MALAPIT NA ANG "BER" MONTHS, KAYA MALAPIT NA RING MAPAKINGGAN MULI ANG MGA CHRISTMAS SONGS NINA JOSE MARI CHAN AT JANAH ZAPLAN

 

Christmas songs from Jose Mari Chan and Janah Zaplan
Janah: Focused on her online studies

Janah: good model for the youth



A PERFECT CHRISTMAS AT SANA LAGI AY PASKO. Iyan ang mga awiting nakakasabik na muling mapakinggan ng lahat ngayong nalalapit na ang "BER" months. Ang PERFECT CHRISTMAS ay klasikong awitin ni Jose Mari Chan, samantalang ang SANA LAGI AY PASKO, ay isang bagong awitin naman ni Janah Zaplan.
Tinitiyak namin, muling magiging viral ang mga awiting 'yan, starting by the month of September at hanggang Disyembre na panahon ng Kapaskuhan. Pareho kasi silang nakakapag-uplift ng mood at makakalimutan mo ang mga problema't paghihirap na sinasapit ng lahat ngayong may Pandemya pa rin.
Speaking of Janah Zaplan, talagang busy siya ngayon sa kanyang online schooling. Kuwento pa nga ng ama niyang si Dencie Zaplan, hindi mo raw ito maaabala kapag nasa harap na ng computer. Talagang focused na focused sa online lessons niya and all. Kaya sina Daddyguard Dencie at ang misis niyang si Mrs. Zaplan, hindi muna nagpe-Facebook kapag online si Janah. Humhina kasi ang internet connection kapag maraming gumagamit sa bahay nila ng computer internet at maaapektuhan si Janah habang nag-aaral virtually ng mga school lessons niya.
Ang nakaka-impress pa kay Janah, maski sobrang focused pa rin siya sa studies niya online, hindi naman niya napapabayaan pa rin ang mga showbiz commitments niya, like 'yung pakikipag-ZOOM sa mga media people and friends niya, sa mga fans, and all. At saka nag-guest din siya recently sa isang online concert ng Aliw Awards.
Nandiyan din ang mga product endorsements ni Janah, mga charitable works niya para sa mga taong apektado ng Covid-19, at ang mga activities and events niya for her supportive followers and fans.
Maski ba nagkaroon ng total lockdown sa may lugar nina Janah ng halos isang buwan at natapos lang last July 31, marami pa ring nagawa si Janah sa buhay niya. Isa siyang magandang halimbawa para sa mga kapwa niya kabataan.
Study hard, Janah!

(sinulat ni robert manuguid silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...