Isang award-winning actress na nanalo na ng Best Actor trophy sa Cinemaya Film Festival, Isang nirerespetong Fashion Choreographer, isang jet-setter na transgender, at isang dating movie writer na gay performer na ngayon sa mga night clubs- opo, silang apat ang napili naming sumagot sa dalawang katanungan na ito: Una, ARE YOU PRO-SOGIE BILL OR ANTI-SOGIE BILL? At pangalawa, ANO ANG MASASABI MO SA IPINAGLALABAN NI GRETCHEN DIEZ?
Ang mga sagot po nila HATI. Equally divided. Kaya naman, patuloy pa rin po ang pakikipaglaban natin, mga kapwa-PRO-SOGIE Bill advocates.
Naisip lang po naming gawin ang Forum na ito para maipakita sa lahat ang tunay na mga tinig at boses ng mga LGBT'S. 'Yun lang.
Maraming salamat!
MIMI |
MIMI JUAREZA:
"SOGIE Bill? Why not. As long as it doesn't hurt and harm anybody. As long it can help and improve the lives of the people who are all affected by this Bill. But let us make sure na hindi maaabuso at magagamit ito sa kasamaan, then, let's push for it!
"About kay Gretchen, ayaw ko nang pag-usapan pa ang ukol sa kanya. Tama na, nakuha na niya ang gusto niya at malayo na ang narating niya dahil sa mga nangyari sa kanya, so, I am Okay with it na.
"Salamat!"
SHANDY LIM with a male model |
SHANDY MONTECARLO LIM:
"I am against any form of discrimination that's why I am PRO-SOGIE Bill. And I believe, it's high time to exercise this kind of right as a member of LGBT community.
"About Gretchen and the comfort room issue, I will do the same in case na nangyari din sa akin 'yun. I watched every details of the incident in the video and it's very clear na what happened to her is against HUMAN RIGHTS!!! Binastos, minaliit, pinahiya- and the lady-janitor even told Gretchen some very negative words. And lastly, hindi tama na pinosasan siya ng dahil lang sa C.R.! Napaka-stupid!
Tama lang na ipinaglaban niya ang karapatang-pantao niya.
"Gretchen was very confident na hindi siya masisita it's because she's in the Rainbow City- and that's Quezon City which is LGBT-friendly. Kahit ano pa ang gender mo, wala kang karapatang ipahiya o i-discriminate ang kahit sino.
"I just hope na someday, ma-educate talaga ang mga tao sa ukol sa SOGIE Bill. Thank you."
IYA |
IYA DELA TORRE SILGUERA
"Yes, pabor ako sa SOGIE Bill. I think this is the right time na ipaglaban natin ang ating mga karapatan bilang homosexuals. Huwag natin hayaan na i-bully o i-discriminate tayo sa mga taong hindi marunong umunawa o mag-respeto sa atin.
"Ukol kay Gretchen, tama lang na ipaglaban niya ang karapatan niya. Hindi makatao ang ginawa sa kanya na pinosasan pa siya. Wala naman siyang maling kasong ginawa."
MELON TAKAI (center with a mole ): with fellow gays |
MELON TAKAI
"Hello! Bongga ang mga tanong na iyan! Para sa unang katanungan na ukol sa SOGIE Bill, eh, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa 'yan. Pero hindi pa pasado! Ngayon, kung sakaling pasado na iyan, ay meron pa ring mga malalaking kompanya ngayon ang hindi tumatanggap sa mga LGBT's!
"Sa pangalawang tanong ukol kay Gretchen, kung operada ka na, ay may karapatan ka talaga. Kaya ipaglaban mo! Pero kung nagdamit-babae ka lang at may suso ka lang, para sa akin ay lalaki ka pa rin. Iyan ang opinyon ko.
"And I thank you."
(AS COMPILED AND BLOGGED BY ROBERT SILVERIO).*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento