AR MILLARES: "chubby is the new sexy" |
AR: HUMBLE, LOW-KEY....BUT, PENETRATING |
AR MILLARES: THETAER ACTOR |
AR: IN A MUSLIM OUTFIT |
AR: LOVABLE |
AR: "ACTING IS MY PASSION" |
AR: kapag walang acting job, nasa basketball court naman |
ROBERT: Napanood kita minsan sa dulang Kanser ng Gantimpala Theater Foundation at isa kang magaling na aktor sa paningin ko. Gaano ka ka-dedicated sa pagiging aktor mo at sa mundo ng Teatro?
AR: Una sa lahat Malaking bagay para sakin ang mapasama sa
production ng dulang Kanser, first time ko gumanap ng iba't- ibang role sa isang play.
Very challenging ang roles ko doon. Gaano ako ka-dedicated sa pagiging aktor?... Hhhmm... Umaarte
ako hindi para sumikat ako, kundi para makapagbigay saya sa manonood.. Kaya
binibigay ko lahat ng best ko at nakikinig ako sa mga turo sa akin ng mga direktor at co -artists ko para mapaganda ang kalalabasan ng performances ko sa mga shows.
ROBERT: Paki-banggit naman, ar, ang mga nagawa mong theater
plays, tv appearances at movies. at paano ka nagsimula sa pagiging aktor?
DIREK ROOBAK VALLE: unang nagbigay ng break kay AR MILLARES |
AR: Year 2010 naging dancer ako sa musical play na kilos
kabataan/KLIK, directed by Roobak Valle, 2013 naman naging Andres Bonifacio ako
sa istorya na Miyong na dinirek ni direk Joey Nombres, 2013 din na gumanap
akong Mike sa dulang Paano Pinatay si Diana Ross ng Frontline Production na idinerek
nina Anton Juan at Rodel Mercado. Nakasama din ako sa production ni direk Rodel Mercado bilang Tom
sa dulang Ang Mundo ng Ekek, Napasama din ako classic play na Ibong Adarna, directed by Roobak Valle, saka sa classic play ding El Fili, directed by by Jeffrey Camanag. Yu'ng pinaka-latest ko ay 'yu'ng dulang Kanser by direk Frannie, mula sa produkson ng Gantimpala Theater Foundation.
Nakasama din ako sa short film ng Banco de Oro bilang si Lito, dinirek 'yun ni direk Topel Lee.
ROBERT: Sino-sino na ang mga direktor na nakatrabaho mo na? At
paano mo sila made-describe bilang mga direktor at katrabaho?
direk ANTON JUAN: kinatakutan ni AR MILLARES |
direk FRANNIE ZAMORA: maraming itinuro kay AR MILLARES |
AR: Nu'ng nakatrabaho ko bilang director si direk Anton Juan
natatakot ako na magkamali, di ko alam kung bakit pero takot talaga ako magkamali nu'ng katrabaho ko si direk Anton Juan. Si
direk Roobak Valle naman masaya makatrabaho, Hindi kami nauubusan ng mga bagong
salita sa kanya. Alam mo yu'ng kahit pagod na s'ya dinadaan pa din niya sa biro at
malaki ang tiwala niya sa mga actors niya..., si direk Frannie Zamora natulungan niya ko ilabas lalo yung acting ko,
sabi ko nga na-challenge ako kay direk Frannie sa pagbigay sa akin ng variety of roles, na
kailangan ko ipakita na isang katawan pero sa iba't -ibang klase ng pagkatao kaya
malaki ang naitulong ni direk Frannie sa akin bilang isang actor....Marami pang director ang
nakatrabaho ko pero silang mga nabanggit ko sa itaas, ang mga nagmarka sa akin ng husto bilang actor..
ROBERT: Anu-ano ang mga bago ngayon sa acting career mo? Wala ka
bang bagong sisimulang pelikula, play o anuman? Update us, please.
AR: Sa ngayon wala pa!
Nag-focus kasi muna ako sa business ko, pero pag may offer naman
masasabi ko na blessed ako bilang actor kapag may dumating na proyekto
ROBERT: Sino ang idolo mong aktor at bakit?
ROEDER CAMANAG: paboritong aktor ni AR MILLARES |
AR: Si Roeder Camanag po ang idolo kong actor. Pero hindi ko mai-describe yung exact words na kung bakit
ko s'ya inidolo. Pero kapag napanood po ninyo s'ya, malalaman n'yo kung bakit ko siya
hinangaan.. (agree kami sa sinabi mong ito, AR***-r.s.)
ROBERT: Ano'ng klase ng role ang gusto mong mai-portray someday?
AR: Yung makasama ako sa isang heavy drama film na mananalo ng sankaterbang awards at all-star cast!..
ROBERT: How would you describe yourself as an actor, AR?
AR: Ako 'yung actor na willing pang matuto at di nakukuntento sa
acting niya. Kumbaga, open ako sa mga suggestions sa kapwa ko actors din at lalo na sa
mga direktor ko.
ROBERT: Sino ang crush mo sa mga artista?
AR: Wala akong crush na artista eh. Isa lang talaga 'yung long
time crush at dream girl ko, si Lea Medina, 'di s'ya sikat pero siya yung pang-forever ko. Hehehe....
ROBERT: Last question: is acting your greatest passion in life?
AR: Yes, 'yung tipong hinahanap-hanap ko ang pag- arte kahit may
ginagawa akong iba sa buhay ko.. ...'yung tipong binabalik-balikan ko. Iba kasi 'yung feeling na nakakapagpasaya ka ng mga manonood..
ROBERT: Pahabol na tanong sa iyo: Bigyan mo naman kami ng brief background on you as a
person. Like, ano ang ugali mo, saan ka nag-aral, ano mga hilig mo, etc.
AR: Sabi nila sa unang tingin ay tahimik daw ako, pero pag nakasama
mo ako at naging kampante ako sa 'yo, sasakit panga mo kakatawa! Ako rin 'yung tipo na
feeling Superman sa mga kaibigan. Hahaha, napakapilyo ko kasi kunmbaga, 'di ako
nauubusan ng kalokohan din...Nag-aral ako sa RTU (Rizal Technological Institute) sa may Boni Ave., at member din ako ng Teatro Rizalia. Sila din ang humubog ng kapal ng mukha ko sa entablado, so hayun kapag wala akong project, sa basketball court ninyo ko makikita..
---- end of interview----
---- end of interview----
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento