jiennix mhelard with his mentor, the late maryo j. delos reyes (r.i.p.) |
jiennix in his corporate uniform attire at megaworld |
Nuong unang gabi ng lamay ni direk Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) last week, napansin namin ang sobrang pagdadalamhati ng isang handsome-looking guy na laging nakaupo lang sa isang sulok. Yet, he looked so dignified sa kanyang executive-looking attire na very corporate ang dating. Isa pala siyang young executive sa Megaworld at isa rin sa mga alaga ng yumaong si direk Maryo J.
Nakatawag-pansin sa amin ang lalaking yaon, dahil minsan na namin siyang na-meet sa Pansol rest house ng yumaong direktor at naging FB friend din. Kaya kaswal namin siyang tinawag at lumapit naman agad siya, Doon ay nagka-kuwentuhan ang blogger at ang lalaking ito ng mga matatamis nilang ala-ala kay direk Maryo J. Nangako rin sila sa isa't-isa na muling magkikita.
A week after ng pag-cremate at paglibing kay direk Maryo (R.I.P.), nagkita nga silang muli. And this time, sa Jollibee. Feeling nu'ng blogger, may ka-date siyang young executive (na talaga naman) dahil naka-coat and tie pa 'yung handsome guy habang kumakain sila sa Jollibee. Kakainlab.
Hashtag: #JOLLIBEETRUESTORIES. Hehehe.
Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Jiennix Mhelard.
"Ang pinaka-grabeng natutunan ko kay direk Maryo J. ay ang payo niya na huwag na huwag daw akong manghihingi sa kapwa ko", bungad na nasabi ni Jiennix sa isang kaswal na kuwentuhan. "Kung kaya ko naman daw na kumita sa sarili kong paghihirap at pagsisikap, ganun daw ang gawin ko. Kaya tumanim sa isip ko ang prinisipyong iyan. Isa 'yan sa mga naging gabay ko habang tinatahak ko ang mundo ng showbiz."
Minsan, 'yung mga taong nalalampasan mo ng atensyon, 'yun pa ang tunay na magpapahalaga sa iyo. Minsan, 'yung mga taong bago pa lamang sa buhay mo, 'yun pa ang magmamalasakit sa iyo. At minsan ule, 'yung mga taong simple at tahimik lang- 'yun pa ang mas may malaking puso at malinis na hangarin para akapin ng buong-buo ang pagkatao mo.
Tulad ni Jiennix Mhelard na tunay na nagmalasakit at nagmahal sa direktor na tumulong sa kanya- si direk Maryo J. (R.I.P.) - kaya naman hindi niya ito iniwan hanggang sa pag-cremate. Gabi-gabi, naroon si Jiennix sa burol ni direk Maryo.
"Si direk Maryo? Siya lang naman po ang naging buhay ko", muling sabi ni Jiennix. "Siya ang bumuo sa akin. Siya ang gumawa sa akin. Utang na loob ko sa kanya ang napakaraming bagay na ibinigay niya sa akin. Yung pag-share lang niya sa mundo niya, hindi ko inasahang gagawin niya 'yun para sa akin."
Naka-ilang teleserye si Jiennix sa GMA-7 nuon. Naging regular pa siya sa ilan. Ilang beses din siyang nag-guest sa Magpakailanman na pawang magaganda ang roles. Gumanap din siya bilang isang lalaking mermaid sa isang mala-Dyesebel na teleserye nuon sa channel 7 nuon at doon, siya'y nakaipon ng husto dahil malaki ang kanyang naging talent fee.
"Kumbaga, 'yung kikitain mo sa isang buwan, sa loob ng isang araw, yun na ang talent fee mo kaya malaki talaga", sabi ni Jiennix. "|But there came a time na naging very vocal ako sa aking mga Political views. Panay ang post ko sa Facebook ng aking Political beliefs at ngayon, naisip ko, naka-apekto pala 'yun sa career ko. medyo nawalan ako ng acting jobs dahil sa aking mga Political views."
Kaya ang nangyari, habang walang acting offers si Jiennix ay nagtrabaho na muna siya bilang isang young executive sa Megaworld. Corporate na corporate bigla ang mundo niya. Naalala pa ni Jiennix, inalok niya si direk Maryo J. na ipo-produce niya mismo ang isang indie film project ni direk Maryo.
"Kaya sa tuwing bibisitahin ko na si direk Maryo J. sa office niya sa Production 56, sasabihin ni direk Maryo sa akin- 'O hayan na ang producer ko', sabay tatawa siya at hahagikgik", sabi ni Jiennix. "Alam mo ba, kuya Robert, ako lang ang laging nagpapatawa kay direk Maryo? Minsan, na-pressure siya talaga dahil sa attitude ng isang veteran actress, nagwala siya. Ang ginawa ko, pinatawa ko siya ng pinatawa. Nagulat 'yung mga tao sa shooting set, hindi nila akalaing mapapatawa ko ng ganun si direk Maryo habang nagtatrabaho ito at nape-pressure."
Dahil sa angking ganda ng pangangatawan ni Jiennix, marami tuloy ang nag-akala na isa siyang Macho Dancer sa isang gay bar.
"Maski po mag-google pa sila o mag-search sa Youtube o saan pa man, hindi po nila makikita ang mukha ko na nagsayaw na sa isang gay bar!", sabi ni Jiennix. "Never ko pong ginawa iyon. never po akong naging macho dancer. It was scriptwriter Sennedy Que who discovered me at inilapit niya ako nuon kay Kuya Jake Tordesillas (R.I.P.) na sumalangit nawa na rin. Sabi nuon ni Kuya Jake, ang i-represent ko daw ay ang Production 56. Kaya minsan, nu'ng pumasyal ako sa Production 56, walang kaalam-alam si direk Maryo J. na talent na pala niya ako. Tawa siya ng tawa. Sinunod ko lang po ang utos nina Kuya Jake at Sir Sennedy na mga kaibigang matalik ni direk Maryo J."
Sa PETA nag-acting workshop si Jiennix. At magmula nuon, grabe na ang passion niya sa Cinematic & Performing Arts.
"Kaya ko pong iwan ang Corporate job ko alang-alang sa Sining ng Pelikula", sabi pa ni Jiennix. "Kasi, I believe po, pagdating sa Sining, puwede tayong magkaisa lahat. Mas masaya po ako sa mundo ng pag-arte. At handa akong ituloy ang laban sa pag-arte alang-alang kay direk Maryo J.!", anya pa.
JOLLIBEE.
Oo, sa Jollibee. Dito nga nagka-kuwentuhan pa ng husto ang isang blogger at ang aktor na si Jiennix Mhelard. Dito rin muling nabuo ang mga pangarap nila pagkatapos ng pagdadalamhati nila sa pagyao ng isang kaibigan.... at sa Jollibee nga naganap ang lahat.
Sabi nga, minsan, naliligaw ka sa SIGNS. Pero True Love will find you still-
as long as you believe
in the power
of
LOVE.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
jiennix: boyish charms |
jiennix on the road |
jiennix: rugged |
jiennix: will he be your Valentine Date? |
jiennix: macho |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento