BIGWIGS OF GANTIMPALA THEATER FOUNDATION (DIREK JUN PABLO IN GRAY SHIRT) WITH BLOGGER ME. :-) |
Para sa pangkalahatang obserbasyon ng karamihan- lalo na sa mundo ng teatro- napakalaki talaga ng partisipasyon ng Gantimpala Theater Foundation sa paghubog ng TAMANG KAISIPAN ng mga estudyante't mag-aaral dahil sa Four Classics na itinatanghal taon-taon ng GTF.
Ang mga dulang Kanser, Florante at Laura, Ibong Adarna at El Filibusterismo ay sadyang angkop sa bawat Academics ng isang mag-aaral. Lehitimo ang mga dula, aprubado sa Department of Education, at higit sa lahat, malinis at wholesome ang mga pagkakagawa. Kung ikaw ay isang magulang, nanaisin mo talagang mapanood ang mga dulang ito ng iyong mga anak.
Nu'ng isang taon, napanood natin ang kakaibang pagtatanghal ng dulang Kanser na idinerehe ni direk Frannie Zamora. Naging semi-musical ito at naging "Millenial" ang approach. May character pang dinagdag na tila angkop sa character ni Presidente Duterte. Hihintayin na lamang natin ang mga susunod na kabanata, kung sa 40th season ba ng GTF, magiging "Millenial" pa rin ang pagtatanghal ng Kanser na isang adaptation sa librong Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal at sinulat ni Jomar Fleras.
Nu'ng isang taon din, mas naging magarbo at paboloso ang mga costumes at Production Design ng mga dulang Florante at Laura (mula sa direksyon ni Roeder Camanag) at Ibong Adarna (mula sa direksyon ni Roobak Valle). Tunay na natuwa at namangha ang mga estudyanteng nanood sa mga dulang ito.
Ang dulang El Filibusterismo naman, mula sa direksyon ni Jeffrey Camanag, mas lalong lumalim at "intriguing" ang mga pagtatanghal. Kaya tiyak na aabangan ding muli ito this new Season ng GTF- ang 40th Season nila.
Maraming salamat sa iyo, direk Jun Pablo, sa patuloy mong pagtitiwala sa Blogger na ito (ako po 'yun- rms.*) na isulat at suportahan pa rin ang GANTIMPALA THEATER FOUNDATION!!!
(SINULAT NI ROBERT MANUGUIOD SILVERIO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento