photo by: rez cortez |
photo by: nick nangit |
photo by: rez cortez |
direk joel lamangan and theater icon tony mabesa views direk maryo j.'s body... |
(from left to right): arman reyes, theater icon frank rivera, a female relative of direk maryo j. and ms. candy cortez cries upon the body of direk maryo j. |
psychic and spirit questor nick nangit, blogger robert and actor rocco nacino at the first night of wake of direk maryo j. delos reyes (r.i.p.) |
Halos kumpleto na. Halos lahat ng mga pinakamamahal ni direk Maryo J. delos Reyes ay naroon kagabi sa unang gabi ng kanyang lamay- with the exceptions of Cong. Yul Servo Nieto and the rest of the "Maryo Brothers" na dating mga male talents ni direk Maryo (ewan lang namin kung dumating pa sila nung umalis kami around 12 midnight kagabi).
Sunshine Dizon, Rocco Nacino, directors Joel Lamangan, Mac Alejandre, Mel Chionglo, Frannie Zamora, Gina Alajar, scriptwriters Ricky Lee, Frank Rivera and Tom Adrales, Ali Sotto, Luz Valdez, Marichu Perez-Maceda, Bibeth Orteza, Racquel Villavicencio, Oasis of Love leaders Rez Cortez, Candy Cortez, Nita Trofeo, manager June Rufino, GMA 7 Entertainment head Ms. Lilybeth Rasonable, photographers David Fabros, Trixie Dauz and Erickson dela Cruz, theater icon Tony Mabesa, beauty queen Evangeline Pascual, Ms. Chanda Romero, Sharmaine Arnaiz, Katrina Halili, Monching Guttierez, Ms. Carmen Soriano, Lloyd Samartino, Robert Sena, Isay Alvarez, Giselle Sanchez, Dennis Padilla, fashion designer Oskar Peralta, Orlando Sol, Xyrus Khan, Bluemark Roces, Anton Bernardo, Jiennix Mehlard, Migs Cuaderno, Yogo Singh, movie scribes Jerry Olea, Mell Navarro, Roldan Castro, Throy Catan, Glenn Regondola, new actress Tori Garcia, Rafa Siguion-Reyna, JV Benito Villegas, Mike Herrera, psychic Nick Nangit, Gorgy Rula, TV Patrol's Mario Dumaual, Father Marc Ocariza, Leandro Baldemor, Jon Romano, Al Tantay, Masculados, Alvin Fortuna, Dennis Coronel, plus more, more, more... Pasensya na po duon sa mga celebrities na nawaglit sa aming isip.
Mapapansin mo, ang mga talagang closest friends ni direk Maryo J. (opo alam po naming kung sino-sino sila), sila 'yung mga tahimik na nasa isang sulok lang. Hindi sila kilos ng kilos. Nakaupo o nakatayo lang sila sa isang tabi. At mababanaag mo talaga sa mga mukha nila ang kalungkutan.
Yung mga acquaintances and ordinary friends lang ni direk Maryo, sila 'yung mga masisigla at kilos ng kilos all over the place. Okey lang 'yun dahil mas gusto ni direk, nu'ng nabubuhay pa ito, ang masasayang mga kaganapan at maski daw mamatay siya, gusto niya ay masaya pa rin ang lahat.
Kaya salamat sa mga taong 'yun dahil naalis masyado ang kalungkutan sa unang gabi ng lamay ni direk Maryo J. Kaya lang, hindi naman namin masisi yung mga taong talagang naging malapit sa puso ni direk Maryo na maging mga tahimik lang dahil sadyang inaalis pa nila ang mga lungkot at heaviness within their hearts. Hindi na po namin babanggitin ang mga pangalan ng PINAKAMAMAHAL na mga taong ito ni direk Maryo J.
Nagkaroon ng 8 p.m. Mass, Communion at Eulogy pagkatapos. Umawit ang mag-asawang Isay Alvarez at Robert Sena. Naging host naman si Dennis Padilla sa mini-program. Nakaka-touch yung isang kantahan na nangyari na kung saan ay nagsama-sama ang mga sikat na artista't singers sa tabi ng kinahihimlayan ni direk Maryo at nagsipag-awitan (nakalimutan po namin ang title ng kanta nila), at pinangunahan yun ni Ms. Carmen Soriano.
Masagana ang hapunan at midnight snack na inalay para sa lahat. Talagang nagtulong-tulong ang mga kaibigan ni direk Maryo J. sa mga paghahanda at preparasyon ng kanyang unang gabi ng lamay- lalo na ang mga miyembro ng Oasis of Love Community at ng GMA Channel 7.
Maayos, maaliwalas, hindi naman magulo at maingay. Banayad lang. Pero masaya. Kasi ganu'n nga ang gustong mangyari ni direk Maryo J. Ayaw talaga nito ng malungkot.
Pero, iiyak pa rin tayo. Mamamaga pa rin ang ating mga mata. Kapag tayo'y nag-iisa na.
DAHIL MAHAL NA MAHAL NATIN SIYA.
Sa mga akap na ginawa nina Orlando Sol at Xyrus Khan sa isang blogger-
naramdaman niya-
ORLANDO SOL, and XYRUS KHAN (left and second from left), with other friends |
TUNAY NA PAGMAMAHAL ANG INUKOL NILA
PARA SA ISANG
MARYO J.-
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS GRABBED FROM MR. ZER ZETROC's FB PAGE WITHOUT ANY AUTHORIZATION, AND TWO PHOTOS, COURTESY OF MR. NICK NANGIT.*
MARYO J.: A FRIEND FOREVER |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento