KANSER 1993 VINTAGE PHOTO! (PHOTO COURTESY OF: MS. SHERRY ALINGOD) |
direk frannie on a selfie millenial mode |
Kung titignan mo ang LARAWAN sa ibaba, ay para talagang sinauna na. Tipong sila talaga 'yung mga taong nag-exist na, sa ika-labingwalong siglo- ang panahon ng tema sa dulang KANSER, na hango sa walang kamatayang nobela ni Dr. Jose Rizal na NOLI ME TANGERE.
Pero hindi po nu'ng 18th century kinunan ang larawang iyon, kundi nu'ng 20th century na- taong 1993, to be exact. Isang photo shoot iyon para sa publisidad ng dulang KANSER ng Gantimpala Theater Foundation, 1993 version, na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.
"'Yun ang kauna-unahang pagdidirek ko ng KANSER", pagbabalik-gunita ni direk Frannie Zamora habang nagko-coffee kasama ang kaibigan niyang blogger. "At ikinararangal ko na sa Cultural Center of the Philippines kaagad ang venue ng unang sabak ko sa pagdidirek ng isang dula. Nagmula kasi ako sa pagiging isang pop singer at concert artist- and before that, also a ramp model- bago ako tuluyang nasabak sa mundo ng teatro.
"Magmula nuon ay nagtuloy-tuloy na ako", dugtong na sabi ni direk Frannie. "For the last four years now, consecutively, ako ang nagdi-direk ng updated versions ng dulang KANSER para sa GTF (Gantimpala Theater Foundation). And I could say by now, it's such a worthy experience- all throughout the years."
Hindi n'yo ba alam, bagets pa lang din nuon si direk Frannie? Kaya naman, bagets din ang kanyang cast nuon sa tuwina ng dulang KANSER. Lumabas sa unang pagdidirek niya ng KANSER ang binatilyo pa nuong si Arnold Reyes, ang dalaga pa lang nuong sina Suzette Ranillo at Cherry Pie Picache, ang bata-bata pang sina Ray Ventura, Dido dela Paz, Perry Dizon, Roobak Valle at Pen Medina! Awesome.
"Si Pen Medina ang Elias ko nu'ng 1993", sabi ni direk Frannie. "At kada magkikita kami ngayon ni Pen, nagbabalik-tanaw kami nu'ng ginawa ko siyang Elias. Si Pen kasi ang isa mga pinakamagaling na Elias ng dulang KANSER!"
Sa mga nagdaang taon ng 2016, 2015 at 2014- hanggang sa pagtatapos ng taong 2017- tatlong Crisostomo Ibarra naman ang nilikha ni direk Frannie- at sila'y ang pop singer na si Michael Pangilinan, ang soprano singer na si Carlo Manalac at ang TV commercial model na si Joel Molina.
"I am proud to say, karamihan sa mga naging akTOR at aktres ko sa mga dulang nagawa ko na, most of them made good careers in the acting field", muling sabi ni direk Frannie. "Kaya hindi ako nagsasawa na makagawa pa ng mga bagong aktor at aktres at hubugin silang maging ganap na performers of high caliber balang araw."
Sa susunod na taon- ang paparating nang 2018, magse-celebrate na ng 40th anniversary ang GTF. Napaka-importanteng taon ito, kung tutuusin. Kaya naman hindi pa mai-reveal sa ngayon ni direk Frannie kung siya pa rin ang magdidirek ng Kanser sa next theater season ng GTF, o baka magbago ng mga programa't plataporma dahil nga magsi-celebrate sila ng 40 years.
"But one thing is sure, though", pagtatapos na wika ni direk Frannie. "Magdidirek ako ng isang panibagong dula. May materyal na ako pero hindi ko pa mai-reveal. Baka gumawa din ako ng isang indie film. Maaga pa sa ngayon para sa mga detalye, pero kukunin ko doon si Soliman Cruz dahil balita ko, okey na siya ngayon. Pero siyempre, nariyan pa rin ang mga corporate shows ko dahil 'yun naman talaga ang bread and butter ko."
Goodluck para sa taong 2018, direk Frannie!!!
(sinulat ni robert silverio)
VINTAGE PHOTO OF DIREK FRANNIE: (from left to right) FERNAN SUCALIT, PETERSEN & DIREK FRANNIE |
direk frannie with some of his closest friends |
direk frannie's close-up smile |
direk frannie with his most intimate friends in an after-work drinking spree (perry dizon, sarah molina, blogger robert, christian, ram, romualdo delos reyes and mr. joel molina) |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento