DANIEL FIGUEROA, R.I.P.: GONE TOO SOON |
DANIEL WITH HIS GREATEST ALLY & FRIEND: THE LATE MARYO J, DELOS REYES (R.I.P.) |
BUKAS, PAGKAKITA KO SA IYO, DANIEL, MAY IBUBULONG AKO AT HIHILINGIN...
HINDI MAN AKO LALAPIT NG MAIGE SA MUKHA MO, AKO'Y PIPIKIT AT PABULONG NA MAGSASABI: "IKUMUSTA MO NA LANG AKO KAY DIREK MARYO, KAIBIGANG DANIEL FIGUEROA".
DAHIL ALAM NA ALAM KO, KASAMA MO NA SIYA NGAYON...
PARANG NAKIKITA KO SA ISANG IMAHINASYON AT MGA GUHIT: HAYUN KAYONG DALAWA NI DIREK MARYO J., NAGHAHAGIKGIKAN AT MAGKA-AKBAY, TULAD NU'NG MGA LARAWANG NAITANIM SA AKING KAISIPAN NU'NG MGA PANAHONG MAGKAKASAMA PA TAYO PALAGI.
KUMAKANTA SA VIDEOKE MACHINE NI DIREK, UMIINOM NG SAN MIG LIGHTS, LUMALANGOY SA MAY SWIMMING POOL NIYA SA PANSOL.
KUNG MINSAN, MAGKAKASAMANG NAGSISIMBA. PERO KALIMITAN DIN NAMAN, MAGKAKASAMANG NAGLALAKBAY SA LOOB NG KANYANG SASAKYAN.
'YUN NA YATA ANG MGA PINAKAMASASAYANG SANDALI NG BUHAY KO, NU'NG MAGKAKASAMA PA TAYO NOON NINA DIREK.
NARIYAN DIN SINA POPPO LONTOC, ROBERT AVILES, YUL SERVO, ALLYSON, JUN, AVID, ZOLTAN, EMILIO, MANIX, AT IBA PA...
PIKTORYAL DITO, PIKTORYAL DOON. INTERBYUHAN DITO, INTERBYUHAN DOON.
KAYA TANONG KO NGAYON: BAKIT BA MAY KATAPUSAN ANG LAHAT NG MGA MASASAYANG SANDALI NG BUHAY KO?
BAKIT BA NAWAWALA KAYONG MGA KAIBIGAN KO?
SA MGA PANAGINIP KO KAY DIREK, TILA NADADALAS NA YATA. KAYA NAGTATAKA AKO. PAKISABI NA RIN KAY DIREK, TINATANONG KO KUNG ANO BA ANG TUNAY NA MENSAHE NG MGA PANAGINIP NA IYON?
HAYAAN MO, DANIEL, BALANG-ARAW, MAGKAKASAMA-SAMA MULI TAYONG LAHAT.
HINTAYIN N'YO LANG AKO.
PAALAM, DANIEL, PAALAM.
SA MULI.
AKO ITO, SI KUYA ROBERT MO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento