joven baldoza: male candidate no. 22 sa face of the year 2018!

joven: fashionable

joven wearing the FOTY shirt

joven: teen type

joven: charming boy


Napansin na namin itong si Joven Baldoza, candidate number 22 ng FACE OF THE YEAR 2018 search nu'ng nagkaroon ng Media Launch ang nasabing modelling search almost a month ago. Kasi, lagi siyang nakangiti and very charming ang manners and ways niya sa runway habang rumarampa nuon ang mga kandidato. Kaya sobrang maganda ang nalikha niyang impresyon maski ba mas matatangkad sa kanya ang mga kasabayan niya sa rampa.

Salamat naman at nagkaro'n kami ng pagkakataon na makapanayam itong si Joven nu'ng minsang mapadpad ang blogger na ito sa opisina ng Philmoda (Philippine Modelling Agency). At mas guwapo palang tignan ng malapitan ang bagets na ito, lalo pa't he's wearing a plain black shirt and with matching tight-fitting jeans na mas lalong bagay sa kanyang personalidad.

"I can sing, do some acting, and I also know how to dance", bungad na sagot ni Jhec sa isang blogger nu'ng tanungin siya nito ukol sa mga talento niya. "I also play basketball and I love doing sports."

Joven is a Computer Engineering student at Lyceum in Alabang. He is only 19 years old, at tubong Samar siya.

"Waray po ako, pero halos sa Maynila na rin ako lumaki at nagka-isip."

Nagte-taping noon si Joven sa isang TV series sa may Ilocos region nu'ng malaman niya ang screening para sa mga contestants na sasali sa Face of the Year 2018. 

"Isang friend ko po ang nagsabi sa akin, and I got interested naman to join dahil hilig ko rin po ang modelling. I felt na makakatulong po sa akin ang pagsali dito," nasabi pa ni Joven.

Idol ni Joven si Robin Padilla.

"Yung mga galaw at charisma kasi ni Robin, hanep talaga!", sabi pa ni Joven. "Pinapanood ko siya palage kung paano umarte doon sa mga lumang pelikula niya. Kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya."

Samantala, ang crush naman ni Joven ay si Yassi Pressman,

"Talented kasi siya at magaling sumayaw", sey pa ni Joven.

In end, Joven describes himself as: "Simple lang, hindi naman gaanong kaguwapuhan pero sakto lang. Magaling makisama at flexible akong tao."

Keep it up, Joven.



(sinulat ni robert silverio)

joven: selfie

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...