![]() |
jhec wearing the FOTY shirt |
![]() |
jhec: malalim ang tingin ng mga mata |
![]() |
jehc: bagets look |
![]() |
male candidates ng FOTY: tina-target ng isang baklitang radio DJ-movie writer?? |
Siya 'yung tipo ng lalaki na habang tinititigan mo ng matagal ay lalong gumuguwapo. He's the moreno type, at ang sweetness niya sa pakikipag-usap sa isang blogger ang siyang greatest asset niya. Plus the fact na may kakaiba din siyang "sex appeal".
His name: JERICHO MENDOZA, better known as Jhec to his fellow candidates sa paparating nang FACE OF THE YEAR 2018 search.
"Ang crushes ko ay sina Angel Locsin at Taylor Swift", sabi pa ni Jhec. "'Yung mga simpleng babae lang po ang gusto ko. Simpleng manamit, simpleng mag-ayos. Ayoko po sa mga magarbong babae. Basta simple lang siya, magugustuhan ko na siya."
Sumali si Jhec sa FACE OF THE YEAR dahil gusto niyang ma-experience ang modelling world. Nanalo na siya sa nagdaang Mr. Earth male beauty contest kung saan nakuha niya ang titulong "Mr. Earth NCR (National Capital Region)". Kaya naman masasabi nating may "K" talaga itong si Jhec. Meaning, may KARAPATAN siyang makilala rin sa mundo ng modelling world, at maging ng showbiz world din someday.
"May advocacy rin po kasi ako sa buhay", dagdag pang sabi ni Jhec. "Isa po iyan sa mga alituntunin ko. Kaya itutuloy ko ang advocacies ko kung sakali mang manalo ako sa Face of the Year. Natutunan ko po ang mga advocacy na iyan nu'ng sumali ako sa Mr. Earth.
"Sa Mr. Earth kasi, I promoted the healing aspects of Guyabano fruit", dagdag na sabi ni Jhec. "Na hindi alam ng karamihan, ang prutas na Guyabano ay nakaka-heal pala ng mga sari-saring sakit, especially Cancer. Kaya nais kong ipagpatuloy pa ang paglikha ng awareness sa mga healing effects ng Guyabano."
Hhhhmmmmm...., mukhang malaki ang laban nitong si Jhec, ha? Nakaka-tense talaga ang darating na kumpetisyon ng FOTY (Face of the Year), lahat halos ng mga candidates- both male and female, walang itulak-kabigin. Lahat ay may "K".
Kaya naman ingget na ingget ang isang DJ-movie scribe diyan, di ba Mudra Jojo? Ginagawa nito ang lahat para sirain ang credibility ng FOTY, to the point na nagpi-P.M. pa ito sa mga candidates ng dirty links para sirain ang 'morale' ng mga kandidato? Totoo kaya ito? Hindi ata tama 'yan???
Anyway, the good shall always prevail naman. Basta malinis naman ang intensyon mo sa kapwa mo, there's nothing to worry about.
Goodluck sa iyo, Jhec!
(sinulat ni robert silverio)
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin