isang gabi, sa MISMO radio show ni jobert sucaldito...


JOBERT WITH HIS LONGTIME FRIEND- ROBERT.



Ang isang TUNAY NA KAIBIGAN, ay, mananatiling isang KAIBIGAN.

Maglakbay man siya ng malayo, o anumang sakuna ang mangyari sa kanya- naririyan siya- sumusubaybay, nagmamalasakit, mula sa malayo ay titingin at titingin pa rin.

Sa mga pangyayari sa buhay karera o propesyunal na aspeto sa daang tinatahak ni Jobert Sucaldito, isang kaibigan ang kinailangang magbigay sa kanya ng "push factor". Isang assurance o pagdiriin na nasa tamang lugar siya. Na ang mga ginagawa lamang niya- lahat 'yun, alang-alang sa mga pinaniniwalaan niyang prinisipyo at mga adhikain. Ano nga ba ang mangyayari sa mundong ito kung walang kulay? Kung walang pait? kung walang lasa?

naririyan ang mga manunulat at broadcasters para bigyang-kulay ang lahat ng bagay. Bigyan din ng lalim. Bigyan ng ibang paningin.

"Ako ito, sa ayaw nila o sa gusto", nawika pa ni Jobert sa isang kaibigan niyang blogger. "Ang gusto nila, walang kontrobersya? Walang intriga? No, I never believed in that. I only speak of what I believe is right, without any hypocrisy. Magiging napaka-flat naman ng radio broadcasting kung hindi ko lalagyan ng kaunting kulay, di ba?'

At napabilib kami ni Jobert sa mga sinabi niya. Kung puro PRESS RELEASE lang, naku po, walang ka-anghang-anghang ng mga balita. It's because Jobert Sucaldito cares about his listeners, he only gives them what's right for them. Yung mae-entertain ang mga listeners niya, yung masa-shock, magugulat, makakasagap ng mga nakakasindak na mga balita sa showbiz. That's Jobert Sucaldito for you.

Isang gabi iyon sa MISMO radio show ni Jobert Sucaldito sa DZMM. Isang gabi na andama ng isang kapwa kaibigan ni Jobert na kailangan nito ng mas higit pang moral support- para sa kanyang pagbabalik after 3 months of suspension sa kanyang radio show- at, lalo na, sa patuloy niyang pakikipaglaban sa mga prinisipyong kahanga-hanga.

Nasa ibaba ang naging FB status namin ukol sa gabing iyon sa MISMO radio show ni Jobert Sucaldito, hanggang sa magpunta kami sa KLOWNZ music bar, kasama ang alaga ni Jobert na si Kiel Alo:

in my more than 35 years of being a movie writer, i had experienced many "downs" and only a few "ups". pero hindi ako naging bitter. maski madalas, ako ang laging inaagawan, tinatapakan. pero let's move-on from this topic. kasi, ang isang tao na tulad ko ay never magiging bitter dahil sa tuwina, may ibang tao ang nagibibigay ng sukli at matinding effort para mapasaya ako. kaya naman natatabunan ng sobrang pagmamahal sa kapwa ang anumang "pains" na dumarating saken- BECAUSE OTHER PEOPLE WILL ALWAYS BE THERE TO GIVE CONCERN & CARE. iyan yata ang GOOD KARMA ko. kasi, mabait na tao naman ako. hindi po ako masama. and last Friday, June 9, isa na namang nakakaiyak (nakakaiyak sa kaligayahan) ang naganap sa akin.
IYON ANG PAGBISITA KO KAY Sucaldito Jobert SA KANYANG RADIO SHOW last friday. Una, sobra akong na-touched sa kabaitan ng mga security people and staff ng channel 2 sa akin. imagine, 10:30 pa ang radio program ni jobert, pero nandun na ako ng 8:30 pm! ang lakas ko naman sa mga taga-channel 2, dahil hayun at pinapasok na nila agad ako maski 2 hours early ako. ang babait ng mga security guards sa akin, pati mga staff. SOBRA, na-touch po talaga ako. grabe! yung greetings nila na naka-smile, at talagang very sincere, LABIS NA IKINATUWA NG PUSO KO. yung respetong ibinigay nila and all, WOW. nakita ko pa nga si ma'm charo santos (one of the heads ng channel 2), at nginitian ko siya. na-touch naman ako nung ngitian din niya ako pabalik. kakaiyak.
PERO HINDI DOON NATATAPOS ANG LAHAT. after waiting for jobert for 2 hours (dahil nga 2 hours early ako. hihihi), finally ay dumating din ang KAIBIGAN ko. sobrang masaya siya at nandun ako to give him moral support dahil 3 months siyang nawala sa radio program. at yun din naman talaga ang intensyon ko- to give him some moral back-up mula sa isang matagal na niyang KAIBIGAN. 
napansin yata ni jobert na may pinagdadaanan rin ako. at sabi niya: "tara, kafatid, go tayo sa KLOWNZ. humalakhak tayo. maglibang". kilala kasi ako ni jobert kapag naiinlab ako, talagang nagiging madrama ako sa buhay.
sa effort na iyon ni jobert para pasayahin ako, sobra akong NA-TOUCHED. at tama siya, sobrang tawa at halakhak ako nung nasa Klownz Comedy Bar Quezon Avenue na kami. nuon lang ako tumawa ng tumawa after a very long. long time ng kalungkutan at mga kadramahan sa pagibig.
doon lang sa idea na napasaya ako ni jobert ng husto, halos maiyak na ako sa loob ng damdamin ko. kaya in the middle of our drinking and watching WILLY BAYOLA and the gay performers at klownz, nagpunta muna ako sa C.R. sandali para umiyak. ayoko kasing ipakita sa kaibigan ko- si Sucaldito Jobert na umiiyak ako, lalo pa't kasama namen nung gabing iyon ang crush kong talent niya na si Kiel Alo. ang guapo-guapo ni kiel that night. oh, my.
ISANG IYAK NG KALIGAYAHAN ANG INIYAK KO SA LOOB NG C.R. NG KLOWNZ.
ISANG GABING HINDI KO INAASAHAN NA MAPI-FEEL KO ANG KAHALAGAAN NG SARILI KO AT RESPETO. SA TAONG MAY PINAGDADAANAN SA BUHAY, SA TAONG SOBRANG NASAKTAN AT TINAPAKAN, NAPAKAHALAGA NITO. NAPAKAHALAGA NUNG BAGAY NA IBINIGAY SA AKIN NI JOBERT. NABUHAY MULI AKO.
AT SALAMAT, CHANNEL 2 PEOPLE, KAYO ANG NAGING MAIN INGREDIENT O BACKDROP PARA MA-FEEL KO...
NA KAPAMILYA NGA AKO.
JOBERT, MAHAL KITA.



(sinulat ni robert manuguid silverio)

JOBERT WITH KIEL ALO

JOBERT WITH KIEL, MICHAEL AND EZEKIEL.

JOBERT SUCALDITO MOVES FORWARD DESPITE THE BAN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...