HUWAG NATING HUSGAHAN SI LOONIE!


loonie: "smoke gets into your eyes"

loonie: Bahala Na Si Batman!

loonie: another artist in trouble

loonie: immerse, magnetic sex appeal


loonie: his many adoring fans wants him freed


(Blogger's Note: Ang mababasa po ninyo sa ibaba ay isang personal na sanaysay. Ang opinyon ko bilang isang manunulat at ardent supporter para sa mga TRUE ARTISTS na tulad ni Loonie ay hindi tahasang paghihikayat para sa iba na gayahin din ako. Sa isang mundong punong-puno ng mga panlalait, pangungutya at panghuhusga buhat sa mga taong nagbubuti-butihan lamang, mas papanigan ko po ang isang taong nag-ukol ng kanyang kaluluwa, puso at pagmamahal para sa mundo ng Musika. Si Loonie pa rin ang magaling na RAP ARTIST na hinahangaan ko, anuman ang sabihin ng iba, at hindi magbabago iyon maski ba may naganap na isang masamang pangyayaring nagdulot ngayon ng malaking pag-aalinlangan sa karamihan ng mga umiidolo sa kanya. Magpakailanman, Loonie, hanga pa rin ako iyo. Period. ---rms.*)



"HUWAG NATING HUSGAHAN SI LOONIE"

Nasa isang internet shop ako nu'ng dalawang gabi na ang nakakaraan, at halos lahat ng mga kabataang nasa loob ng internet shop na 'yun, si LOONIE ang naging topic ng usap-usapan nila. Tahimik lamang akong nakinig sa usapan nila at pasumandaling tumigil sa mga pinapanood kong videos sa Youtube.Com. Heto ang usapan nila:

"Dapat ko pa bang idolohin ang idol kong si Loonie?", tanong nu'ng isa sa barkada niyang kausap. "Kasi, nilabag niya ang batas. Napanood ko 'yung video. Huli siya sa akto."
"Iidolohin ko pa rin siya", sagot naman nu'ng isa. "Kasi, hindi naman 'yung mga pagkakamali niya at mga kahinahan n'ya ang gusto ko sa kanya, 'tol. Maging ano pa s'ya, hanga pa rin ako sa music niya, 'tol".

Bumanat naman ng isang mahabang monologue ang isang teenager na babae na kasama nila:
"Naku, nakakainis naman, crush na crush ko pa naman si Loonie", sambit nu'ng girl. "Bakit kailangang mangyari sa kanya 'yun? Isa ako sa mga tumitili sa kanya! Tunay akong nalulungkot for him. Yung mga songs niya, ang gaganda ng message. May gustong iparating para sa lahat ang mga songs niya!"

"Baka naman na-set-up lang siya? Delikadong bagay iyan, huwag nating pakialamanan ang bagay na' 'yan", sabat naman nu'ng isang lalaking pinaka-guwapo sa lahat ng nandu'n sa loob ng internet shop na kinalalagyan namin. "Ginagawa lamang ng mga pulis ang pag-iiral sa batas. Sana, maimbestigahan ng maayos ang nangyari sa kanya."

Iyan po. Iyan po halos ang mga katagang narinig ko sa mga kabataan na iyon. Hindi ko lang makuha ng maayos ang way of speaking nila at mga salita, pero halos ganyan ang mga sinabi nila.

Napatahimik ako ng matagal at nag-isip habang nakaharap sa computer machine nu'ng internet shop. May tumusok ng malalim sa aking puso.
Nalungkot akong masyado. Dahil nu'ng ilang mga pagkakataon na na-meet ko ang mga rap artists na tulad nina Looney, Aklas, Shanti Dope, at iba pa-, damang-dama ko ang pagiging totoo nila. At sa tuwing pakikinggan ko ang mga musikang likha nila, tunay namang lumalakbay ang kaluluwa ko sa sobrang paghanga sa type of music or 'genre' ng likha nilang mga melodiya.

LOONIE like the rest of other rap artists are TRUE ARTISTS. Malalalim ang mga kaluluwa nila.

Oo, ang BATAS ay BATAS,.At sa nangyari nga kay Loonie, pinaiiral lamang ng mga Pulis at ng mga taong nasa awtoridad ang legalidad ng BATAS.

Pero isa lamang ang pumasok sa isipan ko: HINDI KO DAPAT NA HUSGAHAN SI LOONIE.
Kung nasira man ang pag-iidolo sa kanya ng mga kabataan ngayon, talagang napakasakit kung iisipin.

ARTISTS are still artists. Huwag sana siyang i-condemn ng mga kapwa niya artists dahil sa nangyari sa kanya. Kung nagkamali man siya o kung sakaling sinaway man niya ang batas, tao lang naman kasi din siya.

Hindi marunong sumagot si Loonie sa mga tanong sa kanya ng mga taong nasa awtoridad doon sa video ng pagkakahuli sa kanya. Ang tanga-tanga ng mga sagot niya. Artist kasi siya, eh. Hindi niya alam ang mga tamang kasagutan.
Isang konklusyon lang ang pumasok sa aking isipan nu'ng papalabas na ako ng internet shop. Sabi ko sa sarili ko: "Hihilingin ko sa lahat na sana'y unawain pa rin nila si Loonie. Ipo-post ko sa Facebook Wall ko na sana'y huwag siyang husgahan ng mga tao. Dahil hindi pa rin si Looney na nahuli ng mga Pulis ang mahalaga para sa akin, kundi si Looney na isang magaling na rap artist at gumawa't sumulat ng mga malalalim na mensahe ng buhay, at ng PAGIBIG."

ARTISTS UNITE!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...