KALIGAYAHAN...
ITO'Y NALALASAP DIN SA PAMAMAGITAN NG MGA MATA...
SA MGA BISYON AT LARAWANG IPINIPINTA NG MGA DAKILANG PINTOR...
MGA TANAWING MAPAYAPA, SIMPLENG PAMUMUHAY, MAPAGKUMBABANG MGA GAWAIN...
OO, KAY SARAP NILANG TIGNAN SA MGA MATA...
KAY SARAP NILANG PAGMASDAN MULA MALAPITAN MAN O MALAYO.
MAPAPANGITI KA NA LAMANG
DAHIL SADYANG KAY GANDA.
NAPAKASARAP
NAPAKA-MAINAM
AT IYAN ANG KALIGAYAN.
MAGLAKBAY MAN AKO NG MALAYO
MAGTUNGO SA MGA KUNG SAAN-SAANG LUGAR...
TATANAWIN AT TATANAWIN KO PA RIN ANG MGA BAGAY SA LUPA,
MGA BUKIRING MALA-GINTO SA PAGKA-LUNTIAN,
MGA BIGAS NA UMUUSBONG BUHAT SA MGA DAMUHAN
AT MGA MORENONG NILALANG NA NAKABILAD SA GITNA NG ARAW.
ISA NA NAMANG LARAWAN MULA KAY MASTER POPOY,
NA AKING IIBIGIN AT MAMAHALIN
NAGLALARAWAN NG KALULUWA NG ISANG TUNAY NA PILIPINO,
NAGMAMARKA SA PUSO
SA DIWA
AT,
SA KAGANDAHAN NG BUHAY.
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio, mga larawan, mula kina ivan irinco at Sir Popoy Cusi)***
rafael 'popoy' cusi: great painter |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento