JIENNIX MHELARD: FOREVER!




Ang panahon ay nagi-iba-iba... hindi siya habambuhay na tag-ulan, hindi rin habampanahon na tag-araw.

Ang hangin, ito'y walang direksyon. Nagpupunta sa mga dakong nanaisin niya. Aaakapin ang mga kaluluwang nag-iisa. Magpapadama. Magpapahalaga.

Ang mundo? Oo, ito'y umiikot. Hindi ka laging nasa ilalim, o nasa gitna lang- darating ang araw, ika'y nasa itaas din. At makikita rin nila ang iyong pagpupursige.

Ang PUSO? Ito'y mananatiling titibok pa rin habang may mga taong naniniwala at nagpapahalaga. Habang may mga taong pipisil dito- ito'y mabubuhay pa rin, at kailanman, hindi mamamatay.

Sa muling pagbabalik ni Jiennix Mhelard, ang lahat ay hinay-hinay lang. Dahan-dahan. Tila isang kamay na gumagapang, maingat itong kikilos hanggang sa mahawakan ang dapat na mahawakan.

Tulad din ng isang panaginip at mga pangarap. Ang puso ni Jiennix ay nakabaon na sa Sining, sa dedikasyong ibinigay niya para sa mundo ng Ika-Pitong Sining. Pag-arte, paglilingkod, pagsasakripisyo para dito. Dahil, bago namatay ang mentor at manager niyang si direk Maryo J. delos Reyes, naipangako niya dito na hindi siya mawawala.

Na babalik at babalik siya. Plano pa nga nila ni direk Maryo na mag-produce nuon ng isang indie film, eh. Marami pa. Marami pa silang mga pangarap ni direk Maryo J. na wala na ngayon sa piling ng lahat.

Minsan pa, naitanong ni Jiennix sa isang blogger na kaibigan niya: "Sa palagay n'yo po ba ay puede pa ako? Makababalik pa ba ako sa mundo ng pag-arte?"

Hindi sumagot ang blogger. Dahil para sa kanya, ang mga kasagutan ay kusang darating na lamang. Hindi inaasahan. Hindi nilalapitan. Maya-maya lang, nariyan na muli ang mga panaginip mo.

Mapa-komedya, drama, kantahan, sayawan, bakbakan- magaling si Jiennix. Kumbaga sa isang aktor, isabak mo man sya kung saan-saan- kakayanin niya.

Siya lang naman ang madalas magpatawa nuon kay direk Maryo J. nuong nabubuhay pa ito. Kapag galit si direk sa set, siya ang magpapakalma dito at magpapatawa.

Sa Cultural Center of the Philippines- kung saan itinatanghal ang mga piling-piling dula sa Virgin Labfest, nakagawa na rin ng isang dula si Jiennix. Ito ang dulang Macho Dancer: The Musical na eksklusibong itinanghal lamang doon sa CCP.

Pero sa PETA theater nasanay at nahasa ng husto si Jiennix. Dito niya sinimulang akapin ang mundo ng pag-arte at ang Sining ng Performing Arts. Sa PETA din siya unang napasabak sa Acting Workshop na labis na nakatulong sa kanya.

Sa Pantaseryeng Kambal Sirena ng channle 7, lumangoy sa dagat si Jiennix na suot ang costume ng isang "sireno". Dito siya nagkaroon ng maraming exposures sa telebisyon dahil tumagal siya sa teleseryeng ito.

Pero lumabas din si Jiennix sa mga telseryeng Someone To Watch Over Me at Beautiful Strangers. Naka-ilang guest appearances din siya sa Magpakailanman.

Nagmarka din si Jiennix sa pelikulang Bamboo Flowers na idinerehe ng mentor niyang si direk Maryo J. (r.i.p.)- maski ba maliit lang ang naging papel niya sa pelikula, may mga nakapansin pa rin sa kanya.

Abangan na lang naten ang mga susunod na hakbang ni Jiennix. Oo, abangan na lang natin.

We all miss him like crazy.

Pero sa pagbabalik niya, mas marami siyang maipakikita at magagawa. Dahil kung naniniwala ka sa FOREVER....


ang lahat ay darating


ng hindi mo


inaasahan.




(sinulat ni robert manuguid silverio)













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...