christian ty and her mom normita (better known to her students as COACH BUTCH) |
the TY family altogether |
normita (coach butch) and her 2 kids in a dinner-bonding moment |
normita (coach butch): closeup smile |
normita (also known as COACH BUTCH) and her gymnasts |
normita (also known to her students as "coach butch") and a gymnast |
ciach butch's young gymnasts |
She's the very loving mom of actor-dancer-gymnast na si Christian Ty. And more than that, Mrs. Normita Ty, also better-known to her students as COACH BUTCH, is also a celebrity in her own right dahil isa siyang sports advocate sa mundo ng Gymnastics. She trains young aspiring gymnasts at karamihan sa mga na-train na niya ay nanalo na ng mga medals and awards sa abroad.
Sa panahon ng Covid-19 pandemic, nararapat lang din na marinig natin ang mga boses at tinig ng mga tao sa likod ng mundo ng Sports. At isa na nga rito si Mrs. Normita Ty ("Coach Butch" to many). Aside from being a celebrity mom kasi, malaki din ang nai-contribute niya sa larangan ng Gymnastics mentorship.
If mom Normita is very proud of her son Christian Ty, surely, Christian must also be very proud of her mom! In more than ways than one, both of them are achievers in this society. Kaya tara na, basahin natin sa ibaba ang maikling Q & A natin kay Mrs. Normita Ty. Enjoy and cherish:
ROBERT: Ano po ang message mo, Mom Normita, sa mga tao upang makaiwas sa Covid-19 na isang worldwide Pandemic?
NORMITA (COACH BUTCH): I believe na ang pagsunod sa mga protocols at tamang mga gawain ang pinakamabisa. Importante na isa-alang-alang natin ang kaligtasan ng ating pamilya kundi pati na rin sa mga taong nakakasalamuha natin. Ingatan natin na tayo ay mahawa at makahawa.
ROBERT: Mom Normita, malaki po ba ang naging epekto ng Covid-19 sa mundo ng Gymnastics? Alam ko po kasi na isa kang Sports Advocate, eh.
NORMITA (COACH BUTCH): Napakalaki po ng mga hindi magagandang epekto ng Covid-19 sa mundo ng Gymnastics. Dahil sa bukod ang Sports na ito ang isa sa mga Sports na nagbibigay ng tsansa sa mga batang edad tatlong-anyos pataas ng tamang lugar at mga pamamaraan upang maging ,malusog, masigla at malakas ang pangangatawan, eh sadyang nakapag-eengganyo pa ito ng mas higit na atraksyon sa kagandahan ng Sports.... Alam mo ba, Robert, when I knew and realized na hindi na matutuloy ang Olympics sa taong ito, ay sadyang nakadama ako ng sobrang lungkot! lalo na duon sa mga gymnasts all-over the world! Do you know that many of them had started training since 10 to 12 years ago pa? Ginawa nila iyon para makasali lang sa Olympics, tapos hayan, biglang hindi na pala matutuloy ang Olympics ng dahil sa Pandemic na ito. Sad, di ba? Tapos ngayon, ang dami ko nang nababasa na pinagbibili na ang mga gymnastics equipments dahil sarado na ang mga gymnastics center all over the world. Ako ay isa rin sa mga naapektuhan. PGAA (Philippine Gymnastics And Athletics Academy) is CLOSED until now. Kaya naman we are all praying na matapos na ang Pandemyang ito para makapagsimula nang muli.
ROBERT: Ano ang challenge sa inyong mag-inang si Christian para mas higit pang maging passionate at optimistic sa Sports and also sa Entertainment Scene?
NORMITA (COACH BUTCH): At this point, tanging mga dasal lang talaga, at sobrang pag-iingat ang magagawa natin. Patuloy ako bilang isang coach at sa pakikipag-ugnayan sa mga gymnast-athletes ko, Ine-encourage ko sila na ipagpatuloy lang ang conditioning and programs na itinuro ko sa kanila na puwede rin nilang gawin sa mga bahay nila. Basta huwag lang tayo mawawalan ng pagasa...
ROBERT: Kung sakaling sa December pa matapos ang GCQ, MECQ, ECQ man, para sa inyo ng anak mong si Christian, ano ang immediate plans ninyo para hindo totally ma-bored sa mga panahon na ito ng Pandemya?
NORMITA (COACH BUTCH); Pilitin natin ang maging productive sa araw-araw. Ipagpatuloy ang buhay kasama ang pamilya. Makipag-usap sa mga kaibigan. Mag-exercise habang naka-FB Live para ma-motivate ang iba. Hahahaha!!! Kailangang laging maging busy and active. Wala namang choice, lahat tayo ay pagdaraanan ang boredom na iyan. Basta huwag lang tayo patatangay sa negative effects ng boredom.
ROBERT; Last question, Mom Normita, ano naman po ang naging magagandang epekto ng Covid-19 Pandemic? Do you feel ba na mas naging close kayo ng family mo during these trying times?
NORMITA (COACH BUTCH): I think, if there is one positive thing na idinulot ang Covid-19, iyon ay ang bagay na mas naging united and close uli ang pamilya sa loob ng isang tahanan. Pamilya talaga ang masasandigan ng bawat isa para lumaban sa pang-araw-araw na buhay at pakikipagsapalaran. Hanggang sa magbalik nang muli sa NORMAL ang ating buhay. Sa pamilya tayo huhugot ng lakas at tapang para malampasan ang mga pagsubok. Pagmamahal sa pamilya ang magpapatibay sa atin. Bast keep safe po.
ROBERT: Maraming salamat po, Mom Normita, sa pagpapaunlak mo sa panayam na ito.
NORMITA (COACH BUTCH): Maraming salamat din.
------end of interview--------
coach butch (normita ty): sports advocate |
coach butch (normita) is also a celebrity mom |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento