beaulah and the theater world |
casual beaulah |
beaulah: an oberver |
beaulah dreams of ms. saigon |
beaulah: one lucky theater actress |
beaulah with her mentors paul jake paule and roeder camanag |
"Napakasaya ko po!", masayang bungad ni Beaulah Mae Saycon, isang baguhang theater actress sa isang interbyu. "Kasi, hindi ko inaakala na pagkatapos ng dulang Kanser na kung saan ay may isa pa kaming performance soon, heto po't nasundan kaagad ng isa pang acting job ang pagsabak ko sa Teatro. Kasama naman ako ngayon sa dulang El Filibusterismo, bilang si Hermana Bali sa dulang ito.
"Actually po, maghahanap na sana ako ng ibang trabaho pagkatapos na pagkatapos ng dulang Kanser", pagpapatuloy na sabi ni Beaulah. "Pero nagulat ako, bigla akong tinawagan ni Ate Kim, ang production manager ng dulang El Filibusterismo, Ang sabi niya, kung gusto ko daw bang makasama sa dulang iyon. Siyempre, ang sagot ko naman ay isang malaking OO! Napakasuwerte ko talaga na nasundan agad ng isa pa ang pag-arte ko sa entablado.
"Thank you, Lord! Ang bait-bait po ninyo. Dahil hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito ako ka-busy bilang isang aktres sa taong 2019", anya pa.
At gustong-gusto rin ni Beaulah ang karakter na ginagampanan niya sa El Filibusterismo dahil kakaiba at may matinding hamon para sa kanya.
"Isang old lady character po kasi si Hermana Bali", pagpapatuloy na wika ni Beaulah. "Siya ang tumatayong nanay ni Huli, na kasintahan ni Basilio sa dula. Magmamarka po ang karakter niya sa kabuuan ng dula dahil siya ang magiging dahilan kung bakit mamamatay si Huli.
"Siya kasi ang nag-convince kay Huli na puntahan si Padre Camorra para magmakaawa dito na palayain ang kasintahan niyang si Basilio", anya pa. "Pero nu'ng puntahan ni Huli si Padre Camorra ay ginahasa siya nito. At 'yun ang magiging dahilan ng pagpapatiwakal ni Huli."
Kailangang ibahin ni Beaulah ang hitsura niya sa kabuuan ng dula, pati ang boses niya para magmukha siyang matanda na.
"Nag-observe ako masyado at nag-research para sa karakter ko sa dula", muling sabi ni Beaulah. "Na siya namang gustong-gusto kong gawin eversince maging actress na ako, ang mag-observe ng mga tao at mga bagay-bagay. Kaparte na rin kasi 'yun ng pagiging mga artista namin at alam ko, mas lumalalim ang pagkatao ng isang aktres kapag malawak ang mga obserbasyon niya sa mga bagay-bagay."
Ang isa sa mga pangarap ni Beaulah ay ang makasama someday as among the cast of the Broadway hit musical- ang Miss Saigon.
"Idol ko po kasi si Lea Salonga, eh", sabing pagpapatuloy ni Beaulah. "Kapag magkaroon muli ng pagkakataon balang-araw na magkaroon ng auditions dito sa Pilipinas ng dulang Miss Saigon, tiyak na sasali ako. Lahat naman yata ng mga taga-Teatro ay gustong makasama sa dulang iyon balang-araw."
Bilang pagtatapos, malungkot ang naging realisasyon ni Beaulah sa panloob na kasaysayan ng dulang El Filibusterismo.
"Dahil kahit ano pang laban ang gawin mo, kapag hindi ka kabilang sa mga nakatataas, ay wala ka pa ring laban. Nakakalungkot isipin. Pero iyan ang katotohanan. Iyon ang nakapaloob sa nobela. Wala ka pa ring magagawa maski ano pang laban ang gawin mo. Basta ang mahalaga lang, mamamatay kang lumalaban pa rin", pagtatapos na wika ni Beaulah.
Very well said, Beaulah.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento