MGA ALA-ALA NG NAKALIPAS, MGA KALULUWANG BUMABALIK AT MGA PUSONG HINDI NAMAMATAY (O, ISANG PAGBISITA SA ENSAYO NG DULANG "EL FILIBUSTERISMO")




Sa isang matinding eksena sa dulang EL FILIBUSTERISMO, madarama mo ng husto ang napakasakit na nangyari sa magsing-irog na sina Basilio at Huli. Ang mga luha nila ay totoo, ang mga sigaw at hiyaw nila ay umaabot hanggang sa walang hanggang dulo ng panahon at kalawakan.

Sa mga luha ni Huli, alam mong wala na siyang magagawa at ang kamatayan na lamang ang makakasagip sa kanya.

Sa mga panaghoy ni Basilio at sa ataol ni Huli na kanyang hinabol- ANG MGA ALAALA NG NAKALIPAS AY MULING NABUO.


****  ****  ****


"Patay na kaming lahat dito", sabi naman ng aktres na gumaganap sa papel na Donya Victorina. "Kaya kami naka-belo ng itim, ay dahil patay na kaming lahat".

Na tinaliwas naman ng aktor na gumaganap bilang si Padre Camorra. "Hindi pa tayo patay diyan", anya pa sa aktres at sa isang manunulat. "Nabuhay tayo sa pagbomba. Sinagip tayo ni Isagani."

"Pero patay na rin kayong lahat", sabi naman ng isang manunulat. "Kasi, nu'ng panahon pa ng Kastila kayo nangabuhay sa ala-ala at isipan ng isang bayani. Kayo ang mga Pilipino- noon, at magpasa-hanggang ngayon."

Pero sadyang may mga kaluluwang nagbabalik pa rin sa tuwing may isang maganda at makatotohanang presentasyon ng Sining na ukol sa kanila. Mga kaluluwang nakakabalik para muling ipadama sa bawat mag-aaral ang pagmamahal sa bayan.

MGA KALULUWANG BUMABALIK DAHIL HINDI PA TAPOS ANG KANI-KANILANG MGA GAWAIN- SA MUNDO MANG ITO O KUNG SAAN PA MAN.


***** **** **** ****


Sa pagtatapos ng ensayo ng isang dula- lulutang ang isang nilalang na siyang nagmahal ng lubusan para sa bayan at para sa bawat Pilipino. Ang kanyang katalinuhan ay mas lalo mo pang hinangaan.

Isang nilalang na nagkubli man sa kadiliman ay patuloy pa ring inakap ng lahat at lumutang sa pagdaloy ng panahon.

Tumayo siya mula sa likod at pumagitna sa lahat pa ng mga karakter na kasama niya sa dulang iyon. 
Napakatindi ng emosyon sa kanyang mukha, at bawat kilos niya't galaw, punong-puno ng malalalim na kahulugan.

DAHIL ANG KANYANG PUSO PARA SA BAYAN AY HINDI MAMAMATAY, MAGPAKAILANMAN.


****  **** **** ****

Sina Roeder Camanag, Paul Jake Paule, Randy Rey, Marian Moreno, Masanori Mentuda, ThomArkin Raymund Da Silva, Morris Sevilla, Jernice Matunan, Marian Moreno, Joe Gruta, Vangie Inocencio, Beaulah Mae Saycon, at marami pang iba...

Sila ang mga aktor at aktres sa Teatro na muling bumuhay sa diwa't kaisipan ng isang manunulat nu'ng hapon na iyon sa isang ensayo ng dulang EL FILIBUSTERISMO. Binuhay muli nila si SIMOUN (Roeder), si KABESANG TALES (Paul Jake), PADRE CAMORRA (Randy Rey), DONYA VICTORINA (Marian) KAPITAN TIYAGO (ThomArkin), BASILIO (Morris), HULI (Jernice), PADRE FLORENTINO (Joe)..... at iba pa.

Dahil sa dedikasyon ng mga artistang ito sa entablado, muli mong nadama ang puso at muli mong narinig ang bawat pagpintig ng mga puso nila- ng mga patay na tao na iyon- mga patay na Pilipino- na nangabuhay lahat nu'ng panahon pa ng Kastila, at muling nagbalik, muling nagparamdam.

Maski ensayo pa lamang, hindi nila binasta-basta lang ang pagbibigay ng emosyon, hindi sila naging maramot na ipakita sa isang manunulat ang mga kagalingan nila, at ang seryoso nilang dedikasyon sa kanilang mga gawain.

Tunay na nakakamangha.


*****  **** **** ****


Nakaka-engganyong panoorin si direk Jeffrey Camanag habang nagdidirek sa ensayo ng dulang yaon. Hindi siya basta nakaupo lamang habang nagdidirek. Tumatayo siya't nakikisali sa mga artista. Pinapawisan siya talaga. Personal niyang tinuturo ang mga tamang blocking, pagkilos at pag-ayos.

Walang masyadong distraksyon, tuloy-tuloy ang ensayo. Walang pasikatan. Walang paistaran. At walang pagpapa-IMPRESS. Basta totoo lang ang lahat. Natural na natural.

Pero ang lubos na kahanga-hanga, bukod kay direk Jeffrey, ay ang mga artistang sina Roeder Camanag at Masanori Mentuda. Grabe, ang gagaling nila.

'Yung mga simpleng paggalaw ng mga kamay ni Roeder, o simpleng paglakad o pag-akap sa lamparang hawak niya- masasabi naming pati katawan niya ay umaarte talaga. Nagma-magnify sa buong kapuluan!

Si Masanori naman, napakahirap nu'ng papel niya at napakahirap din ng dialogue niya pero na-deliver niya ng buong husay. Ulo lang niya ang makikita mo, pero hanep! Ang galing talaga.

Isang hapon na tunay mong nadama ang tunay na kahulugan ng SINING, at ng sobrang pag-akap ng mga taong nagmamahal sa mundong ito ng Teatro.


**** **** **** ****

Ang aktor na si Randy Rey ang tunay namang nagpasaya sa bisita nilang manunulat. Napakaganda ng pakikitungo niya sa mga media people.

Si direk Jeffrey na sobrang abala nu'ng mga oras na iyon, nagawa pa ring istimahin ang isang bisita.

Si Sir Joe Gruta, sobrang humble pa rin sa kabila ng malalaking naging kontribusyon na niya sa mundo ng Pelikula at Entablado.

At si ThomArkin Da Silva, na napaka-sweet pa ring kausap.


****  **** *** ****


MINSAN, SILA AY NAGBABALIK, KADALASAN, ANG MGA ALA-ALA'Y HINDI NAMAMATAY, AT SA TUWINA, MAY ISANG PUSO PA RING HINDI MAGLALAHO.

SA TINAGAL-TAGAL MAN NG PANAHON, ANG MGA MENSAHE NG MGA KARAKTER NILA AY MARIRINIG PA RIN NATIN. PARA IPAGPATULOY ANG MANA NG ATING LAHI. PARA MADINIG PA RIN AT MADAMA NG BAWAT KABATAANG PILIPINO.

ANG DULANG "EL FILIBUSTERISMO" NG GANTIMPALA THEATER FOUNDATION AY ISANG ROSAS NA HINDI MALALANTA SA ANUMANG URI NG PANAHON O SA TINAGAL-TAGAL MAN NG PAGDALOY NG MGA ARAW AT GABI...

DAHIL ANG ROSAS NA IYON

AY ANG ROSAS NG PAGIBIG...



MAGPAKAILANMAN.





(sinulat ni robert manuguid silverio)


jeffrey
roeder
masanori
randy
beaulah
jernice
joe
morris
marian
ThomArkin
Vangie with a friend
paul jake

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...