CED TORRECARION: ANG AKTOR SA TEATRO NA GUMAGAWA NA RIN NGAYON NG PANGALAN SA MUNDO NG TELEBISYON

ced: with Spanish-Chinese-Filipino blood

ced: the actor is also a businessman

ced: acting since he was a kid

ced torrecarion as pintius pilate  in the play "martir sa golgota", in a scene with actor lance raymundo as jesus christ

Nu'ng minsang mapanood namin si Ced Torrecarion sa Senakulong MARTIR SA GOLGOTA nu'ng nagdaang Holy Week ng taong 2019, talagang nagmarka sa aming kaisipan ang kakaiba niyang galing sa pagganap. Damang-dama mo 'yung lawak ng pag-arte niya - napakalaki, buong-buo at matatag. It's LARGER THAN LIFE, ganyan ang made-describe namin sa eksekusyon na ginawa ni Ced bilang si Pontius Pilate sa dulang Martir Sa Golgota. 

Kaya naman nu'ng minsang makapanaym namin si Ced minsan sa isang imbitasyon mula sa kanya para i-promote ang DOLCE FAR NIENTE WELLNESS SPA na pag-aari niya at ng kanyang girlfriend na si Lee Ann, ang una naming naitanong sa kanya ay kung gaano na ba siya katagal sa Teatro dahil napakagaling niyang talaga?

"I've been doing Theater since I was a kid", bungad na sabi sa amin ni Ced. "I started it out acting since I was 17 years old. Marami na akong nagawang mga theatrical productions. Mahirap kung iisa-isahin pa natin.

"Pero at that time, nakilala rin ako ni Boy Abunda at gusto niya akong kunin as one his male talents then", dugtong na sabi ni Ced. "Kay lang, at that time, gusto ng father ko na mag-aral muna ako. Later on, naging manager ko ang yumaong si Alfie Lorenzo. Kinuha ako ng ABS-CBN at lumabas ako sa mga teleserye nilang Tabing Ilog at Labs Ko Si Babes. Gusto akong i-groom ng channel 2 noon bilang isang matinee idol, pero 'yun nga, mas priority pa rin sa akin kasi ang studies ko at that time. bagets pa kasi noon.

"Nakalabas din ako sa isang malaking TV commercial na ipinalabas all-over Asia", anya pa. "Yun ang commercial na Khali commercial. Sumikat ang TV com na 'yun."

Nu'ng high school days ni Ced, doon siya pumasok sa mundo ng Teatro. Nakalabas na siya sa Gantimpala Theater Foundation at PETA.

"Nakalabas ako sa lahat ng tinatawag nilang 4-C plays noon sa Gantimpala Theater", sabi ni Ced. "Yung 4-C plays na iyon, 'yun ang Kanser, El Filibusterismo, Florante at Laura at Ibong Adarna. Naging suki ako sa pagganap sa mga plays na iyon. Minsan na rin akong naidirek ni Tony Mabesa sa Dulaang U.P."

Ano ba ang kaibahan ng pag-arte sa Teatro kumpara ng pag-arte sa telebisyon para kay Ced?

"Sa Teatro, walang Take Two", sagot ni Ced. "Kapag naiarte mo na iyong isang eksena, iyon na 'yun, that's it. That's why you have to save yourself du'n mismo sa actual performance na. Huwag mo munang ibigay ang lahat sa rehearsals. Samantalang sa TV naman, mayroong take two, take three, hanggang sa ma-perfect mo 'yung pag-arte mo ayon sa panlasa ng direktor. In theater, you have to act BIG and wide. Pero sa TV, you have to minimize. You have to lessen."

Kasama ngayon si Ced sa teleseryeng Los Bastardos ng channel 2 na napapanood tuwing hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

"Ang pangalan ng character ko doon ay Antonio Silang", kuwento ni ced. "Isa akong rebeldeng may hawak ng susi kung sino talaga ang mastermind ng lahat ng kaguluhan sa istorya. Mapanghamon ang papel ko doon.

"Plus magaan katrabaho sina Jake Cuenca at Joseph Marco na mga bida sa Los Bastardos", anya pa. "Nakasama ko na rin kasi sila dati sa teleseryeng Passion de Amor kaya medyo at ease na ako sa kanila."

Kasalukuyan, may ginagawa ding isang indie film si Ced na kung saan ang papel niya ay isang Pulis.

In-between his acting jobs, naisisingit pa rin naman ni Ced ang pagma-manage nilang magkasintahan sa DOLCE FAR NIENTE SPA.

"Night shift ako makikita sa Spa", pagtatapos na sabi ni Ced. "Samantalang si Lee Ann naman na siyang girlfriend ko, sa umaga siya. Kasi siya ang bumibili ng mga pangangailangan sa Spa tulad nung mga oils na ginagamit. I've invited some actor-friends of mine doon sa Spa namin, and so far, lahat naman sila ay very satisfied. May branch kami sa Guadalupe Viejo, Makati at yung isa, sa Project 6 naman. And soon, we're planning to open-up another branch in Tomas Morato."

Keep it up, Ced.




(sinulat ni robert manuguid silverio)

ced: from theater to TV

ced: a magnifying actor

ced in "los bastardos"

ced's character in "los bastardos" teleserye

ced with his gf lee ann (middle), together with their staff and an actor guest at DOLCE FAR NIENTE SPA



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...