A BLOGGER'S LIFE




Kadalasan ay nararamdaman ko na ang panginginig ng mga daliri ko at pagdaing ng mga kamay ko na tila bagang nais nang sumuko sa pagsusulat. Pero dahil sa paniniwala kong naririyan pa rin ang mga kaibigan ko sa showbiz na nagbibigay sa akin ng inspirasyon, hindi pa rin ako tumitigil sa pagba-blog at sa pagsusulat. Maski ba kadalasan, napupulaan na ako ng mga kapwa ko manunulat at mga kasamahan sa entertainment writing, dahil daw, laging papuri na lang ang sinusulat ko, at hindi na raw ako nagiging objective sa mga panulat ko. May misyon pa rin daw ako bilang isang manunulat, at dapat ko pa rin daw na gampanan iyon.

Ang SWORDSHINES10.BLOGSPOT.COM po, gaya ng mababasa ninyo sa aking Blogger's Profile, ay isang JOURNEY, together with my friends in the entertainment field. Iyan po ang description ko sa aking blog site. Therefore, it is a Personal Blog Site, and it's not a corporate blog site. Isa itong paglalakbay at pagpupursigeng mas bigyan pa ng mga karagdagang dimensyon ang mundo ng Entertainment.

Sa paglalayon o kagustuhan kong maging maganda ang mga presentasyon ko sa mga sinusulat ko, hindi ko tinanggap ang alok ng iba na bigyan ng ADVERTISEMENTS ang blog ko. Dahil ang blog site ko po ay nagmula buhat sa isang paru-parong puti na lumipad ng lumipad sa aking mukha, balikat at katawan sa isang malinaw at saktong pangyayari. Doon nagmula ang ideya kong gumawa ng isang blog site para sa mga artista't celebrities na nakakasama ko sa showbiz. Ang tunay na inspirasyon kong masasabi talaga, ay sa isang ANGHEL na hindi ko na lamang babanggitin ang pangalan niya. Siya ang aking comfort, siya din ang aking kaligayahan.

Pero ngayon ko lang naisip, may iba pala akong dapat na sundin pa, mga patakaran na dapat pairalin. Dahil sa una, ang akala ko, dahil ako ang taga-LIKHA ng aking blog site, ako na ang masusunod sa lahat. Na sarili ko ang BOSS ko. Pero hindi pala.

Dahil sa ang KATOTOHANAN sa lahat ng ito, hindi po mabubuhay ang aking blog site kung wala ang mga KAIBIGAN ko na iyon sa showbiz. Kumbaga, sa kanila ako kumukuha ng GASOLINA para tumakbo at umandar ang mga pangangailangan ko to sustain my blog site. Dahil nga, ayokong magkaroon ng ADS ang aking blog, at dahil mas gusto kong maging personal lamang ang IDENTITY ng aking humble blog site.

Pero tao lamang ako. May mga pangyayaring nasasaktan din ako dahil sa mga maling interpretasyon ng iba sa mga bagay-bagay. Ganu'npaman, humihingi pa rin ako ng paumanhin ngayon sa kanila. May mga nasaktan ako, may mga nasagasaan, may mga nadampian ng aking mga pagkakamali.

Kung minsan kasi, dahil sa mariin ang pagkakatitig ko sa kanila, gusto kong mas pagbutihin pa nila ang paghanga ko sa kani-kanilang mga kakayahan. At gusto ko rin linawin na hindi siguro ako talaga 'yung taong NAKITA nila, maaaring naging MALI nga ang pagkakatingin nila o sa ibang anggulo nila nakita ang malilinis kong intensyon.

Pero dito sa huling pagkakataon na naganap sa buhay ko bilang isang blogger, ipinakita sa akin ng isang ANGHEL na ako nga ang nagkamali. Dahil siguro sa sobrang taas ng expectations ko sa galing nila sa pagganap nu'ng isang beses na napanood ko sila sa Cuneta Astrodome, mas nanaginip akong MAS gagaling pa sila sa susunod nilang pagtatanghal. Marahil, doon nga talaga ako nagkamali. Hindi nila na-"fill-in" ang napakagrande kong expectations sa kanila. At dala ng aking pagkadismaya, nakapagsulat ako ng hindi maganda. PARA SA KANILANG APAT, humihingi po ako ng paumanhin.

Sinabihan na ako nu'ng aktor na bida sa dulang iyon, na iyon daw ang mas magandang bersyon ng dula nila, pero hindi ako nakinig sa kanya. Iba kasi ang panlasa ko, marahil. Mas humahanga na ako ngayon sa mga dulang may SOPHISTICATION at may texture. 'Yung makaluma at darker ang dating. Hindi 'yung kumikinang ang mga sets sa entablado. Dahil natatabunan nu'n ang kakaibang galaw at galing mga artistang nagsisipag-ganap.

Nuong kabataan ko, at a time na nasa TASK FORCE P.R. pa ako g yumaong direktor na si Joey Gosiengfiao (R.I.P.) noon sa Regal Films, kasabay nu'n na isa din ako sa directly-assigned na magazine writer sa mga pelikula ng Seiko Films at direktang nakakausap ko ang prodyuser na si Robbie Tan, aside from being one among the regular invited movie press sa tuwing may mga bagong pelikula noon ang Viva Films at ang Star Cinema- binibigyan nila ako ng leeway sa mga anggulo na dapat na maisulat- NEGATIVE man ito o HINDI. Dahil sa lawak ng mga experiences naming mga entertainment writers, mas alam na namin kung ano ang mas ikasisikat ng mga artista- mapa-telebisyon man o pelikula.

Ang intensyon lamang naming manunulat ay iisa: Na mas paingayin, mas mapansin, mas makilala ang mga artistang sinulat namin. Dahil naniniwala kami: "Good or bad publicity is still publicity."

Lahat na yata siguro ng mga panlalait nila sa pagkatao ko ay nabasa o naipahayag na nila ng mali sa sankaterbang mga tao magmula nu'ng maging VIRAL na ang pagsusulat ko. Pero lahat po iyon ay pinalampas ko lang, dahil alam ko, sa bandang huli, malalaman pa rin nila, MALINIS ANG INTENSYON KO.

THIS IS MY LIFE. THIS IS A BLOGGER'S LIFE.

Maaring magpahinga man ako ng sandali o ng matagal, bahala na. Pero bilang isang kaibigan, wala na sila sa buhay ko. Mananatili na lamang ang mga ala-ala, masama man iyon o hindi.

Sa Facebook ko, marami na akong na-blocked. At kapag nagawa ko na iyon, it only means, hindi na kita kaibigan. Dahil natuklasan ko, hindi mo pala ako ganap na nakita sa tunay na AKO. 

Magpapatuloy po ako sa personal na buhay ko. Maaaring tumigil ako pasumandali. Pero sabi nga nila, habang may buhay ay may pagasa.

Dahil makita man nila o hindi ang anghel na patuloy na nagi-inspire akin, wala na po akong pakialam sa sasabihin pa nila.

Habang ang mga bituin at ang buwan sa langit na nakikita ko kadalasan ngayon sa gitna ng gabi ay naroroon pa rin sa langit,



magmamahal pa rin ako ng magmamahal sa mga kaibigan ko sa showbiz.




MAGPAKAILANMAN.






(isang personal na sanaysay ni robert manuguid silverio)


2 komento:

  1. may mga araw o oras na gusto ko magbasa ng content blog na katulad ng laman na marami sa blogsite mo sir. hindi lang para tignan yung mga kakatuwang kaganapan sa mga likod ng intablado/teatro o likod ng camera o kaganapan bago pa mag simula ang isang simula. Gusto ko at naaaliw ako sa istilo mo ng pagsulat sir kasama ng iba mong kaibigan na manunulat dito. Ipagpatuloy niyo pa po sir , entertaiment publicity o personal hangat hindi masama ang intensyon niyo sakanila at ang mahalaga ay malinaw ang gusto niyo at magsusulat ka para sa mga kabahagi at dahilan ng iyong kagustuhan at bumubuo ng isang ikaw sir. Isang manunulat at kaibigan nila. Be safe po at sanay makakuha pa ako ng maraming magagandang words galing sa mga nasusulat mo sir.

    TumugonBurahin

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...