mapapaiyak ka dahil sa dami ng mga naggagandahang larawan doon- tila bagang napakasuwerte mo na makapasok doon.
Pero mabalik tayo sa larawang iyon ng Black Nazarene na nasa loob ng working studio ni Kuya Popoy. Sa unang tingin mo, aakalain mong babae ito, minsan naman, iisipin mong si Mama Mary iyon, o kaya naman, isang matandang babae.
"Nagtataka nga ako, Robert, dahil ang larawang iginuhit ko na 'yan sa Itim Na Nazareno ay nagiging kamukha ng aking ina kadalasan", kuwento pa ni Kuya Popoy sa blogger na kaibigan niya. "Nag-iiba-iba siya ng hitsura, depende sa taong tumitingin. Mahiwaga ang larawang iyan
"Pero si Itim na Nazareno iyan talaga", paniniguro ni Kuya Popoy. "Matagal ko nang naipinta iyan. Marami na ang may gustong bumili diyan, pero hindi ako pumapayag. Parang nagkaroon na siya ng matinding attachment sa akin. Kaya dito na lang siya sa working studio ko. For me, it's priceless and no one can buy it."
It's truly a work of art. Ang larawan na iyon na ipininta ni Kuya Popoy sa Black Nazarene. Medyo hindi lang nga malinaw ang litratong nasa itaas dahil nag-reflect 'yung ilaw ng studio, pero sa personal, ang larawang iyon ay tunay na napakaganda. Pati ang mga color combinations na ginamit ni Kuya Popoy sa larawang iyon ay melancholic, austere, mysterious....
Pero hindi lang naman iyon ang larawang ipininta ni Kuya Popoy sa Black nazarene, meron pang iba at 'yung isa pa ay nasa ibaba ng artikulong ito. Sa isa pang larawang 'yun, makulay naman ang pagkaka-prisinta ni Kuya Popoy sa Itim Na Nazareno. Medyo mas masaya 'yun.
Meron ding series of Marian paintings si Kuya Popoy. Mga pinta niya kay Mama Mary na nai-exhibit na rin niya minsan. Naglalakihan ang mga 'yun at tunay na nakakamangha ang pagkaka-pinta.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Kuya Popoy ay isang world-renowned painter. He has travelled all-over the world and has won many awards and recognitions here and abroad. Tinagurian din siyang "Best Watercolor Painter".
Ngayong Holy Week, parang kay sarap akapin nu'ng larawan na iyon na ipininta ni Kuya Popoy sa Itim Na Nazareno. Dahil kapag inakap mo iyon, para mo na ring inakap ang.... MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
SI KUYA POPOY AT ANG LARAWANG IPININTA NIYA KAY MAMA MARY |
ISA PANG LARAWAN NG ITIM NA NAZARENO NA IPININTA NI KUYA POPOY |
SI KUYA POPOY AT SI BLOGGER ROBERT |
POPOY CUSI: DAKILANG PINTOR |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento