ANG CRISTO NG BAWAT MANGGAGAWA AY CRISTO NG WALANG HANGGANG PAKIKIPAGLABAN (isang rebyu sa "bagong cristo")....

(photograph above only captured at the net and Google.Com. credits to the owner).*



Magtataka ka kung bakit may mga taong patuloy pa ring inaalay ang kani-kanilang mga buhay para sa iba. Magtatanong ka rin, kung bakit, may isang taong mas minamahal pa ang ibang mga tao ng mas higit pa sa sarili niya. Isang taong kung magmahal ay sobra-sobra. Walang tinitira ni katiting- lahat ay ibinibigay para sa mga taong mahal niya at sa mga taong pinapatawad din niya....

Pero sa bandang huli, ang pagibig ding iyon ang nag-udyok at nagpasiklab ng isang kakaibang uri ng rebolusyon na habambuhay na umiigting sa nagsasama-samang mga puso ng bawat ordinaryong nilalang- lalo na sa mabababa at maliliit na mga manggagawa.

Ang pusong iyon ng isang nilalang ay sumisiklab pang lalo- kapag ang Inang Bayan na minamahal niya ay nasa punto na ng kawalan- ng mga luhang pumapatak sa sahig ng kaapihan at kawalan ng hustisya't pag-aaruga. Isang kawalan na umiikot-ikot lamang- walang kinapupuntahan, walang kinahahantungan-

Sa pusong yaon na taglay ng isang BAGONG CRISTO, sa panahon ng transpormasyon ng isang siglong nalimot na ng kabihasnan- lumitaw si Jesus Gatbiaya (ang sentral na karakter sa dulang BAGONG CRISTO ng Dulaang U.P.) ..., Nabuhay at namatay- pero hindi kinalimutan... Magpakailanman.


Sa isang melodramatikong dula na mula sa direksyong superlatibo ni Alexander C. Cortez, at hango sa mga baul ng literatura ni Aurelio Tolentino, ang dulang BAGONG CRISTO ay nagmulat ng isang katotohanan. Isang katotohanang pinilit na takasan, pero hindi naitago sa damdamin ng bawat mahihirap na Pilipinong nag-alay ng walang katapusang pagdaloy ng mga dugo at pawis.

Sa pakikibaka sa buhay at pagtatrabahong niluhuran na ng panahon-

Sa gitna ng tindi ng sikat ng araw at mga lupang tumusok sa talampakan...

Sa lalim ng kulay-asul na tubig at mga kamay na walang pagod na nagbingwit ng mga isda sa karagatan...

Sa mga aspaltong nagliyab at mga tuhod na nagbuhat ng mga sementong hawak-hawak-, kaagipay ng mga pakong tumusok sa kani-kanilang mga palad...

O, sa mga daliring walang hanggang tumipa, mga malalamig na silid ng mga empleyadong walang tigil sa paggawa at ikinasakit na ng kani-kanilang mga baga-


ANG APOY AY PATULOY NA MAGLILIYAB.


Tuwing ang isang ina'y nagtangis at nagnasang sumagip sa isang anak...

Tuwing ang mga babae'y nahalay ng malalaswang mga kamay at mga labing nagsipag-gapangan...

Ng mga binatilyong anak na hinubaran at dinilaan...

At, mga inosenteng kaisipang nabayaran ng kislap at ginto-


Itinanong mo sa iyong sarili: May pagasa pa nga ba ang BAYAN?


Sa mga baul ng kasaysayan ay nahalungkat ang tunay na diwa at kamalayan ng isang TUNAY NA PILIPINO.


direk alexander c. cortez


Sa napaka-perpektong naging panaliksik ni direk Alexander Cortez at mga kasamang tumulong na maiangkap ang isang materyal sa modernong panahon at naging napaka-artistikong paglahad at direksyon sa entablado- ANG LAHAT AY SULIT NA.

Mabilis ang mga galaw, pananalita at mga kilos, walang inip na nadama. Walang kabagutang umiral sa pagtatanghal.

Kulang pa nga ang isa't kalahating oras na napanood mo. Bitin na bitin, ika nga.

Sa bawat titig at sulyap sa iba pang mga kasamang nagsipag-ganap, umayon sa panlasa at dumaloy ang satispaksyon para sa buong CAST ENSEMBLE.

Sa yaring disensyo ng entablado, tumaginting na kumutitap na ilaw at klarong mga tunog-

Sa awtentikong mga damit nu'ng unang panahon at mga tamang galaw at mga naging pagsambit na pananalita-

Ay, nagliwanag ang isang eksaktong bisyon at walang-hanggang damdamin

ng buhay

at ng pagibig.


*************   *****************   ***************


Sino nga ba ang BAGONG CRISTO? Minsan, naitanong mo na rin iyan sa iyong sarili.

Si Cristo nga ba 'yung masaganang mga pagkain at nagkikislapang mga kasuotan, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan?

O dili-kaya, ang mga high-tech na gadgets mo at mga selfie pictures na ipinagyayabang?

Sabi nila, si Bagong Cristo nga daw iyon dahil positibo, malinaw at magaan kung dalhin.

Basta mayaman ka, mabait ka daw dahil ginantimpalaan ka ng mga bagay at biyayang yaon....


Pero, may isang Bagong Cristo silang hindi nakikita, na buong puwersang naihayag, naipamalas sa dulang "BAGONG CRISTO" ng Dulaang Unibersidad ng Pilipinas.

Isang Bagong Cristong umakap sa kahirapan at kapaguran.

Isang Bagong Cristong hindi nakita ng modernong sambayanan.

Panoorin mo't iyong masasaksihan ang katotohanan.

Dahil, iyon pa rin ang pipiliin kong CRISTO!


*************


Sa mabilis at saglit na pagtagpo ng inyong mga mata sa napakalapit na entabladong kinahantungan niya, alam mong nagampanan niya ng buong kahusayan ang papel ng Bagong Cristo.

Dahil ang Cristong luma na nakita mo ay hindi 'yung Bagong Cristong natunghayan mo sa pagganap niyang yaon-

Sa isang kakaiba at naka-koryenteng pag-arte at pagtalumpating Balagtasan, humigit pa sa kasapatan ang lahat-

Mula sa puso ni Boo Gabunada, ang Bagong Cristo ay nabuhay


dahil siya din ang Cristo na nakita mo

sa isang panaginip


ng




WALANG HANGGAN.






(isinulat ni robert manuguid silverio)


MGA LARAWAN SA IBABA, WALANG PAHINTULOT NA KINUHA SA FB PAGE NA "ADRIAN BEGONIA PHOTOGRAPHY" (SALAMAT, MR. ADRIAN BEGONIA.*)

AT ANG SOLONG LARAWAN NI BOO GABUNADA, KUHA NAMAN NI VLADIMEIR GONZALES.

(Isang paglilinaw mula sa taga-likha: Ang MTV ng Philippine Madrigal Singers, dati ring tinawag na U.P. Madrigal Singers, at ang awiting 'Sa 'Yo Lamang' sa itaas ay walang kinalaman sa dulang 'Bagong Cristo'. Inilapat lamang namin ang musikang yaon para sa ganap na artistikong paglalahad. Maraming salamat po.-rms*)









BOO GABUNADA AS "BAGONG CRISTO"


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...