(PART TWO): ISANG MAHABANG PAGLALAKBAY SA IRIGA CITY AT NAGA CITY, KASAMA SI DEXTER MACARAEG...

DIREK DEXTER MACARAEG AND CEONY ENIMEDEZ (NORA'S CHILDHOOD FRIEND)



IKALAWANG UMAGA. IRIGA CITY PA RIN.

Napakagandang pagmasdan ng Iriga City tuwing umaga. Napakasariwa ng hangin maski ba nasa mismong siyudad ka. May nalalanghap ka ring mabangong usok sa di-kalayuan- marahil, mga usok na nanggagaling sa mga sariwang tuyong dahon ng kapaligiran.

nakita mo, nagbibigayan ang mga tao sa pagtakbo at sa paglakad, hindi sila nag-uunahan- 'di tulad sa Maynila. Wala kang madamang tensyon o kung anupaman. Ang mga tao sa town plaza na kinaroroonan ninyo ni Dexter Macaraeg ay pawang mga nakangiti, maaliwalas.... masasaya.

"Maghanap tayo ng mapag-aalmusalan", wika ni Dexter. "Huwag sa Jollibee o Chowking dahil sawa na tayo du'n kapag nasa Maynila tayo. Iyong ibang putahe naman, tara."

Lumiko-liko sa iba't-ibang kalye ng plaza ng Iriga hanggang sa marating iyong gilid ng palengke ng Iriga City. At habang naglalakad kayo ni Dexter, biglang sumulpot si Aling Ceony, ang kababata ni Nora Aunor. Si Aling Ceony, nu'ng bata pa at estudyante pa, ay naging VALEDICTORIAN sa Iriga Central School na ang lokasyon ay doon din sa Iriga City.

Isang magandang pagkakataon dahil may usapan rin sila ni Dexter sa umagang yaon. Tunay namang pinagtagpo sila ng tadhana. Sinadyang magkitang muli.

Si Aling Ceony na ang nagdala sa inyo sa magandang puwesto sa palengke na pag-aalmusalan ninyo. Malinis ang mga lutuin doon, sariwa. Ang palengke ay puno ng mga tao at masasarap na pagkain at pampasalubong na mga suman at kakanin. Naituro pa nga ni Aling Ceony 'yung Pinuyos na suman na paborito daw ni Nora Aunor. Bumili siya nito upang ibigay sa inyo.

Masarap na almusal ng itlog, longganisa, menudo ang kinain ninyo. May pang-matamis na Maruyang Saging na Saba. Kay sasarap.

"Mamayang tanghalian, doon na kayo kumain sa bahay at magluluto ako. Gusto rin kasi kayong makilala ng mga anak ko", pag-iimbita pa ni Aling Ceony. "Magluluto ako ng inihaw na tilapia at ginataang tulingan. Magsalo-salo tayo."

Habang nagsasalita si Aling Ceony, biglang lumitaw sa tabi niya si Freddie. Ang binata niyang anak. Ito na ang nag-istima pa ng husto sa dalawang taga-Maynila.


******************************

Sabi nila, nagbabago raw ang bawat tao. Tulad ng mga alon sa dagat na laging sumasalpok sa mga batuhan, ang pagbabago ay kakainin ka ng buong-buo kapag hindi ka nakiayon dito.

At, sa mundong ito raw, walang permanente at WALANG FOREVER. Lahat ay may katapusan. Lahat ay may panimula, at meron ding palaging THE END.

Pero tunay namang kay sarap namnamin, 'yung mga taong nagsasama-sama pa rin, kahit mapuputi na ang kani-kanilang mga buhok, ay lalong pinagtitibay pa ng panahon.

Sa mundong psikal na nahahawakan mo at naakap- lubhang nakikiayon dito ang pang-matagalang pakikipag-kaibigan.

Hindi lang sa ibang dimensyon, kundi maging sa natural na mundo.


******************************

Ang paliko-likong daan sa loob ng palengke ay lulusot din bala sa riles ng tren at sa simpleng tahanan nina Aling Ceony. Sinundo kayo ni Freddie sa Iriga Plaza Hotel upang doon mananghalian sa kanila.

Ipinakilala pa kayo ni Aling Ceony sa mga anak niyang pawang lalaki at isang hipag na babae. Napakasarap nu'ng ginataang tulingan ni Aling Ceony, at ang inihaw na tilapia naman ay sobrang linamnam. Iba talaga ang mga pagkain sa probinsya, sobrang kay tatamis at kay sasariwa...

Maya-maya pa, nag-umpisa na ang SHOOTING.

Hayun si Aling Ceony at nagsasalita ng mga ilang gunitain ukol sa kababata niyang si Nora Aunor. Ang mga matatamis ding karanasanang pinagsaluhan nila nuong sila'y mga bata pa. Sila talaga ang tunay na magakaibigan nuon pa man, kasi may ibang nag-aangkin na sila daw ang mga kababata ni Nora, pero hindi naman sila ang TUNAY na mga kaibigan ni Nora kundi si Aling Ceony lang.

Sa nalalapit na short film/semi documentary film ni Dexter Macaraeg ay malalaman ninyo ang buong istorya ukol sa friendship nilang dalawa. May pamagat itong-"KABABATA". Produced by SINE ABRENO.


Pagkatapos makunan ni Aling Ceony, naghanap siya ng dalawang batang babaeng gaganap sa papel nilang dalawa ni Nora. At may nakuha naman siya agad.

Sa riles ng tren kinunan ang mga eksenang yun. Kunwari'y mga bata pa sina Aling Ceony at Nora. Nag-iigib ng tubig. Naglalakad sa gilid ng tren. Magkaakbay. Magkaibigan.



ALING CEONY, NORA AUNOR'S KABABATA

CEONY AND NORA NOW

THE REAL YOUNG NORA AND THE REAL YOUNG CEONY IN A VINTAGE PHOTO

young nora and young ceony in the short film "kababata"

MGA BATANG GAGANAP SA PELIKULANG "KABABATA" (short film)



**********************

Umabot na ang dapit-hapon at kailangan na ninyong lisanin ang Iriga City. Sa Naga City naman ang sumunod ninyong pinuntahan. Doon, medyo mas relaks na ang lahat at ipinasyal kayo nina Mayen Pante at Imee Badiola sa Naga City Cathedral at Church of Our Lady of Penafrancia, pagkatapos ng isang masarap na kainan sa Anthosia Cafe sa Naga City.

Enjoy din kayo dahil nakakatuwa ang mga batang sina Charmelle Badiola, Jed Badiola at Cashley Jrian de Castro. Mas lalong sumaya ang Bicol trip ninyo sa pagtatapos.


**********************


Babalik ka pa ba sa Bicol? Naitanong mo sa sarili mo. Oo. Oo...

Isa ito sa mga lugar kabalik-balik dahil sa taglay nitong KAGNDAHAN.

See you again soon, Bicol.





(sinulat ni robert manuguid silverio)

MGA LITRATO MULA KAY: MR. DEXTER MACARAEG


JUAN MIGUEL DE GUZMAN MOVES ON...

one miguel: moving-on.



Bonding with his family.... reuniting with long-time friends.... biking with a friend.... playing his guitar.... showing-up in some showbiz-related events... recording new songs...

It seems now, Juan Miguel de Guzman is on the RIGHT TRACK. He further moves on. And continues to make so many fans and supporters await for his RETURN on the acting field.

Juan Miguel, better known as JM, is one of the finest younger actors we have around. His acting style is incomparable, sufficient, subtle, deep... If he returns, he'll beat the random styles of other actors we have around now.

Just continue on, JM. 'Kapit lang, huwag kang bibitiw'.

There's one loving "Mother" waiting for you.... and that's 'ME' (blogger Robert).


(WORDS by robert manuguid silverio)

PHOTOS OF JM BELOW AND ABOVE, WERE GRABBED FROM MR. RONNIEL DE GUZMAN'S FB ACCOUNT WITHOUT ANY AUTHORIZATION. (Haha- rms.)*


'one' miguel: on the go!

'one' miguel: heavy breakfast for an athlete

'one' miguel: bonds with friends

'one' miguel: bonds and relaxes with his family

'one' miguel: dinner time with family and friends

'one' miguel: off for a biking journey with a friend


'one' miguel: plays his guitar for his family and brothers

'one' miguel with a female celebrity in a special event

presenting christian marquez: ang maka-pamilyang male candidate sa FACE OF THE YEAR 2018...

Based sa mga questionaires namin sa ibaba para sa kandidatong si Christian Marquez- masasabi mong maka-pamilya talaga siya. Hhhhmmmm, tipong masunurin at mabait na bata ito, ha. Iyan kaya ang maging panlaban niya para manalo sa FACE OF THE YEAR 2018? Abangan!

christian: oh, my.....

christian: what a cutie


QUESTION #1: Do you still believe that men must still be above women and provide for his family?

CHRISTIAN:  Yes, because men is the most responsible in the family. men work hard to earn money so he can provide the needs and wants of his family.

QUESTION #2: What does a girl say every time you kiss her?

CHRISTIAN: she tells me that she feels how much I love her when I kiss her. Kissing her is my way to express my love for her.

QUESTION #3: Do you love to hug people you love?

CHRISTIAN: yes I do hug my parents to show my gratitude to them for taking care of me.. hugging them is also my way of expressing how much I love them.

QUESTION #4: What is your greatest journey in life?

CHRISTIAN: for now my journey is not yet finish since I haven't finish my college education yet. Finishing my college education will be the start of my journey to be a successful person.

QUESTION #5: If you win the FACE OF THE YEAR 2018 in the male category, to whom will you offer the prize?

CHRISTIAN: I will give my prizes to my parents to help them with our financial needs, I will also save the money to finance my education and my siblings education as well.


christian: may laban



RAM RIVERA OFFICIALLY JOINS THE FACE OF THE YEAR 2018!














"Yes, puwede mo nang isulat, Robert", finally ay sinabi sa amin ni Mr. Jojo Veloso, head organizer ng Face of the Year 2018 search. "You can announce it anytime na. That Ram Rivera officially joins the Face of the Year!"

Kaya naman lately, panay na ang punta ni Ram sa gym to work-out. He wants to put his body in perfect shape para mas may laban siya. Wala pa kasing ka-experience-experience itong si Ram sa larangan ng mga personality searches. He is really a fresh discovery, kaya ganu'n na lamang ang paghahandang ginagawa niya.

Aside from the fact na pumirma na rin siya ng isang 3-year exclusive contract sa Philmoda (Philippine Modelling Agency) ni Jojo Veloso, maga-undergo muna si Ram ng proper training sa voice and dance lessons, pati na rin sa acting. In fact, kasali na siya sa darating na Acting Workshop na isasagawa ni Mr. Veloso sa province ng Zambales very soon. Si direk Neal Buboy Tan yata ang naatasang mag-conduct ng Acting Workshop nila.

"It's a great privelege on my part po na maging isa sa mga candidates ng Face of the Year", sabi pa ni Ram sa taong naka-discover sa kanya. "Alam kong diyan nanggaling ang karamihan sa mga sikat na modelo at mga artistang sikat ngayon. Kaya pagbubutihin ko po and I will do my best."

Makikita sa ibaba ang mga bagong larawang kuha kay Ram that was held more than two weeks back sa studio ng Philmoda. 

Goodluck, Ram.



(sinulat ni robert manuguid silverio)


runway model mula sa isla ng biliran, bagong male candidate para sa FACE OF THE YEAR 2018!

omar with mr. jojo veloso: magkababayan

omar: model type
omar: towering height

omar joins FACE OF THE YEAR 2018




Hindi naman siguro magpapatalbog ang mismong mga kababayan ni Mudra Jojo Veloso sa Biliran, Leyte na wala silang kasaling kandidato sa pinaka-authentic na personality search ng bansa- ang FACE OF THE YEAR, na nagkaroon muli ng kakaibang buhay nitong taon na ito at gaganapin ang contest sa darating na buwan ng pebrero, taong 2018.

Sa nagdaang Media Launch nila, hindi pa ganu'n ka-official ang mga candidates- both male and female. May dalawang lalaking kandidato yata ang hindi kakayanin ang mga schedule of events kaya nag-beg-off muna. Kaya hayan, isa sa bagong male candidate na ipapalit ay itong si OMAR WENCY DE BANCO- who hails from Biliran, Leyte (kung saan ay dito rin nanggaling na bayan si Mr. Veloso).

"Omar is into a lot of sports, a great athlete", pagmamayabang pa ni Mudra Jojo sa isang phone conversation. "He is only 20 years old and 5'11" inches in height.

"Kaibigan ng family niya ang pamilya ni direk Chito Rono, they are family friends of the famous clan na mga Rono's", dagdag na sabi pa ni Mudra Jojo. "He is a BS Mar-E graduate at Naval State University in Naval, Biliran. And I feel so proud na sumali siya dito sa FACE OF THE YEAR 2018 search ko. Mahal ko kasi ang mga kababayan ko, eh."

Incidentally, isang runway model pala itong si Omar. He models in the provinces of Leyte and Samar, wearing the exclusive wardrobe designs of the top famous fashion designers there. Kaya may "K" talaga itong si Omar.

Goodluck, Omar.



(sinulat ni robert silverio)

isang mahabang paglalakbay sa iriga city at naga city, kasama si dexter macaraeg (PART 1)...

ANG MT. IRIGA, BACKDROP MULA SA ROOFTOP NG IRIGA PLAZA HOTEL



Kung magsusulat ka ng isang nobela at nanaisin mong lagyan iyon ng magagandang tanawin, marahil, makikita mo nga talaga ang tunay na kagandahan ng mundo at ng buhay...

Kung maglalakbay ka kasama ang isang kaibigan na nauunawaan ka- anuman ang sabihin ng iba laban sa pagkatao mo- magiging banayad ang lahat. Sa gitna ng iyong mga tantrums at pag-iisa, aalalayan ka niya.

Aalamin mo ang tunay na kahulugan ng paglalakbay na iyon- sa parte ng kasama mong kaibigan, siya ay may sariling mga misyon at adhikain. Pero para sa iyo, bukod sa pag-aalalay mo at pagsama, para magawa ng kaibigan mo ang mga nararapat niyang gawin- hindi man niya alam, siya ay naging instrumento lamang para mas higit mo pang matuklasan ang sarili mo.

Sa gitna ng mga nagsasayawang puno at nakatitig na mga bundok- ng mga palayan at taniman na umiindak sa hangin, o maging sa dilim ng hatinggabi at nagkikislapang ilaw sa kalayuan- hayun ka, nakikiayon sa kagandahan ng buhay, pagibig at walang katapusang paghahanap.

Paminsan-minsan ay bumibisita ang mga gunita- inaanyayahan ka, iniimbitang muli, at marahil, sasamahan ka rin nila.

Ang pagmamahal ay nagbubunga ng mga sari-saring bagay. Nagiging isang katotohanan sa gitna ng mga reyalidad ng buhay. Magpipinta iyon ng isang mas banayad na kaginhawaan ng buhay sa gitna ng mga paghihirap at mga pakikibaka sa mga araw-araw na suliranin. Ang isang dimensyon ay napupunta sa isa, dalawa, tatlo at limang DIMENSYON. Nararating 'yun ng puso, umaabot sa mga malalayong bituin ng kalangitan.

Nakapagtataka man sa iba, pero para sa iyo, ang mga damdaming nag-uumapaw, kung minsan, ay hindi mo na nakakayanan. Kinakailangang lagyan ng "backdrop" o "setting" para sa mas matamis pang kaganapan.

Dahil may minamahal ka. Hindi man nila nakikita, ang hangin na malamig ay patuloy pa ring umaakap. Doon, nakikita mo siya. At nakikita ka rin NIYA.


ROBERT AND DEXTER SA LOOB NG BUS PAPUNTANG IRIGA CITY



**********************

"Walumpung mga guro, faculty members, academes at mga Noranians sa Iriga City ang makikinig bukas sa aking Forum pagkatapos kong maipalabas sa kanila ang documentary film kong Tagahanga, na ukol ka Nora Aunor", nabigkas na mga pananalita ni Dexter Macaraeg sa isang kaibigang kasama niya. "Maghihintay silang lahat sa atin eksaktong alas-diyes ng umaga sa Iriga Central School. Nasasabik na silang makita tayo at makihalubilo sa kanila."

Naroon kayo nuon sa tapat ng bagong-renobasyon na Bus Terminal sa may harap ng Ali Mall sa Cubao. Nanigarilyo muna kayong dalawa ni Dexter, pampa-relaks sa mahabang biyaheng tatahakin ninyo papuntang Iriga City sa Bicol region. Gabi na iyon at kakaunti na lamang ng mga taong nagsisilakaran sa paligid ng Ali Mall.

Maya-maya pa, naroon na kayo ni Dexter sa loob ng Amihan bus. Isang komportableng pakiramdam ang dama mo. Kasi may pahingahan ang iyong mga paa at may sariling banyo ang bus. Hindi ka na mag-aalala pa.

At nagsimula na ang biyahe patungong Iriga City.

Sa gitna ng isang gabing paglalakbay, nadarama mo pa rin ang kagandahan ng kapaligiran sa labas ng bus na iyong sinasakyan- maski ba nakapikit na ang iyong mga mata. Tila bagang may isang melodiyang tumutnog, isang musikang nangingiliti, at mga espiritung nagliliparan. Hindi ka gaanong makatulog. Dahil maski tinatakpan ng napakalamig na air-conditioned na hangin ang loob ng bus, tumutusok pa rin ang mga tanawin at kakaibang lipad ng mga hangin sa labas. Nakikita mo iyon. Nadarama.

Hanggang sa tuluyan ka nang maduyan... maidlip... mawala sa kalagitnaan ng buhay, at ng pagibig.


**************************************


DEXTER, MS. EDA DATO AND ROBERT SA RECEPTION AREA NG IRIGA PLAZA HOTEL

EDA, DEXTER AND ROBERT
BREAKFAST AT IRIGA PLAZA HOTEL 

SI DEXTER SA HARAP NG IRIGA CENTRAL SCHOOL


UMAGA.

Medyo antok ka pa nu'ng sa wakas ay marating ninyo ni Dexter ang Iriga City. Namumula pa ang iyong mga mata, marahil, dahil sa madalas na pag-iyak habang ikaw ay nasa loob ng bus. Mga mahihinang pagluha ng kakaibang damdamin sa pagibig na hindi mo naman nakikita....

Habang naninigarilyo si Dexter sa gitna ng mga tricycle drivers na nag-uunahan nang maisakay kayo, tinanaw mo ang Mount Iriga- ang buhay na bulkang bundok sa kaibuturan ng Iriga City. Tila bagang nahihiya pa ito sa iyo na magpakita ng kabuuan niya- dahil may mga makulimlim na ulap na nakatakip sa kanya.

Para ding may sinasabi sa iyo si Mount Iriga. Parang may ibinubulong ito, parang may sinasabi. Buhay na buhay sa paningin mo. Napakaganda. Napakalapit rin niya.

"Tara na", paanyaya ng isang kaibigang kasama ni Dexter. "Punta na tayo sa hotel na tutuluyan natin, Dexter. Maghahanda ka pa sa Forum na gagawin mo. Kailangan mong magkaroon pa ng sapat na paghahanda dahil dalawang oras mula ngayon, magsasalita ka na sa harap ng mga guro."

Ilang minuto pa, naroon na kayo ni Dexter sa Iriga Plaza Hotel and Convention Center sa mismong sentrong plaza ng Iriga City. Malinis, makaluma pero sosyal ang dating ng hotel. Masarap sa pakiramdam. Magagalang lahat ang mga staff at crew ng hotel. Lagi lang silang nakangiti.

Isang masaganang almusal pa ang sumalubong sa inyo ni Dexter maya-maya pa. Iyong isdang daing na kilala sa Bicol ang napili mong menu sa almusal, na may kasamang itlog at kamatis. Si Dexter, American breakfast ang pinili.

Kuhanan ng litrato pagkatapos. Pose dito, pose doon sa loob at labas ng Iriga Plaza Hotel. At muli, maya-maya pa, lumisan na kayo ni Dexter patungo sa Iriga Central School.






**********************


ANG "TAGAHANGA" T-SHIRT NI DEXTER

SI DEXTER HABANG NAGSASALITA SA HARAP NG MGA GURO SA IRIGA CENTRAL SCHOOL





Habang nakasakay kayo sa loob ng isang trasikel papuntang eskuwelahan, nadama mo ng husto ang kaluluwa ng isang buhay na Nora Aunor. Ito ang Iriga City, ang lugar na kinasilangan at kinabilangan ng nag-iisang Superstar sa Philippine Showbiz.

Sa mga gulong na binabaybay ng traysikel, parang nakikita mo, naglalakad doon si Nora. May bitbit na maliit na balde ng mga garapon ng tubig at nagmamadaling naglalakad papunta sa riles ng tren- o, dili kaya, naka-uniporme ng pang-eskuwela at may bitbit na mga notebook.

Alam mo, papunta ka na duon sa mga taong mas higit na nakakakilala kay Nora- dahil ang mga ito ang mga kababayan niya't kadugo. Mga kapwa-Bicolana't Bicolano. Iisang lahi, iisang kaluluwa. Ng isang lugar na hindi binago ng PANAHON- ang IRIGA CITY.

AT HAYUN, NAROON NA NGA KAYO NI DEXTER SA LOOB NG IRIGA CENTRAL SCHOOL.

Pagkatapos ng isang mainit na pagsalubong ni Eda Dato, ang OIC ng mga oras na iyon dahil may pinuntahan ang principal ng Iriga Central School, isang meryendang napakasarap na pansit at fish fillets ang inihain agad sa inyo. Napakasarap na pancit, tila bitin ka pa nga.

Pagpasok mo sa loob ng silid kung saan ay gaganapin ang Forum ni Dexter at pagpapalabas ng docu film niyang Tagahanga, nakita mo ang mga nakangiting mga labi ng mga guro sa Iriga Central School. Napakadami nila. Karamihan ay mga bata pa. Sila ang mga magtuturo sa mga kabataan ng Iriga City. Sila ang mga "unsung heroes" na huhubog sa kamalayan at kaisipan ng mga kabataang Bicolano.

Sapat na iyon para makahinga ka ng maluwag. Ang pagpunta mo sa Bicol ay tunay na may saysay. Tunay na may malinis na mithiin at kaganapan. Dahil mga guro ang pinuntahan ninyo. Kailangan nila ng suporta at atensyon buhat sa mga taga-Maynila na tulad ninyo ni Dexter.

At nu'ng pinanood na nila ang documentary film na Tagahanga na ukol kay Nora Aunor, ang lahat ay tahimik. Ninamnam nila ang lahat ng mga sinabi nu'ng mga taong na-interbyu ni Dexter sa docu film na iyon. mas higit pa rin nilang natuklasan ang mala-higanteng kabuuan ng isang taong kilala na nila nuon pa man- si NORA AUNOR.

Sa Forum na isinagawa ni Dexter, natutunan ng mga Guro ng Iriga Central School ang iba pang mga bagay-bagay ukol sa kasaysayan ng Philippine Cinema na maaari din nilang maibahagi sa mga batang estudyante nila. Dahil, may kababayan silang isang Superstar, dapat din nilang akapin ang mundo ng Sining at ng Pelikula.

Sa gitna ng mga tanungan at salitaan, may isang lumitaw na isang buhay na KALULUWA, isang taong higit pang nakakakilala kay Ms. Nora Aunor. Isang kagalang-galang na babae- kasing-edad halos din ni Nora. Siya ay walang iba kundi ang ORIHINAL na kababata ng Superstar.

Si Aling Siony- si Ginang SALVACION CASYAO-ENIMEDEZ, ang tunay na kababata't kasa-kasamang nag-igib ng tubig nuon ni NORA AUNOR.


SI DEXTER, SI GINANG SALVACION CASYAO-ENIMEDEZ (ANG KABABATA NI NORA AUNOR) AT SI MS. EDA DATO.



(WRITER'S NOTE: PASUMANDALI NAMING PUPUTULIN DITO ANG TRAVELOGUE NA ITO. MAGKAKAROON ITO NG "PART TWO" SA MGA SUSUNOD NA ARAW. ABANGAN.---RMS*)

********************************


Tulad ng isang ilog na patuloy na umaalon sa kaibuturan ng Bicol- ang mga buhay at pagibig ay nagsasama-sama, nagkakaroon ng mga ugnayan at interaksyon, ng pagkikita, at ng pagpapatuloy....

Sa tamang panahon man ng pangkasalukuyan- na gaganapin sa isang malayong lugar lingid ng kabihasnan- at mga sari-saring dimensyon ng oras at panahon-,


Magpapatuloy ang isang istorya-

maging ito man ay istorya mo


o, istorya ni NORA

o ni DEXTER

maging ni SIONY.


Sa Bicolandia ng mga pangarap

sa hatinggabi man ng buhay


ang araw ay sisikat

ang ilog ay sasayaw-



MAGPAKAILANMAN.






(sinulat ni robert manuguid silverio, at mga larawang kuha ni mr. dexter macaraeg).*

"YOU FEEL, YOU SENSE, YOU LOVE"-- AN ANGEL SAID.


june paul protacio: student council President and a candidate for FACE OF THE YEAR 2018...

JUNE PAUL: STUDENTCOUNCIL  LEADER
june paul with the students he leads

Meet June Paul Protacio, isang student leader with a CAUSE. Fighter, brave and young. Ang mga ganitong uri ng Millenial na kabataan ay tunay namang kahanga-hanga, dahil maski bagets pa lang sila, may nagagawa na para sa lipunan. Leader pa ng mga kabataan.

Isa din si June Paul ngayon sa mga early favorites sa nalalapit nang FACE OF THE YEAR 2018. Nu'ng nagdaang Media Launch ng nasabing personality search, ayon pa sa ilang Philmoda insiders, isa din si June Paul sa nakakuha ng mga highest points sa mga media people na judges. Ganyan kasi ang paboritong mukha kalimitan ng Media people, eh. Kaya suwerte nitong si June Paul.

Anyway, nasa ibaba naman ang aming limang katanungan kay June Paul and his answers:

QUESTION #1: Do you still believe that men must still be above women and provide for his family?

JUNE PAUL: No, being a man it's your responsibility to provide for your family. hindi mo naman kailangan maging mataas, we are all humans men can do the work that women can do and women can do the work of men. respecting each other makes the relationship stronger.

QUESTION #2: What does a girl say every time you kiss her?

JUNE PAUL: Kissing a girl is showing your love, in that way she can feel your love.

QUESTION #3: Do you love to hug people you love?

JUNE PAUL:  I love to hug the people I love, because they give me strenght and i feel occupied by their love.

QUESTION #4: What is your greatest journey in life?
JUNE PAUL: INVITING...
june paul in a formal wear

june paul: early media favorite at FACE OF THE YEAR 2018
JUNE PAUL: My greatest journey is joining face of the year it helps me to leave my comfort zone and doing the things that i can do.

QUESTION #5: If you win the FACE OF THE YEAR 2018 in the male category, to whom will you offer the prize?

JUNE PAUL:  If I were given a chance to win face of the year 2018 i dedecate this to my family na walang sawa na sumuporta sakin and no matter what happen they are always their for me to support all the way.


RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...