mga ala-ala sa media premiere night ng dulang "maynila: sa mga kuko ng liwanag (the musical)"...






direk joel lamangan with blogger robert silverio at the recently-concluded media night of his musical play- "maynila: sa mga kuko ng liwanag (the musical)" PHOTO CREDITS: DEXTER MACARAEG

Kapag nag-"encore" ang mga tao, ang ibig sabihin nu'n, gusto pa nila. Kapag mataas pa at sabik pa ng husto, ibig sabihin nu"n- sige pa, magpatuloy ka pa...

Iyan ang dahilan kung bakit namin naisipang gawin ang sanaysay na ito- ang "Mga Alaala sa Media Premiere Night ng Dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag (The Musical)". 


Paborito naming gumawa ng ganito, sa tuwing ang "artistic energy" namin ay nasa pinaka-tugatog nito. 'Yun bang tila ata, ayaw bumaba nu'ng mataas mong pakiramdam maski ano pang gawin mo. Hindi ka naman naka-drugs, hindi ka naman nababaliw- basta ganu'n lang, sobrang taas lang ng enerhiya mo sa mga artistikong bagay. Para kang batang lundag ng lundag sa unan o kamiseta ng taong mahal mo.


**********

Mga ala-ala? Madami 'yun. Baka madaig mo pa 'yung epic biography ni Ernest Hemingway kapag naikuwento mo 'yung napakarami nang pangyayari sa buhay mo. Pero 'yung pinakahuli, sadyang nais mong isulat kaagad. Dahil nakita mo rito ang mga buhay na kasamahan mo, buhay "as in" buhay na buhay talaga, at hindi sila mga patay. Sila 'yung mga kasamahan mong patuloy pa ring lumalaban sa pagpupunyagi ng Sining sa buhay ng bawat Pilipino. Mga artista, kapwa manunulat, direktor, kompositor, mga kritiko din, at marami pang iba na maski walang titulo, hayun at nakipag-celebrate din sa isang malaking pangyayari o kaganapan sa Sining.

Ito 'yung mga naging kaganapan sa Media Night ng dulang MAYNILA: SA MGA KUKO NG LIWANAG (THE MUSICAL).


DAVID EZRA HANDSHAKES A BLOGGER

VANCE LARENA SMILES AT A BLOGGER


Isang simpleng pagkamay lamang sa iyo ng stage actor na si David Ezra, wow, okey na. O ang mga matatamis na ngiti buhat sa malayo ng isa pang magaling na aktor- si Vance Larena- oo, okey na nga ang lahat. Pero ang akala mo, doon na magtatapos ang lahat. Hindi pa pala. 


frank rivera

Nang makita mo si Ginoong Frank G. Rivera na kumakain sa labas ng KIA Theater, nalaman mo, NAKAUWI KA NA. Oo, nakauwi na mula sa isang malayong paglalakbay. 

Dahil nalaman mo nu'ng gabi na iyon, ito nga ang mundong kinabibilangan mo- sa piling ng mga kaibigan mo sa pagsusulat at matagal nang mga kasamahan, sa pagmamalasakit sa iyo ng mga artistikong nilalang na hindi nagsawang baguhin ka- paunlarin ka- o, ang ayusin ka sa tamang porma at katapatan sa pakikipag-kaibigan.


frannie zamora

dea formacil

joel molina

norman penaflorinda
sarah maria

Tulad ni direk Frannie Zamora na naro'n din nu'ng gabi na yaon, tinignan niya kung okey ka na nga bang talaga. Kung maayos ka na ba, ganu'n... Kasama ang mga kaibigan niyang sina Sarah Maria, Norman Penaflorinda, at ang mga artista niyang sina Dea Formacil at Joel Molina na napakaguwapo nu'ng gabi na iyon nu'ng masilayan mo siya buhat sa di-kalayuan.


dexter macaraeg

Si Dexter Macaraeg na isa sa mga bago mong kaibigan, hindi mo na agad nalapitan dahil naging abala ka na sa pakikipag-usap mo sa ibang mga manunulat. Si Dexter sana ang kasama mo hanggang sa panonood, pero nakalimutan mo na siya nu'ng gabi na yaon. Sana hindi siya nagtampo.
ma. isabel lopez

O kaya, ng aktres na si Maria Isabel Lopez. Oo, nariyan din siya nuong gabi na iyon. Nakaupo sa may gitnang gilid sa loob ng KIA Theater. Nakita mo siya, pero hindi ka niya nakita. Nahiya kang lumapit sa kanya. Pero dama mo, hindi naman siya nagbago sa iyo.


karen jane salutan with friends

lance raymundo

Sabi ni Karen Jane Salutan, naro'n daw nu'ng gabing iyon si Lance Raymundo, pero hindi mo siya nakita. 


jun pablo
jonjon martin

Inakap mo sina direk Jun Pablo (ang Stage Designer ng Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag, The Musical) at ang Publicist ng Nine Works Theatrical na si Jonjon Martin. Nararapat lamang na akapin mo sila nu'ng  gabi na yaon dahil naging napakabait nila sa 'yo, at masayang-masaya ka dahil nakita mo sila nu'ng gabi na iyon.


alwyn ignacio

mell navarro

Salamat sa Publicist ng Grand Leisure Productions at Gantimpala Theater Foundation na si Alwyn Ignacio, at, pati na rin kay Mell Navarro,  dahil kung hindi dahil sa kanila, wala ka sa engrandeng pagsasama-sama ng mga artistikong nilalang na ito.


joed balsamo

Sa piling ni Joed Balsamo, isang kompositor, nakadama ka ng seguridad at galak. Napakasaya kasing kasama ni Joed, basta tawa lang kayo ng tawa at sinasakyan niya ang mga pantasya mo.


carlos siguion reyna

Panay ang lingon mo nu'ng gabi na iyon kay direk Carlos Siguion-Reyna, gusto mo siyang lapitan at batiin, pero hindi mo magawa. Salamat naman, nu'ng nagkaroon ng intermission sa dula, nakita mo siya sa labas ng Araneta Complex at naninigarilyo. Doon mo siya nabati. Pero naharang ka ng isang kasamahan sa panulat na si Wendell Alvarez at hindi mo nakausap si direk Carlos.


bibeth orteza

Napatulala na lamang sa iyo si Bibeth Orteza nang sabihin mong: "Para lang kayong magkapatid ni direk Carlos, Bibeth". Hindi malaman ni Bibeth kung ano'ng ire-react niya sa mga nasabi mo. At naitanong mo sa iyong sarili, bakit mo nga ba naitanong iyon? Naku naman. Baka inakala mo, si Carlos ay ang anak nilang si Rafa Siguion-Reyna, samantalang sila ang mga magulang nito.


ricky lee

Nakasabay mo sa lob ng C.R. ang batikang manunulat na si Ricky Lee. Nu'ng mga sandaling iyon ay sobrang taas ng pakiramdam mo dahil napakaganda ng ACT 1 ng dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, The Musical. Napatulala na lang si Ricky dahil dito mo na-express ang mga naramdaman mo nu'ng gabi na iyon.


cocoy ramilo

Nagulat ka sa biglang pagdating ni Dr. Rommel Ramilo sa loob ng KIA theater. Si Dok ang manager ng kaibigan mong si Gerald Santos. Hindi mo inaasahang manonood din ito nu'ng dula.


crispina belen

Lumapit ka at humalik sa pisngi ni Crispina Belen, isa sa mga tinuturing mong totoong kaibigan sa mundo ng pagsusulat. Napakataas ng respeto mo dito at natuwa ka dahil nandu'n din siya.


dulce

Nu'ng habang nanonood ka ng play, namangha ka sa kagalingan ni Ms. Dulce Cruz (at ina ni David Ezra), ang isa sa mga hinahangaan mong singer at naging kaibigan ng yumao mong ama. Yung presensya niya sa dulang ito, nakapagdagdag ng kakaibang akap at damdamin sa puso mo.


joel lamangan

Dalawa o tatlong beses ka yatang lumapit kay direk Joel Lamangan, buti na lang at hindi siya nakulitan sa iyo. Panay ang papuri mo kasi sa kanya.


jn nombres with a female friend

Si JN Nombres, hinalikan mo din. Inakap. Binulungan. Sinabi mo dito: "Ipaglalaban ko ang dulang Maynila..."


************

Marami pa.... marami pang mga ala-ala nu'ng gabing yaon. Tumingin ka ng tila isang ibon sa malawak na espasyo ng KIA Theater. Punong-puno ng tao. Walang bakanteng silya kundi duon sa harap na gilid lamang ng tanghalan. Napatunayan mo, naging matagumpay ang kanilang unang pagtatanghal na Celebrity Media Premiere Night ng dulang MAYNILA: SA MGA KUKO NG LIWANAG (THE MUSICAL).

Halos mapaiyak ka, pero hindi mo pinahalata. Hindi mo ipinakita. Dahil natuklasan mo, ang dami-dami pa palang mga taong nagtataghuyod pa rin sa Sining ng Pagtatanghal. Marami pa ring naniniwala dito at sumusuporta. Dahil alam mo, ito lamang ang tanging bagay na puwedeng mapuntahan ng mga tao kapag sila'y nalulumbay o nagnanasang tumakas sa reyalidad ng buhay.


Para kang nasa LANGIT nu'ng mga sandaling yaon. At nagsama-samang lahat ang mga anghel at mga taong kakilala mo. Tila isang "gathering" o "party". Tila nasa ulap ka, at ang sandaling yaon ay tila yata isang umuugoy na duyan. Tila rin, may isang INA na humahawak at nag-uugoy sa duyan na iyon ....



******************

Bakit nga ba napakahalagang mapanood mo ang dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, The Musical? 

Siguro dahil alam mo, ikaw ay isang Pilipino. At ang dulang ito, na hango mula sa klasikong pelikula ng yumaong National Artist na si Lino Brocka, ay isang pelikulang tunay na maka-Pilipino. Dito ipinakita ang katotohang kinasadlakan ng mga ninuno mo nu'ng hindi pa malayong kapanahunan. Maaaring sila ay naging mga lolo at lola mo, mga tiyahin at tiyuhin, o, mga magulang mo din...., na, walang tigil ang mga pawis sa pagtatrabaho, sa gitna man ng init ng araw o sa loob ng isang malamig na kuwarto- pero sobrang pagod na sila. At nagpapatuloy pa rin- dahil ito ay para sa kanilang mga anak na nagsisilakihan na.

ITO ANG PILIPINO.

Na naipakita ng klaro sa dula. At gusto mo, makita't maramdaman sa muli.


***********************


Tila ata binabantayan ka ng aktor na si Pen Medina nu'ng mga sandaling iyon habang nanonod ka ng dula. Nasa likod mo lamang siya. O marahil, pakiramdam mo lamang iyon.

Nakita mo pa sina Dexter Macaraeg, Armand Reyes, Noel Ferrer, Lito Manago, Ces Evangelista, Karen Jane Salutan, Emmanuel dela Cruz, Tom Adrales, Arthur Cassanova...


Sina Dennis Sebastian, Trixie Dauz, Danny Vibas, Allan Diones, Ricky Calderon, Eric Borromeo, Aaaron Domingo- na pawang mga kasamahan mo sa mundo ng entertainment writing.


Sa mga hindi mo nakita o hindi mo naisulat sa sanaysay na ito, pagpasensyahan na sana nila. Basta ang mahalaga, alam nilang nakasama mo rin sila. AT SA WAKAS, NAKITA KA NA RIN NILA.



*********************


NATAPOS NA ANG DULA. PERO HINDI RITO NATAPOS ANG PAGLALAKBAY MO SA BUHAY.

Habang naninigarilyo ka sa kahabaan ng Aurora Boulevard at nakatayo, inisip mo kung saan ka pa ba pupunta? Dati-rati, sa mga pagkakataong ganito, alam mo ang susunod mong pupuntahan- ang MAYNILA.

Dahil nandu'n ang isang minamahal mo.

Pero sa gabing ito, tulad ng ipinangako mo sa iyong sarili, hindi ka na muling babalik pa ng Maynila. Dahil ang mga ala-alang lubos na kay gaganda at kay lalalim, HINDI MO NA MAKAKAYANAN PA.

Wala ka pa rin ibang uuwian pa, pagkatapos ng lahat ng ito- kundi ang PAMILYA-


MULA NUON PA MAN

at, 


hanggang sa ngayon...



MAGPAKAILANMAN.
the very powerful opening scene of "maynila: sa mga kuko ng liwanag". (photo credits: jun pablo)





(mula sa panulat ni robert manuguid silverio)

muli, salamat kay Mr. Von de Guzman sa musikang "Kumusta Ka?" na nasa itaas ng sanaysay na ito.*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...