(Maraming salamat kay CYRIL CANO sa Youtube MTV niya sa itaas ukol sa My Last Farewell ni Dr. Jose Rizal--- rms)*
Sa kasaysayan ng Philippine Theater, wala na sigurong makakalamang pa sa haba ng paglalayag ng dulang KANSER, isang play adaptation ng nobelang NOLI ME TANGERE ni Dr. Jose Rizal. Unang sinulat nu'ng bata pa ang playwright na si Jomar Fleras, nagkaroon ng iba't-ibang bersyon at "updates". Iba-ibang atake sa pagsasadula, ika nga.
Sankaterbang mga magagaling artista na ang mga nagsiganap sa iba't-ibang karakter sa nasabing dula. Karamihan sa kanila'y mga beterano at nirerespeto sa industriya ng Pelikulang Pilipino at teatro. Hindi na nga maikukubli pa ang kakaibang tagumpay na tinamasa ng dulang ito.
Sa huling nagdaang tatlong taon, sa mga kamay at creative genius ni direk Frannie Zamora napunta ang pagsasadula ng KANSER. Nagkaroon pa siya ng isang all-out musical version sa nasabing play at si Michael Pangilinan pa ang nakuha niyang aktor para gumanap sa papel na Crisostomo Ibarra. Nanalo pa si direk Frannie two years ago ng Best Director for a Musical sa Aliw Awards dahil napakaganda niyang pagkaka-direk sa nasabing musical version ng dula.
Sa taong ito, ginawang straight play na lamang ni direk Frannie ang KANSER, at nilapatan ng mild music. Nagkaroon ito ng titulong KANSER 2017: THE NOVEL. At sa muli, ito ay nagtamasa ng mga papuri.
Nagkaroon ng huling performance nuong mga nagdaang linggo sa SM South Mall ang nasabing updated version ng KANSER, na isa sa mga four classic plays na itinatanghal ng Gantimpala Theater Foundation para sa mga estudyante't mag-aaral. Pero hindi doon natatapos ang walang hanggang paglalayag ng KANSER.
Sa mga susunod na buwan at araw, magkakaroon ng provincial tours ang nasabing dula. Patuloy ang biyahe nito. Lilibot sa iba't-ibang parte't kapuluan ng Pilipinas. Upang patuloy pa ring mailahad ang tunay na mga mensahe ni Dr. Jose Rizal para sa mga kabataan.
*************
Habang ang mundo'y patuloy pa ring umiikot, ang kaluluwa ng mga Pilipinong bayani ay magmamatyag pa rin. Ang mga klasikong nobela na ukol sa pagmamahal sa bayan ay mangangabuhay pa rin, at ang mga artistikong nilalang na tulad ni direk Frannie ay walang sawang makikipaglaban para maihatid ito sa madla.
Ito ang KANSER 2017: THE NOVEL.
Ito ay para sa iyo....
Para sa kanya,
para rin sa ating lahat-
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
direk frannie zamora: still giving a new life for the play KANSER |
PAUL JAKE PAULE as ELIAS and JOEL MOLINA as CRISOSTOMO IBARRA |
the whole cast and staff of KANSER 2017: THE NOVEL |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento