POPOY CUSI (FAR RIGHT, IN CAP), SHOWS-OFF HIS NUDE SKETCH PAINTING WHICH HE DID FOR LESS THAN 30 MINUTES ONLY, BLOGGER ROBERT POSES BESIDE THE PAINTING WITH A PILOT-FRIEND OF MR. CUSI |
BLOGGER ROBERT POSES BESIDE MASTER POPOY WHILE PAINTING |
POPOY CUSI WITH FELLOW PAINTERS: WELL-LOVED |
A NUDE SKETCH PAINTING OF MASTER POPOY |
MASTER POPOY AT "M GALLERY" WITH MRS. JEANNE MONTEVERDE (MIDDLE, IN WHITE SHIRT) AND OTHER PROFESSIONAL PAINTERS |
AT "M GALLERY" |
Ilang beses na naming nasaksihan kung gaano kamahal ng kanyang mga kapwa Pintor si Master Rafael 'Popoy' Cusi. Ilang okasyon na rin iyon, lalo na sa mga Painting Exhibits sa M GALLERY, kung saan, sa tuwing bisita doon sa M GALLERY si Master Popoy, talagang sinasaludo, inaakap, tinatabihan at pinagkakaguluhan nila ang kanilang "Master".
Tulad na lang nu'ng nagdaang Christmas Party sa M GALLERY at sa birthday bash late last year ni Mrs. Jeanne Monteverde na siyang may-ari ng M GALLERY, talagang nakita namin kung gaano ka-importante sa kanila si Master Popoy. Lalo na si Mrs. Monteverde na laging ina-announce pa sa michrophone at ina-acknowledge ang presence ni Master Popoy.
At kapag inuman session na, isa-isang tatabi kay Master Popoy ang mga kapwa Pintor niya- 'yung iba mga ka-edad na niya at ka-contemporary, at karamihan ay mga aspiring new Painters din. Lahat sila, magpapakuha ng "selfie" photos kay Master Popoy.
Sa mga hindi pa nakakaalam, Master Rafael 'Popoy' Cusi was named as the Master Watercolor Painter in the Philippines, pero bukod diyan, internationally-renowned din siya all-over the world, at hinangaan din siya ng husto sa Germany at iba pang mga bansa sa Europe. Hindi lang naman watercolor ang forte niya. World-acclaimed din ang mga oil paintings niya at nude sketches.
Recently lang, nag-publish ng bagong series of oil paintings si Master Popoy na pawang "Still Life" paintings. na-post iyon sa Facebook ni Mr. Ivan Irinco at marami talaga ang humanga.
Kuya Popoy (as we fondly call him), inspires so many people. Kapag ka-kuwentuhan mo siya, napakaraming 'words of wisdom' ang matutunan mo sa kanya at magagabayan ka ng mga salita niyang iyon sa buhay. Napaka-logical person niya. Para siyang isang Ancient Philosopher din dahil sa dami ng kanyang mga angking kaalaman sa katotohanan at kalaliman ng buhay. A true-blooded artist.
Isang tunay na kaibigan, isang imortal na Pintor, isang dakilang Artist, isang mapagmalasakit na Guro para sa mga kabataang nais matuto sa pagpipinta... ano pa nga ba ang kulang? Wala na. Halos perpekto na.
At hihintayin na lamang namin, ang pangalang Rafael 'Popoy' Cusi bilang National Artist. Hindi malabaong mangyari 'yun, di ba?
(sinulat ni robert manuguid silverio)
MGA LITRATO, KUHA NI EDWARD JAM POSERIO, sa mga events sa M
GALLERY
"STILL LIFE" PAINTINGS AND OTHER PAINTINGS BY MR. CUSI, mga kuha naman ni MR. IVAN IRINCO
"TAAL" PAINTING BY POPOY CUSI |
A "STILL LIFE" PAINTING BY POPOY CUSI |
ONE OF THE RECENT PAINTINGS OF POPOY CUSI |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento