ANG NEW YEAR'S RESOLUTION NG MGA BRAT BOYS!

victor rosales: the most lovable brat boy








(MTV video above of The Brat Boys' cover of the song Despacido is courtesy of 16 Degrees Entertainment Productions and direk Kikups Soysoy).*

Gumawa ng matinding alingasngas sa media people ang Brat Boys nu'ng late part of the year 2017 nu'ng mag-guest sila sa Media Launch ng Face of the Year 2018 search na ginawa sa rooftop ng isang building sa Makati. Mula nuon, maraming media people na ang nagsabing may mararating ang grupong ito ng mga bagets na pawang sing and dance- at tunay namang mga "kaibig-ibig".

Magaling ang mga movements ng mga katawan nila, very appealing and very graceful. At pawang mga sariwa pa kung tignan. Hindi lang puro kaguwapuhan o pagpapa-cute ang ginawa nila- kundi nakita mo talaga namang may mga talento sila. May "K", meaning, may KARAPATAN na mapansin sa Entertainment Industry.

Marami nang mall shows na ginawa ang Brat Boys mula nu'ng mag-umpisa sila. Nagkaroon na rin sila ng concerts, provincial shows, and others pa. Kaya sa taong 2018, maraming plano para sa kanila ang manager nilang si Jojo Veloso, kasama na rin ang sumusuporta sa kanilang si Ms. Agnes Valencia.

Sa isang tete-a-tete with the Brat Boys, tinanong namin sila isa-isa kung ano ba ang New Year's Resolution nila. Heto ang mga naging sagot nila:

VICTOR ROSALES

"Lagi na po akong matutulog na maaga mula ngayon at medyo magpapataba po ako ng kaunti. Hindi muna po ako maiinlab sa babae. Basta ang focus ko po sa taong 2018 ay ang career ko bilang isa sa mga miyembro ng Bratboys."


XANDER PINEDA

"Sabi po nila, medyo tumataba daw ako. Pero lumalaki lang po talaga ang katawan ko kasi nagbibinata na ako maige. This 2018 po, I promise na lagi na akong magdy-gym. At saka babawasan ko na rin po ang paglalakwatsa ko".


ROMCEL BRINQUIS

"Minsan po kasi, nagtatampo sa akin ang manager kong si Jojo Veloso dahil mas inuuna ko daw po ang personal life ko keysa sa career ko. Kaya pramis po, sa taong 2018, I will try to put balance in everything."


RED CAPARAS

"Minsan po, nale-late ako sa mga shows and events namen. Kaya this 2018, I promise na hindi na po ako male-late. Saka medyo magpapataba rin po ako. Ayoko din po munang ma-inlab sa taong 2018."


SO THERE. Iyan ang mga New Year's Resolution ng Brat Boys. By the way, under Viva Artist Management din pala sila. Kaya 'yun, tiyak na may mangyayari sa career nila.


Goodluck sa inyo, Bratboys!



(sinulat ni robert silverio)

MORE PHOTOS OF BRATBOYS BELOW, PHOTOS COURTESY OF "THE BRAT BOYS FB PAGE" (link: https://www.facebook.com/TheBratBoys/)














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...