the very professional and talented FOTY candidates while relaxing at the workshop day (polo, virgil, frances, john remel, marsela, karen & others) |
MAAGA PA LANG AY DUMATING NA ANG ILANG MGA KASALING KANDIDATO SA FACE OF THE YEAR 2018 SA ARAW NA IYON NG ACTING WORKSHOP NILA. ANG CALLTIME AY 7 A.M. NG UMAGA, AND PRESTO! ILANG MGA KANDIDATO AY NASA VENUE NA, KUMBAGA, VERY PROFESSIONAL AT PUNCTUAL SILA. MAGANDANG IMPRESYON AGAD ANG NAIBIGAY NILA SA ISANG BLOGGER NA GUEST SPEAKER DIN NILA NU'NG ARAW NA IYON.
NAKITA AGAD NG BLOGGER SI MS. KHIM LARIEGO BUNOAN AT ISA PANG FEMALE CANDIDATE NA NAKAUPO SA MGA SILYANG IBINIGAY NG MABABAIT NA GUWARDIYA NG CITIES EVENTS PLACE SA MAY SGT. ESGUERRA ST.-, ANG NAPAKA-SOSYAL NA VENUE NG KANILANG ACTING WORKSHOP. NARO'N DIN AGAD ANG MGA MALE CANDIDATES NA SINA RAM RIVERA. JHEC MENDOZA, KEEN LLAGAS AT JOHN REMEL FLOTILDES. MAYA-MAYA PA, NAGSIDATINGAN NA RIN ISA-ISA ANG IBA PANG MGA KANDIDATO. INASIKASO NAMAN AGAD SILA NG STAFF NG PHILMODA AT 16 DEGREES ENTERTAINMENT NA SI BERT SJ AT PINAG-SIGN AGAD SILA SA ATTENDANCE SHEET. ILANG SAGLIT PA, DUMATING NA MAGKASABAY SINA SIR JOJO VELOSO (HEAD NG PHILMODA) AT DIREK KIKO SOTO NG 16 DEGREES ENTERTAINMENT.
ISANG MAGANDANG BAGAY NA NAPANSIN PA NG BLOGGER, WALANG MAY "STAR COMPLEX" SA MGA KANDIDATO NG FOTY (FACE OF THE YEAR). WALANG MAY "ATTITUDE PROBLEM"- LAHAT AY MAGAAN DALHIN AT HINDI SILA PAISTARAN. ANG MAGAGANDANG QUALITIES NA ITO NA NAPANSIN AGAD NG BLOGGER NA GUEST SPEAKER NILA ANG SIYANG NAGPAGANA PA NG HUSTO SA BLOGGER UPANG MAGTURO NG MAS MAGAGANDANG BAGAY SA MGA ITO SA ORAS NA SIYA NA ANG NAGSALITA.
WALA NANG KUNG ANU-ANO PANG KAEK-EKAN AT HABANG HINIHINTAY SI DIREK NEAL TAN (ANG PAMOSONG DIREKTOR NG MGA INDIE FILMS), NAGBIGAY MUNA NG MGA BREATHING EXERCISES ANG BLOGGER. LAHAT AY SUMIGLA AGAD, AT KAUNTING SAGLIT PA AY NARIYAN NA AGAD SI DIREK BUBOY AT ANG GAGANDA NG MGA ITINURO NITO SA MGA BATA- MGA PHYSICAL EXERCISES, GAMES, ACTUAL SHOOTING NA MAY SCRIPT, AT MARAMI PANG IBA.
VERY SUPPORTIVE ANG BUONG STAFF NG PHILMODA AT 16 DEGREES NA KINABIBILANGAN NINA MS. ANDREA, JAYSON CORPIN ALAVERA AT BENEDICK AMURAO. SI DIREK KIKO SOTO NAMAN, AS AN ARTIST, KAPANSIN-PANSIN NA TALAGANG GINANAHANG MAGKUHA NG MGA LITRATO AT VIDEOS SA MGA KANDIDATO DAHIL KAY GAGALING NG MGA ITO SA MGA ACTING WORKSHOP EXERCISES NA IBINIGAY NI DIREK NEAL TAN.
NAGING PABORITO NI DIREK NEAL ANG MALE FOTY CANDIDATE NA SI POLO LAUREL DAHIL SA OUTSTANDING LOOKS NITO AND MAGNETIC APPEAL. INOBSERBAHAN MAIGE NI DIREK NEAL SI POLO. SAMANTALA, NAGING OUTSTANDING NAMAN SA PANINGIN NG ISANG BLOGGER SA MGA EXERCISES NA BINIGAY NI DIREK NEAL SINA FRANCES ORTIZ, JOHN REMEL FLOTILDES, DANIEL ORIO, ERIC CHIU, ARIANETH GRANDE, JO ANNE KYLE GUEVERRA, LEONIZA NICOLE CORONA, JOVEN CALDOZA, OMAR DE BANGCO, BERNIZE CHARLES LAGINILLA, RAFAEL NAVAL, MARSELA MARI GUIA AT MAGING LALO NA ANG MGA "BRATBOYS" NA SINA XANDER PINEDA, VICTOR ROSALES, AT VINCENT AMURAO WHO ALL SUPPORTED AND JOINED THE FOTY CANDIDATES SA ARAW NA 'YUN NG ACTING WORKSHOP.
LAHAT AY PASABLE NA SA ACTING. WALA KANG MAKIKITANG TANGA O ENGOT SA KAKAYAHAN NILA SA PAGGANAP. KAYA NAMAN HABANG PINANONOOD SILA NI SIR JOJO VELOSO, ALL-SMILES ITO DAHIL VERY CONTENTED SIYA SA PINAKITANG GALING AT KAKAYAHAN NG MGA KANDIDATO NIYA SA FOTY. LALO TULOY ITONG GINANAHAN NA TULUNGAN SILANG LAHAT NA MAGING MGA ARTISTA RIN SA PELIKULA AT TELEBISYON.
"SA GAGANAPIN NATING GLAMOUR NIGHT SA DECEMBER 15 NA GAGANAPIN SA LE REVE EVENTS PLACE, SAMPUNG MGA DIREKTOR ANG INIMBITAHAN KO. MARAMING MGA TAGA ENTERTAINMENT INDUSTRY ANG MANONOOD, MGA MEDIA PEOPLE RIN, TALENT COORDINATORS, SPONSORS AND EVEN PRODUCERS", SABI PA NI SIR JOJO SA KANYANG MGA KANDIDATO.
KUNG IKAW NAMAN KASI ANG MANAGER AT NAKITA MONG IBINIGAY TALAGA NG MGA KANDIDATO ANG GALING NILA AT HINDI SILA NAHIYANG ITAGO 'YUN, GAGANAHAN KA TALAGANG TUMULONG. MASKI NGA 'YUNG BLOGGER NA BISITA NILA AY NANGAKONG ISUSULAT SILANG LAHAT, AT MASKI NA SI DIREK NEAL TAN AY NAGSABING MAGAGALING SILANG LAHAT.
ANG HIGHLIGHT NG ACTING WORKSHOP AY ANG SOBRANG NAKAKAIYAK NA DRAMA EXERCISE NA IBINIGAY NG BISITANG BLOGGER NILA. NA-MOTIVATE YATA NG HUSTO NUNG BLOGGER ANG MGA ITO NG TODO-TODO, DAHIL HALOS LAHAT AY NAG-IYAKAN NA HABANG ON-GOING 'YUNG ISANG DRAMA EXERCISE, PATI NA RIN MISMO SINA CHOCOLATE AT SIR JOJO V., NAG-IYAKAN NA RIN. ANG EXERCISE KASI AY VERY HEART-RENDING AT MAPAPAIYAK KA TALAGA (PERO HINDI NAMIN PUWEDENG I-REVEAL SA BLOG ARTICLE NA ITO AT BAKA GAYAHIN PA NG IBA DIYAN!)- AT DOON, LUMABAS NA ANG MGA DRAMATIC SKILLS NG BAWAT KANDIDATO!
SI JAYMARK SANCHEZ NGA, DAHIL SOBRANG NA-CARRIED-AWAY SIYA DU'N SA DRAMA EXERCISE AT VERY PERSONAL PALA SA KANYA 'YUN- AY HINDI NAKAYANANG GAWIN ANG NASABING DRAMA EXERCISE AT NAUNAWAAN NAMAN SIYA NU'NG BLOGGER. PERO UMIYAK DIN SI JAYMARK HABANG NANONOOD...
******* ******* *******
"BITIN PO AKO SA WORKSHOP, TITO ROBERT, GUSTO KO PA PONG MATUTO", NASABI NAMAN NG FOTY CANDIDATE NA SI JOVEN CALDOZA. "SANA PO, GAWING THREE DAYS 'YUNG ACTING WORKSHOP NAMIN. SANA MAGKAROON PA PO."
SANA MAKARATING SA 16 DEGREES ENTERTAINMENT STAFF AND PEOPLE, LALO NA KAY SIR GUIDO RAAGAS ANG PANAWAGAN NI JOVEN AT NG IBA PANG FOTY CANDIDATES. E-HEEEMMM. SANA NGA AY MAGKAROON PA NG PART TWO AND PART THREE ANG ACTING WORKSHOP NG FOTY.
ANYWAY, LAHAT NGAYON AY NAGPE-PREPARE NA NG KANI-KANILANG MGA "PEGS" SA PADATING NA GLAMOUR NIGHT NG FOTY. MAGI-IMITATE SILA DOON NG MGA HOLLYWOOD CELEBRITIES,- AND TEN FAMOUS FASHION DESIGNERS SPONSORED THE EVENING GOWNS AND TUXEDOS NA ISUSUOT NILA SA EVENT NA ITO.
ANG ACTUAL PAGEANT NIGHT NG FOTY 2018 AY GAGANAPIN SA BUWAN NG JANUARY NEXT YEAR SA TENT CITY SA EASTWOOD.
TO ALL THE FOTY CANDIDATES. MORE POWER AND GOODLUCK!
(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)
PHOTOS BY: VICTOR ROSALES, RAM RIVERA AND 16 DEGREES ENTERTAINMENT (COURTESY OF DIREK KIKO SOTO AND BENEDICK AMURAO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento