ang lugar ng sta. ana manila, naging saksi sa pagpupugay ni LANCE RAYMUNDO kay HESUKRISTO (isang maikling panayam kay Lance at mga obserbasyon sa rehearsals ng Martir Sa Golgota)....

LANCE AT PLAZA HUGO IN STA. ANA. MANILA, TOGETHER WITH FELLOW CAST, STAFF AND FRIENDS FROM "MARTIR SA GOLGOTA" PLAY

LANCE AT PLAZA HUGO IN STA. ANA. MANILA, TOGETHER WITH FELLOW CAST, STAFF AND FRIENDS FROM "MARTIR SA GOLGOTA" PLAY

LANCE AT PLAZA HUGO IN STA. ANA. MANILA, TOGETHER WITH FELLOW CAST, STAFF AND FRIENDS FROM "MARTIR SA GOLGOTA" PLAY

LANCE AT PLAZA HUGO IN STA. ANA. MANILA, TOGETHER WITH FELLOW CAST, STAFF AND FRIENDS FROM "MARTIR SA GOLGOTA" PLAY

PEOPLE BEHIND "MARTIR SA GOLGOTA" PLAY, PRAYS BEFORE THEIR REHEARSALS

LANCE AT PLAZA HUGO IN STA. ANA. MANILA, TOGETHER WITH FELLOW CAST, STAFF AND FRIENDS FROM "MARTIR SA GOLGOTA" PLAY

LANCE BEING BLESSED AND PRAYED BY A SENIOR NUN OF MOTHER IGNACIA ORDER

LANCE BEING BLESSED AND PRAYED BY A SENIOR NUN OF MOTHER IGNACIA ORDER

LANCE: READY TO PORTRAY JESUS AT THE CCP


Sa pagdating na pagdating ni Lance Raymundo sa Plaza Hugo, sentro ng Sta. Ana, Manila- agad siyang sinalubong, inakap at kinamayan ng mga fellow cast and staff sa Senakulong Martir Sa Golgota. Kitang-kita 'yun ng isang blogger na naghihintay sa kanya- kung gaano nila kamahal si Lance, kung gaano ito kabait sa kanila, kung gaano kay galing sa pakikisama na pinakita sa kanila ni Lance. Kaya ganu'n na lamang ang tuwa at galak nila sa tuwing makikita nila si Lance.

Opo, saksi rin ang mataong lugar ng Plaza Hugo sa pagiging tunay na mabait ni Lance. Nakikibagay siya sa mga taong naninirahan sa lugar na iyon, sa loob ng mahigit nang tatlong taon na pagpunta doon ni Lance sa tuwing may rehearsals na siya sa dulang Martir Sa Golgota.

Ang Sta. Ana, Manila, opo ang pinaghalong makaluma at modernong lugar na ito sa Maynila, naging saksi sa pagpupugay ni Lance kay Hesukristo. Sa makatarungang pagganap ni Lance sa papel ng ating Poong Maykapal, ang lahat ay nagkaroon ng mas magaganda pang pagbabago at sorpresa sa pagdaloy ng panahon.

"I've seen them all grow-up, ako lang yata ang hindi tumatanda sa paningin ko", nawika pa ni Lance sa kaibigan niyang blogger. "Lalo na 'yung batang gumaganap noon bilang bulag na bata sa play namin, ngayon ay siya na si Mary Magdalene sa dula namin. Nakakamangha ang bilis ng panahon at ang paglaki at pag-mature ng karamihan sa mga artistang kasama sa dulang ito kay Hesus.

"Kaya ngayon, mas naging serene at relaxed pa ng husto ang bawat rehearsals namin",  muling dugtong na sabi ni Lance. "Mas naunawaan na naming lahat ang kahalagahan at kahulugan ng mga adhikain namin sa dulang ito. And it's for the greater glory of God."

Karamihan sa mga nagsisiganap sa taong ito ng dulang Martir Sa Golgota ay pawang mga bago at karamihan ay mga bata. Pawang mga fresh and raw actors din. Nu'ng gabi na iyon ng rehearsals nila sa Plaza Hugo, lahat ay masaya at positibo. Lahat ay cooperative. Pero mas nakakatuwang pagmasdan ang mga batang actors, dahil tunay na masisilayan sa mga mukha nila ang tuwa at lugod na mapabilang sa dulang nauukol sa buhay ni Kristo.

Si direk Lou Veloso naman, napaka-seryoso nu'ng gabi na iyon ng rehearsals nila. Sadyang engrossed na engrossed siya at very passionate sa gawain niya bilang direktor ng dula. Kaya maski gusto sana siyang mainterbyu ng isang blogger, mas minabuti na lang nitong huwag istorbohin ang beteranong aktor-direktor sa kanyang gawain.

Pero mabalik tayo sa napakagandang impresyon kay Lance ng fellow theater actors niya. Isang binatilyong aktor, sa pangalan na Sean Saraza, ang nagwika ng ganito ukol kay Lance:

"Napakabait po ni Kuya Lance sa aming lahat kaya mahal na mahal namin siya", sabi ni Sean. "He is also very friendly to us and caring. Nakaka-relate po siya sa aming lahat because he goes out of his way to reach us. Ang ibang artista po, parang ang hirap i-approach. Pero si Kuya Lance, kay dali po niyang lapitan at kausapin. Hindi siya suplado."

Sobra din ang pag-iingat na ginagawa ngayon ni Lance sa kanyang boses.

"Mas marami na kasing musical numbers ngayon ang dula naming ito- ang Martir Sa Golgota", pagpapatuloy ni Lance. "Kaya ingat na ingat ako na mawalan ng boses dahil may mga musical portions ako sa dula. At biruin mo, Robert, sa final dress rehearsals namin, may concert pa ako kinagabihan nu'n sa Music Box. Kaya pagkagaling sa rehearsals ng Martir Sa Golgota, kakanta pa rin ako sa concert naman sa Music Box. Tapos kinabukasan naman, nasa Cultural Center of the Philippines na kami para sa Matinee and Gala performances namin sa Martir Sa Golgota. Cool! Kaya ko 'yan, tutulungan ako ni Kristo!"

Nakatakda ring mag-host si Lance para sa Nominees Night ng FAMAS. At sankaterba pang projects mula kung saan-saan. Tunay namang napakaganda ng takbo ng karera ni Lance these days. Kaya bilang pagtatapos na katanungan, sa palagay ba ni Lance, si Kristo ang dahilan ng lahat sa magagandang biyaya na ibinibigay sa kanya?

"God works in mysterious ways", pagtatapos na sabi ni Lance. "God works many wonders. Ang buhay natin, hiram lang natin kay Hesus na siyang sumagip sa ating lahat. Kaya YES, I can say, all these good blessings do come from Up above."

Sumasang-ayon kami sa iyo, Papa Lance.



(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS ABOVE, COURTESY OF OTEP DOMINGO, CED TORRECARION, MS. BENI SAUNDERS AND MR. LANCE RAYMUNDO


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...