direk arnel's creative touch |
direk arnel: a heart for film making |
direk arnel: setting a new trend for acting workshops |
direk arnel felix with blogger ME. :-) |
Ang isang magaling na direktor ay may kakaibang mata at puso para makalikha ng isang sining pampelikula. Maaaring ang mga mata niya ay tulad ng isang ibon na malawak ang paningin- at buhat sa itaas, nakikita niya ang lahat. O dili kaya, isang Peeping Tom na maski nakasilip lang sa isang maliit na butas, ay, - nagmamarka, nakadarama...
Ang puso rin ng isang direktor ay malambot, hindi matigas. Madali itong magdugo, madali ring makihalo sa anumang sangkap na ilalagay dito. Dahil ang puso ng isang direktor- ito ay tunay na kakaiba.
Unang kita pa lang namin kay direk Arnel Felix almost two years ago sa pabolosong lugar na Cultural Center of the Philippines, naramdaman na namin na taglay niya ang mga kalidad ng isang tunay na direktor. Mula sa malayo, madarama mo ang respeto mo sa kanya. At lalo mong mamahalin at aakapin ang pagiging mapagkumbaba niya sa pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga tao. Ito ang gustong-gusto naming kalidad ni direk Arnel.
"Kaya nagpapasalamat ako't nabigyan ako ng break bilang isa sa mga estudyante ni Carlos Siguion-Reyna at finalist sa GAWAD CCP Para Sa Alternatibong Pelikula at Video nuong taong 2015", bungad na wika sa amin ni direk Arnel sa isang nakakabusog na lunch treat sa Karate Kid restaurant. "Bale kami ang first batch of students and finalists doon. Ang mga nakasama ko, pawang mga taga-channel 7! Mga creative people ng channel 7! Ako lang ang nag-iisang naligaw na hindi taga-channel 7 at napabilang pa ako sa mga finalists. Ang short film na isinali ko roon ay iyong Te Amo, at naging maganda naman ang feedback ng short film ko na iyon. Naisali ko pa 'yun sa San Francisco International Film festival", anya pa.
Kaya naman ngayon, may "recall" na sa mga tao ang pangalang direk Arnel Felix. Isang direktor. Isang true-blooded artist. Pero paano ba niya mabibigyan ng deskripsyon ang pagiging isang direktor niya?
"I just want to be flexible, I want to be known more as a versatile director more than anything else", mabilis namang naging tugon ni direk Arnel sa katanungan habang kumakain ang isang blogger ng Fish Bento sa Karate Kid. "Ayoko kasing i-limit ang sarili ko sa paggawa ng isnag klase ng genre lamang. Gusto kong masubukan ang lahat- comedy, drama, action, fantasy.... Hindi ko talaga nililimitahan ang sarili ko.
"Basta ako, hindi ako naghihintay ng big break na darating- kung may dumating man", patuloy pang sabi ni direk Arnel. "As a director, ibibigay ko lamang kung ano'ng kailangan nila. Mas gusto ko ngayon ang makatulong. Ang makapag bigay ng aking knowledge o kakayahan sa mga baguhang gustong mag-artista."
Kaya itinayo ngayon ni direk Arnel ang kanyang SpyGlass Acting Workshop. Nagsimula na itong gumiling at magpapatuloy pa sa mga susunod na linggo at buwan. Sa Acting Workshop na ito, hindi lang basta matututong umarte ang isang baguhang artista, kundi magiging BIDA pa siya sa isang short film na isu-shoot mismo sa workshop niya, at ang short film din na iyon ang magsisilbing demo reel niya at acting credential. Tuhog na tuhog, di ba?
"Patterned yan sa Hollywood", sabi pa ni direk Arnel. "Kasi doon sa Hollywood, lahat ng artista ay may demo reel. Yun ang pinapakita nila sa mga direktor na interesadong kumuha sa kanila. At ganyan ang approach ko sa acting workshop ko."
Ipo-post din ni direk Arnel sa YouTube ang mga short films na iyon at magiging viral. Kaya sinumang sasali sa acting workshop ni direk Arnel, tiyak na makikilala.
Samantala, maraming proyektong nakatakdang gawin si direk Arnel. Isa na rito ang documentary na isu-shoot pa niya sa bansang Israel. Balak din niyang gumawa ng isang full-length film someday.
"Basta may mata ka at puso hindi malayong makamtan mo ang mga pangarap mo bilang isang film artist", pagtatapos na wika pa ni direk Arnel Felix.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento