mommy renee garcia interviews zernan mataya on BUZZ MAGAZINE radio show |
zewrnan: expert din palang love guru |
zernan and mommy renee |
blogger robet, renee and zernan |
Hindi lang pala magaling sa paranormal encounters itong Zernan Mataya, isa rin pala siyang guwapong LOVE GURU. Yes, yes, yes. Kasi naman, minsang mag-guest siya sa BUZZ MAGAZINE radio show ni mommy Renee Garcia, talaga namang perfect ang mga naging advices niya sa love- lalo na nu'ng mapag-usapan ang topic na TWIN FLAMES.
Ayon kay Zernan, mas matindi pala ang Twin Flames keysa sa Soul Mate. Kasi daw, kapag natagpuan mo ang ka-Twin Flames on this living earth, hindi kayo mapaghihiwalay maski ng kamatayan. Samantalang Soul Mate naman, puwedeng siya ang taya o nanay mo, ordinaryong kaibigan o ordinaryong sweetheart. pero ang Twin Flames, parang kakambal mo na. Ikaw din iyon, na napunta lamang into a different personality.
"Minsan, may nag-p.m. sa akin sa facebook", kuwento pa ni Zernan. "Ang feeling daw niya, ako ang ka-Twin Flames niya. gabi-gabi daw ay napapanaginipan niya ako. Gusto niyang ma-meet ako, pero nu'ng malaman kong may asawa na siya, naging hesitant ako. Paano kung totoong ka-twin flames ko siya, di ba? Mahirap 'yun dahil may asawa na siya. Ayokong manira ng buhay."
Si mommy Renee Garcia naman na radio show na ito, nagsabing nananaginip naman siya ng isang lalaking walang mukha. Nasa dalampasigan daw siya at nagihintay. May darating na isang lalaking walang mukha. palagi siyang nananaginip ng ganu'n. Kaya feeling ni mommy Renee, ang lalaking walang mukha na iyon ang ka-Twin Flames niya.
heto naman ang naging payo ni Zernan sa mabait na radio announcer:
"You need to be prepared once you meet your Twin Flames", sabi ni Zernan. "Dapat pareho na kayong matured and prepared sa magiging outcome. Alam nyo dapat i-handle ang isa't-isa."
Pangalawang radio guesting na ni Zernan sa Buzz magazine show ni mommy Renee. Talagang hiniling ni mommy Renee sa isang blogger na pabalikin itong si Zernan sa kanyang show. Madami raw kasing naging interested sa mga radio listeners niya about Psychic Phenomenon magmula nu'ng mag-guest si Zernan sa kanya.
"He is so accurate and credible", tabging nasabi na lang ni mommy Renee ukol kay Zernan. "he doesn't speak ill of Religion and other people. walang masamang tinapay kay Zernan. Sa tingin ko, he is an angel."
O, di ba naman. Talaga namang angel in disguise si Zernan, eh. Marami na siyang natulungang tao dahil sa kanyang kakaibang "power".
Ang Buzz Magazine radio program ni mommy Renee ay napapakinggang from Mondays to Fridays, 6 to 7 p.m. sa newly-reformatted na Radyo Pilipinas Dos, isang government-owned radio station under the wings of Philippine Broadcasting Service.
Salamat, Zernan.
And more power to you, mommy Renee!
(sinulat ni robert silverio)
photos by zernan mataya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento