richard quan with his mom at singkuwentro film fest this year: mom was his "lucky charm" |
richard quan with his mom again at the TOFARM filmfest last year: it sent him LUCK |
RICHARD WITH HIS MOTOR BIKE |
richard holding his BEST ACTOR trophy at singkuwentro film fest |
richard's favorite hobby is cycling |
richard: he definitely needs a break |
Nakatakdang umalis si Richard Quan papunta Europa sa Mayo 19, apat na araw mula ngayon. Nominado kasi siya sa EFFY Awards sa dalawang kategorya: Bilang Best Actor sa isa at Best Supporting Actor naman sa kabila. Ito ay para sa dalawang pelikulang naipanalo din niya ng Best Actor at Best Supporting Actor dito sa ating sariling bansa kamakailan lamang.
Ang mga pelikulang "1957" na inilaban nu'ng isang taon sa Tofarm Film Festival at nagpanalo kay Richard ng Best Supporting Actor award sa nabanggit ding pestibal, at ang pelikulang "Kapayapaan Sa Gitna Ng Digmaan" na produced naman ng Iglesia Ni Kristo at nagpanalo kay Richard ng Best Actor trophy sa Singkuwentro Film Festival this year ay pawang mga nominado rin sa prestigious na European award-giving body na EFFY awards.
"Kakaiba na namang experience ito para sa akin dahil nominated ule ako sa Best Actor at Best Supporting Actor na naipanalo ko na dito sa dalawang pelikulang iyon", sabi ni Richard. "Pero this time, sa isang European film festival naman ako nominado. Kaya nakakataba ng puso. It only means, talagang maski sa ibang bansa ay napansin rin nila ang kakayahan ko.
"Kaya paalis talaga ako sa May 19", dagdag pa ni Richard. "Medyo maikling bakasyon ko na rin iyon. I just wish and pray, sana manalo ako ule. Pray for me, please."
Definitely, we will.
Meanwhile, naging malaking usap-usapin sa viral world ang sinulat ng isang blogger na plano na raw mag-retiro ni Richard sa pag-arte in a matter of four years. Marami ang nagulat. Marami rin ang umayaw dahil para sa kanila, isang malaking kawalan si Richard sa mundo ng pelikula at pag-arte.
"Actually, Robert, ganito lang ang pagkasabi ko: sabi ko, in four years time, I am turning 50 na, kaya in four years time, I want to do some retrospections in my life, and some major assesments, too", pahayag ni Richard. "Kaya sabi ko duon sa nag-interview, I may take a break from acting when I reach 50. Do some major reassesments, new plans, new horizons. Pag-aaralan ko munang maige. Pero I am not definite naman to say na magre-retiro na ako. Basta major reassesments lang.
"Halos buong buhay ko na kasi, ang pag-arte na lang palagi ang ginagawa ko, may be in four years' time, medyo gusto ko lang na mag-iba naman ang takbo ng buhay ko", dagdag na sabi ni Richard. "Yung gumawa naman ng ibang mga bagay-bagay. Like business, maybe. Or maski ano. Pero hindi rin naman ako nagsasalita ng patapos. Gaya ng nasabi ko, pag-iisipan ko pa lang."
Pero wala bang plano si Richard na maging isang Eddie Garcia rin balang-araw na hindi ni minsan iniwan ang mundo ng pag-arte?
"People have different roads to follow kasi, eh", sagot ni Ricahrd. "I admire Tito Eddie Garcia for embracing so much the Philippine Movie Industry. Biruin mo, mula nuon, hanggang ngayon, ay andyan pa rin siya. At napaka-versatile pa niya. Pero in my case, gusto ko lang talagang magkaroon ng reassesments. Ganu'n lang. Hindi rin kasi natin masasabi ang takbo ng panahon."
Basta ang mahalaga, ang pangalang Richard Quan ay naka-marka na sa puso, diwa at damdamin nating lahat. Hindi na mabubura 'yun- magpakailanman.
"Ang sarap mahalin ng industriyang ito", pagtatapos na wika ni Richard. "Ang sarap ding mag-iwan ng Legacy dito. Kaya naman, heto patuloy pa rin akong nangangarap, nagpupursige, nakikipaglaban- bilang isang aktor. Hindi ko na rin siguro maipagpapalit pa ang pagmamahal na inukol ko dito."
Very well said, Richard.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
photos courtesy of mr. quan's fb page.*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento