JOSE JEFFREY CAMANAG AT JERRY SIBAL KASAMA ANG IBA PA SA "NOLI ME TANGERE, THE OPERA", PANALO LAHAT SA RECENTLY-CONCLUDED L.E.A.F. AWARDS!





Sa bawat malilinis na instensyon at maiinit na pagtanggap,
Mga ngiting masasaya, walang pretensyon, walang pagbabadya.
Mga pang-uunawa't pagbibigay na mula sa puso.

Pag-iistimang hindi mo malilimutan,
paglilingkod sa mga kabataang sadyang nangangailangan ng TAMA at WAGAS na pagkakakilanlan sa mundo ng Performing Arts at sa Opera,
Kaalinsabay ng sinag ng liwanag na nagmumula kung saan...

May pagasa pa nga po.
Para sa isang pusong nagmamahal,
at sa isang malinis na adbokasiya
na walang halong Komersyalismo.

Sa mga taong nagbukas ng pintuan,
Nangarap na maisakatuparan,
Ang isang parte ng Sining sa Entablado
Na muling nabuhay
at natanggap.
Nakabalik.
Niyakap sa muli ng mga kabataan.

Sa isang direktor na may ganap na BISYON at imahinasyon,
Sa isa pa ring direktor na gumalaw, kumilos, buong-husay na bumuo ng isang pangarap
Sa isa pang kapwa Prodyuser na mapagkumbabang nakipag-ugnayan sa isang manunulat
Sa isang simple, banayad at marahang pamamaraan.
Sa mga musikang nailikha at sa direktor din ng mga musikang iyon pumaimbabaw sa mga pagtatanghal
Sa mga artistang napansin rin at nabigyan ng mga papuri.

Sa isang produksyon na sana'y magbalik muli
at sa isang ganap na pagtatanghal mula sa isang award-giving body para sa mga Performing Artists...
Ang L.E.A.F. awards-


Lahat ay nagkaroon ng ultimong kaganapan.
Tunay na rekognisyon
Sapat na mga pagkapanalo.


Mga palakpakang umalingawngaw
Mga pusong muling nagmahalan
at mga litratong muling nabuhay.


MARAMING SALAMAT PO.

CONGRATULATIONS, Jerry Sibal and Jose Jeffrey Camanag (Winners, Outstanding Directors for a Musical)

"Noli Me Tangere, The Opera" by J&S Productions (Winner, Oustanding Musical Production)

Maestro Herminigildo Ranera (Winner, Outstanding Musical Director)

Bernadette Mamauag (Nominee only, for Oustanding Performance by an Actres in a Featured Role for a Musical)


M A B U H A Y  ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG SINING AT ENTABLADO. MABUHAY!!!!!!




(sinulat ni robert manuguid silverio, at mga larawan ay mula kina Ginoong Edwin Josue at direk Jose Jeffrey Camanag, kasama ang Artist Playground).**

special note: Hindi na po namin nilagyan ng Photo-Captions ang mga larawan para sa mas maigting na "dramatic effect" sa mga taong nasa larawan mismo. Salamat po.---rms.**













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...