isang malinaw na mensahe. okey na. hindi ko na kailangang gawin pa o isulat sa aking blog site- ang isang very personal journey ko na kasama si direk maryo j. delos reyes (r.i.p.) na nagsimula sa ikalawang gabi ng kanyang lamay (tuesday night of jan. 30), ika-apat na gabi ng kanyang lamay (feb. 1), at sa final night ng kanyang wake (feb. 2) na kung saan ay doon na ako natulog sa loyola memorial chapels para sa inurnment niya at final mass- hanggang sa paglalakbay niya sa kanyang huling hantungan sa himlayang pilipino sa may tandang sora ave.
masyadong personal para sa akin ang journey na iyon na kung saan tunay kong nasaksihan ang pagmamahal at pagdadalamhati ng mga tunay na kaibigan ni direk maryo j., sampu ng kanyang mga kamag-anak at kapamilya. kase, mahirap na rin sa akin na gunitain pa ang mga ala-ala na iyon sa "journey" ko with direk maryo j.
"what made you say that it's a journey for you, brother robert?", naitanong sa akin sister Candy Cortez nu'ng isinabay nila ako ni brother Rez Cortez sa van vehicle nila after ng libing ni direk Maryo J. Delos Reyes sa himalayang pilipino at pauwe na kami nu'n sa kanya-kanya naming mga bahay. iba ang naisagot ko kay sis candy at that moment. pero ngayon, sasabihin ko, kaya ko nasabing journey iyon ay dahil tila kasama ko sa isang mahabang paglalakbay si direk nu'ng mga araw na iyon ng nagdaang linggo. damang-dama ko 'yung 'magnifying presence' niya- na parang katabi ko lang sya. 'yung hugeness ng physical body niya at 'yung 'overpowering aura' niya- naramdaman ko talaga. hindi ko ma-explain. kapag ipinipikit ko ang mga mata ko nu'ng mga araw na 'yun, parang nakikita ko siya....
iba 'yung feeling, lalo na ngayon kapag nag-iisa na ako. 'yun bang alam mong WALA NA TALAGA SIYA. HINDI MO NA MULI PANG MASASAKSIHAN ANG MGA LAUGHTERS NIYA, ANG MGA PAGMAMALASAKIT NIYA, AT ANG MGA MOMENTS NINYO TOGETHER NA HINDI NA MAUULIT PA.
pero malinaw ang mensahe niya sa akin nitong mga nagdaang gabi. HE WANTS TO MOVE-ON. HE WANTS TO CROSS-OVER NA.
at hindi niya magagawa iyon kapag patuloy tayong iiyak. mahihirapan siyang maka-move-on. gusto na niyang marating ang ilaw at liwanag. kaya ang hiling na lamang niya, patuloy na pagdarasal para sa kanyang kaluluwa.
gusto na rin niyang mag-move-on tayong lahat. dahil nasaksihan niya ang sobrang pagmamahal sa kanya ng mga tao nu'ng nakahimlay pa siya sa loyola memorial chapels sa commonwealth. gusto na niyang gumaan ang lahat para sa atin, para makapagpatuloy na siya sa bagong journey na tinatahak niya ngayon.
"Guide me, o Lord, on this new journey". marahil, iyan na lang ang pakiusap din niya para sa ating lahat.
nagawa na naten ang ating pagbawi sa kanyang kabutihan. at kusa na lang na magaganap ang dapat na maganap para sa ating lahat na naiwan niya.
He's the one that got away. umalis siya ng bigla, hindi inaasahan and at the prime of his very long & fruitful career as a film director and talent manager.
may mga dahilan ang lahat ng bagay, na tanging ang NASA ITAAS na lamang ang makakasagot.
pero gaya nga ng nasabi ko sa isang talent ni direk maryo na si Roy Floren Iringan, - "ituloy naten, roy. ang mga nagawa na niya, ipagpatuloy naten."
ayaw man siguro ni direk maryo, kusang-loob na lang naten 'yun. dahil sa dinami-dami ng mga bagay na nagawa niya sa ating lahat- kulang pa ang pagpapatuloy na 'yun. taon-taon, gugunitain dapat natin siya.
sige po, direk Maryo. embrace the LIGHT na po. alam ko po, pagod ka na rin sa kabi-biyahe. kailangan mo na pong magpahinga na this time.
kailangan mo na rin pong maakap ang nag-iisang DIYOS nating lahat. sabik na sabik na rin siyang maakap ka.
sige po, direk...., okey na po kami.
PAALAM, DIREK.
PAALAM."
(mga salita ni robert manuguid silverio para sa taong itinuring siyang kapatid at kaibigan- si maryo j.)*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento