CONGRESSMAN YUL SERVO WITH DIREK MARYO J.'S URN (DIREK MARYO'S ASHES INSIDE), photo by: mr. rez cortez |
IISANG TAO LANG ANG NAAALALA NG PINAKAMAMAHAL KONG INA SA DINAMI-DAMI NANG NAIPAKILALA KONG MGA KAIBIGAN AT SHOWBIZ PEOPLE SA KANYA-
IISANG TAO LANG. AT SIYA AY WALANG IBA KUNDI SI DIREK MARYO J. DELOS REYES (R.I.P.- NA YUMAO NA AT ANG ASHES NI DIREK NGAYON AY NAKAHIMLAY NA SA HIMLAYANG PILIPINO SA TANDANG SORA, Q.C.)
NAGTATAKA AKO KUNG BAKIT SI DIREK MARYO LANG TALAGA ANG NAAALALA NG INA KO AT KILALANG-KILALA, MAYBE, SIGURO, DAHIL SI DIREK MARYO J. LANG ANG TANGING TAO AT CELEBRITY NA NAGREGALO SA AKING INA NG MAMAHALING BEDSHEETS, TABLE PLACEMATS AT SHOUL. HINDI SIGURO MALIMUTAN IYON NG AKING INA. PERO HIGIT PA DU'N, ANG NATITIYAK KO, NAGMARKA KASI SA AKING INA ANG ANGKING KABAITAN NI DIREK MARYO J. NUONG MAIPAKILALA KO SIYA DITO. AT SOBRA NIYA ITONG MINAHAL NA DIN AT NAGUSTUHAN.
KAYA NAMAN NUONG NALAMAN NIYA NA KAILANGAN KONG MAGPUNTA SA LAMAY NI DIREK MARYO AT WALA AKONG PERA NA PAMASAHE, SINABI NG AKING INA NA AABONOHAN NA MUNA NIYA ANG PAMASAHE KO. SIYA ANG NAGTULAK SA AKIN NA MAGPUNTA TALAGA SA LAMAY NG MAHAL KONG SI DIREK MARYO J.
YUN, O.
PERO MERON PA. SA TUWING MAWAWALAN AKO CELLPHONE AT MAG-IIBA NG CP NUMBER, ANG NUMERO UNONG TAONG NAGRE-REACT AGAD AY SI DIREK MARYO J. NASABI NIYA NUON, NAHIHIRAPAN NA DAW SYA SA PABAGO-BAGO KONG CP NUMBERS. PERO ANG HINDI ALAM NI DIREK MARYO, SA TUWING MAWAWALAN AKO NG CP AT MAKAKABILI ULE NG BAGO, ANG TANGING CELLPHONE NUMBER NA KABISADO KO AT MEMORIZED TALAGA AY CP NUMBER NIYANG 0917-8907249. FOR MANY, MANY YEARS- IYAN NA ANG CP NUMBER NI DIREK AT HINDI NABAGO. AT IYAN DIN ANG TANGING SET OF NUMBERS NA MEMORIZED NA MEMORIZED KO (MAHINA KASI AKO SA MATH AT NUMBERS).
HINDI ANG CP NUMBERS NG ATE KO O IBA PANG MGA KAMAG-ANAK KO ANG MEMORIZED KO, KUNDI TANGING ANG CP NUMBER LANG NI DIREK MARYO.
MINSAN, NAISIP KO, BAKIT NGA BA TANGING CP NUMBER LANG NI DIREK MARYO J. ANG MEMORIZED KO? PUWEDE KO NAMANG I-MEMORIZE DIN ANG IBANG CP NUMBERS NG MGA KAMAG-ANAK KO'T KAIBIGAN, DI BA? SA TUWING MAG-I-STORE KASI AKO NG BAGONG NUMBERS SA BAGONG CP KO, TANGING NUMBER LANG NI DIREK MARYO J. ANG NAILALAGAY KO DAHIL YUN LANG ANG KABISADO KO. WALA NANG IBA PA. IT WILL TAKE DAYS & WEEKS AGAIN BAGO KO MAIDAGDAG ANG CP NUMBERS NG IBA KO PANG FRIENDS & RELATIVES KASI IISA-ISAHIN KO NA NAMANG TANUNGIN SILA. PAULIT-ULIT NA NANGYARI YAN SA BUHAY KO, DAHIL PAULIT-ULIT DIN KASI AKONG NAWAWALAN NG CP.
SIGURO, MAY DAHILAN... SIGURO, ALAM KO, ANUMAN ANG MANGYARI SA AKIN, MANGUNGUNA SI DIREK MARYO J. SA PAGSAGIP SA AKIN AT SA PAGTULONG SA AKIN. ALAM NA ALAM KO 'YUN AT THE BACK OF MY MIND. DAHIL SA NAGING HISTORY NG NAGING FRIENDSHIP NAMEN, LAGING SI DIREK MARYO J. LAMANG ANG NAKAKASAGIP SA AKIN. AT ALAM NIYA 'YUN.
NU'NG NAGKASAKIT AT NAMATAY ANG AKING AMA, NAROON DIN SI DIREK PARA TUMULONG. HINDI KO MALILIMUTAN 'YUN.
HINDI KO KAYANG SABIHIN ANG MGA ITO SA HARAP NG MARAMING MGA TAONG NAGMAMAHAL KAY DIREK, KAYA NATANGGIHAN KO NG DI-ORAS ANG KAIBIGAN NINA DIREK MARYO AT KUYA JAKE TORDESILLAS (NA YUMAO NA RIN, R.I.P.) NA WALANG IBA KUNDI SI SENNEDY QUE NA MAGSALITA SA LAST NIGHT OF WAKE NI DIREK, AY NATANGGIHAN KO SIYA AT SILANG LAHAT. BAKA KASI MAG-HYSTERIA AKO AT MAG-PANIC ATTACK, EH. NAKAKAHIYA LANG.
MARAMI PA. MARAMING-MARAMI PANG PAGKAKATAON NA NATULUNGAN AKO NI DIREK.
PERO DAHIL SA ISANG TAMPO AT SA MGA KADAHILANANG AYAW KO NANG MOLESTIYAHIN PA ANG KABAITAN NI DIREK SA AKIN AT SA PAGNANASA KONG MAGING INDEPENDENT NA IN HARNESSING MY WRITING CAREER, LUMAYO AKO KAY DIREK. NAHIHIYA NA RIN KASI AKO SA KANYA.
PAMINSAN-MINSAN NA LANG KAMING NAGKIKITA BUHAT NU'N. KAPAG MAY MGA OKASYON NA LAMANG. MADALANG NA LANG IN THE PAST YEARS.
PERO NITONG NAGDAANG TAON, ILANG BESES NIYA AKONG PINAPUPUNTA SA KANYA PERO HINDI KO NAMAN MAGAWA. GUSTO NA NIYANG BUMALIK AKO SA KANYA. PARA SIYANG ISANG 'KUYA' O 'BIG BRO' NA NAGSABI SA AKIN- "NANDITO PA RIN AKO, ROBERT. KAYA KITANG TULUNGAN, KAYA KITANG SAPUHIN!"
INSTINCT NA 'YUN NI DIREK MARYO. LAGI SIYANG MAY SENSE OF BEING A GOOD ELDER & BIG BROTHER TO EVERYONE. PERO, YUN NGA, HINDI AKO MAKABUWELO PA NUON PARA MAKABALIK SA KANYA...
HANGGANG SA HAYAN, WALA NA SIYA. WALA NA RIN NGA SIGURO ANG MGA PANGARAP KO NU'NG NAWALA NA SIYA. DAHIL ALAM KO, SIYA LANG 'YUNG TAONG MAY CAPACITY PARA TULUNGAN AKO SA WRITING CAREER KO. SIYA LANG TALAGA. DAHIL KILALANG-KILALA NIYA ANG MGA UGALI KO'T PAGKATAO. BILIB DIN SIYA SA TALENT KO SA PAGSUSULAT, NAI-REVEAL DAW ITO NI DIREK MARYO SA KAIBIGAN NAMING SI JORGE VITTORIO.
SA MGA BULONG AT AKAP NINA YUL, POPPO, ROY IRINGAN, YOGO, FRANZ, POPPO, MIGS, GEORGIE PORGIE, TINTIN, SCARLET, BLUMARK, XYRUS KHAN, PILITA EVER, EDZ CUNAMAY, ATE FLOR (CARETAKER NI DIREK MARYO J. SA PANSOL RESORT NIYA), AT MARAMI PANG IBA-, NALAMAN KO, "IKAW PA RIN ANG MAGPAPATULOY NG MGA PANGARAP KO, DIREK. IKAW PA RIN!".
DAHIL NAKAKATIYAK AKO, SI DIREK MARYO PA RIN ANG MAGBIBIGAY SA AKIN NG LAKAS PARA MAGPATULOY. PARA MULING MANGARAP PA RIN.
GABAYAN MO KAMI, DIREK. SAMAHAN MO PA RIN PO KAMI, BAGO KA TULUYANG UMALIS.
MAHAL NA MAHAL KA NAMING LAHAT.
SALAMAT PO, DIREK MARYO J.
ISANG HABAMBUHAY
NA-
PASASALAMAT.
maryo j. (r.i.p.) with robert |
mga larawan sa ibaba, karamihan at majority ay mga kuha ni GINOONG REZ CORTEZ (aktor at kaibigan ni direk maryo j.)- nuong CREMATION sa loyola chapels commonwealth at hanggang sa pagdala kay direk maryo sa HIMLAYANG PILIPINO sa Tandang Sora.
rez cortez |
iba pang mga litrato ay kuha nina ms. GINGER ALE, VINO ORIARTE at JUN PALATTAO (mula sa "maryo bros." fb chatbox)
(PHOTO by: GINGER ALE) |
(photo by: vino oriarte) |
(PHOTO BY: MS. GINGER ALE) |
PHOTO BY: JUN PALATTAO |
(photo by: jun palattao) |
(photo by: rez cortez) |
(photo by: rez cortez) |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento