lance raymundo as emilio aguinaldo |
lance raymundo (as ferdinand marcos), dindi gallardo (as imelda marcos) and director sari delena of "dahlin' nick" |
a dashing young statesman- LANCE RAYMUNDO, with glamorous lady DINDI |
Naaalala pa namin ang pelikulang DAHLIN' NICK nu'ng maipalabas sa Cinema One Originals Film festival (nakalimutan nga lang namin kung ano'ng taon iyon) na kinalaunan ay naipalabas din bilang isang exhibition film naman sa Cinemalaya. Nag-ani ng mga papuri ang pelikula, at naging kontrobersyal ang paglabas dito ni Lance Raymundo bilang batang Ferdinand E. Marcos. At ang lumabas namang Imelda Marcos du'n ay ang beauty queen-actress na si Dindi Gallardo.
Napatunayan naman ni Lance later-on sa madla na hindi porke't lumabas siya bilang Marcos, eh, maka-Marcos na siya. As an actor, kung ano ang hamon o papel na ibinibigay sa iyo, trabaho mo na magampanan iyon sa limit ng makakaya mo. It's your job, eh. It's your TASK to portray a character in a film- mapa-Historical man iyon o hindi.
Si Lance naman kasi, laging napipiling gumanap sa mga historical characters. Dalawang beses na siyang nag-portray bilang si Emilio Aguinaldo, isang beses bilang si Lapu-Lapu, isang beses rin bilang isang man of Literature sa isang play sa Tanghalang Sta. Ana, at merong iba pa na historical characters din, kung ire-research mo ang mga naging film & stageplay credits ni Lance.
Ang Dahlin' Nick, isang pelikulang idinerek ng mag-asawang Sari Delena at Keith Sicat, ay muling ipapalabas sa official YouTube channel ng Cinema One Originals simula August 21 to August 26. Bale limited dates lang 'yan, so catch the film in its five days of streaming sa YT, for you to see, kung bakit marami ang napamangha kay Lance as the young Ferdinand Marcos.
Even Lance's very own mom, in person of Mrs. Nina Zaldua-Raymundo, cherished so much Lance's portrayal as the young FM. Kuhang-kuha kasi ni Lance sa pelikulang ito ang very poised manners, elegance and sophistication ng isang dashing and strong leader of a nation!
Sa mga young film makers out there, isang suggestion lang: Bagay din si Lance bilang si Ninoy Aquino, bilang si Manuel L. Quezon at maski bilang si Emilio Jacinto. Yung posture kasi niya, tipong Statesman talaga, eh.
More historical pictures in the future, please.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento