SINA PRESIDENTE DIGONG DUTERTE AT HAIRDRESSER ANGELO FALCONI: ISANG SAMAHANG PANG-HABAMBUHAY!!!

these pictures became viral and had one million plus LIKES on the viral world


angelo with president digong and honeylet

HAIRDRESSER ANGELO FALCONI: SUPER PINAHANGA NI PRESIDENTE DIGONG


Eversince na makilala namin ang napaka-respectable na hairdresser na ito- in person of Angelo Falconi, kaakibat na ang impresyon sa pagiging "Corporate" nito in dealing with people and applying it in his working manners. Si Mr. Falconi kasi, hindi mo siya basta mae-etchos lang. Dapat may appointment ka sa kanya, Dapat factual ang reasons mo kung bakit nais mo siyang makapanayam o mapasyalan. Very "high-profile" kasi siya. And together with his efficient staff, you'll be amazed in how they deal and treat you with respect and kindness. Recently, si Angelo ay muling kinuha upang mag-ayos kay madam Honeylet para sa nakaraang ASEAN SUMMIT last April. Narito ang ilang mga personal experience ni Angelo na sa inyong lingkod nya ibinahagi sa kauna-unahang pagkakataon. Talagang ikinagulat ni Mr. Falconi ang kakaibang pag-uugali ni Presidente Digong Duterte sa dalawang espesyal na okasyon kung saan ay nakadaupang-palad (hindi lang basta nakadaupang-palad, kundi as close as an intimate encounter talaga!) ang nag-iisa nating Presidente! Namangha si Mr. Falconi, halos mapaiyak sa tuwa, halos lumundag sa kasiyahan- sa mga bagay-bagay na ipinakita sa kanya ni Presidente. May isang nakakatuwang na-discover si Angelo kay Mayor. Ito ay nung isang umagang sila ay nag-aalmusal sa kusina sa Bahay Pagbabago. Sila ay hinainan ng Baked Macaroni and Ham and cheese sandwhich. Tapos, habang sila ay kumakain, biglang naglagay nang dalawang lata ng HAKONE ang cook sa lamesa. “Naku, Okay na po kami dito!” Sambit ni Angelo. Pero sumagot ang cook ng presidente at sinabing, “para ito kay Mayor Digong.” Ikinagulat ito ni Angelo dahil, Puwede naman siyang magpabili ng Spanish sardines dahil nasa malacaƱang na sya, at hindi Hakone sardines. Pero since Hakone sardines ang paborito niya, 'yun talaga ang breakfast niya that day! Tuwang-tuwa ako sa kanya!!! Hindi sya binago nang pagiging presidente na nya!” "Imagine, Kuya Robert, nung minsang paalis na ang first couple papalabas ng Bahay Pagbabago, he made three steps backward para lamang tanungin ako at siguraduhin ang aking kalagayan at ng kasama ko!!!", tumataginting na kuwento ni Angelo. "Maski nagmamadali na siya nu'ng mga sandaling iyon, tumigil siya, huminto, humakbang ng tatlong hakbang pabalik para tanungin ako kung dun lang ba ako uupo sa sala sa labas. Sabay tawag sa mga housekeeper doon sa Malacanang na papasukin daw ako sa loob ng silid nila para makapanood ako ng TV habang naghihintay sa kanilang pagbabalik para maayusan ang kanyang kabiyak na si Madam Honeylet. Sino ba naman ako para bigyan nya ng ganung atensyon? Hindi ba nakaka-touch 'yun? Para isipin pa nya na baka mainip ako dun sa paghihintay, hindi lang ako makapaniwala! He made me feel na tao ako at hindi lang isang bayarang tagasilbi. Sobra. To the max talaga ang pagiging totoong tao niya. Napaka-caring niya sa lahat. Maski ang mga house workers duon sa Malacanang, wala silang bukambibig kundi mabait si Mayor, at ngayon lang daw sila na-trato ng ganun, Na parang kapamilya sila talaga, pinapahalaagaan, pinagmamalasakitan! "Nagulat ako talaga ako nuon sa harap ng Presidente nu'ng sabihin niya iyon", dugtong na wika ni Angelo. "Never in my life na na-imagine ko na ganun pala magmalasakit sa kapwa ang Presidente ng ating bansa! Lalo akong humanga sa kanya!" Isa pang hindi makakalimutan ni Angelo ay ang pagiging simple at walang kaarte arte ni Mayor Digong. Naranasan niya ito nung inauguration ni Mayor Digong na kung saan sila ay sa Hyatt Hotel sa Ortigas. Hindi sya makapaniwala na nung kailangan niyang pumunta ng CR, inialok ni Mayor ang kanyang sariling palikuran!

“Wala talaga siyang ka-ere-ere” sambit ni Angelo! “At nung inaayusan nya si madam Honeylet, nung gusto na nyang kumain ng almusal, nagulat na lang ako na nakita ko si Mayor na kumain dun sa sala, at hindi man lang pinaalis yung mga gamit namin sa lamesa para dun sya kumain. Super cowboy lang talaga sya!” "Pero At that very moment, ako ang hiyang-hiya para sa kanya. kasi naman, yung mga things ko na gamit sa pagme-make-up at pag-aayos ng buhok ay nakapatong lahat sa dining table! Na-amaze ako na hindi man lang nya pina-imis ang mga gamit ko para dun kumain, bagkus duon na lang siya sa may center table ng sofa kumain! It made me think, kung ibang Presidente iyon, hindi gagawin 'yun. Hahanap muna ng round table o dili kaya, ipapaayos muna ang uupuan niya. Pero si Presidente Digong, hindi ganun! basta na lamang siya umupo sa gilid ng sofa at kumain. And take note, he made sure that ang breakfast niya at breakfast namin ay pareho! Kamangha-mangha!!!! "Doon ko natuklasan na taong-tao si Presidente Digong", dagdag na sabi ni Mr. Falconi. "Sa mga tao sa paligid niya, hindi siya iba. Napaka-normal niya. Naging viral din a few months yung mga pictures ni Angelo Falconi kasama ang Presidente na inaayusan niya ng buhok. Naging trending at viral iyon sa lahat ng social networking sites. Umabot sa milyon-milyon ang LIKES. And to think, ang nag-choreography pa nung mga litratong iyon ay mismong si presidente Digong din. Siya ang nakaisip ng ideya namagklaroon sila ng litrato ni mr. Falconi na inaayusan siya ng buhok nito. "I feel so blessed and so privileged", pagtatapos na wika ni Angelo Falconi. “Gusto kong linawin na Hindi ako ang official hairdresser ni Presidente Digong, Halos ayaw nga nun na nag-papaayos sya. He likes taking of himself alone. Pero ako talaga ang tinatawagan para mag-ayos ng kanyang common-law wife na si Madam Honeylet tuwing mga may special na occasion. And I am very much priviledged to be chosen during special events by the first family to be with them dito sa Manila.” Knowing the President up close and personal is one rare chance for every person like me. mas lalo ko tuloy siyang minahal at hinangaan! Mabuhay ka, Presidente Digong!!!"

Korek ka diyan, Angelo Falconi.


SINA ANGELO FALCONI AT PRESIDENTE RODRIGO DUTERTE, ISANG SAMAHANG PANG-HABAMBUHAY!


(P.S.: Matatagpuan ang isa mga branches ng Angelo Falconi Salon sa Shell Almanza, Alabang-Zapote Road, Las Pinas. See You All There.---R.S.*)



SINULAT NI ROBERT SILVERIO. WITH PHOTOS COURTESY OF MR. ANGELO FALCONI

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...