jorge vittorio: isa pang tunay na kaibigan ni direk maryo j., nagwala ng husto nu'ng malamang wala na si direk maryo j. (r.i.p.)....


jorge with the urn of the late direk maryo j. delos reyes (r.i.p.)

heto ang grupong tunay na minahal ni direk maryo j. (from left to right): jkatrina halili, iennix mhelard, blumark roces, jv benito villegas, jorge and yasmien kurdi

jorge (far right), with direk maryo's blood brother-MANNY DELOS REYES, and ms. katrina halili

jorge with tintin ng, ana capri, mimi juareza, pilita ever, and others more

group shot direk maryo's internment at himlayang pilipino 

jorge shares his eulogy to direk maryo's closest allies and friends at loyola chapels

alex kong (direk maryo's driver for 4o years), jorge, ana capri and katrina

jorge: undecided which road to take



jorge with mr. gay world philippines-john raspado and blogger robert silverio (one of jorge's best friends).




Kakaiba at sobrang intense ang naging reaksyon ni Jorge Vittorio (a.k.a. Georgie Porgie sa Facebook) nu'ng malaman nitong yumao na ang pinakamamahal niyang kaibigan na si direk Maryo J. delos Reyes.

"Nu'ng unang sinabi 'yun sa akin ni Gorgy Rula, nagtatalon ako, nag-panic, hindi ko malaman kung ano'ng gagawin ko- 'yung pagtalon ko, may kasamang sobrang galit at pagwawala!", bungad na sabi ni Jorge Vittorio sa kaibigan niyang blogger. "Sabi ko nu'n sa sarili ko- 'Panaginip lang ito- Panaginip lang ito!'-, pero hinde, eh. Hindi panaginip 'yung nangyayari, eh!

"Actually, nasa party ako ni Gorgy Rula nu'ng gabi na iyon", pagpapatuloy na wika ni Jorge. "Nauna na akong umalis sa party, pero maya-maya lang, nag-text bigla si Gorgy sa akin! At nabasa ko 'yung message na patay na raw si direk Maryo! Around past midnight na 'yun. At 'yun, nagwala na ako sa kalye. Nagtatalon ako. Hindi ako ma-pacify ng mga kasama ko!"

Kasi ba naman, saksi ang blogger na ito kung paano naging isang matalik na kaibigan ni direk Maryo J. si Jorge Vittorio. Mapa-showbiz o mapa-intimate na pribadong buhay ni Maryo J.- kaibigan niya ito. Marami silang pinagsamahan at nagtutulungan silang dalawa palage.

Kaya sobrang masakit para kay Jorge ang pagkamatay ng dakilang kaibigan niya.

"Sobra, nu'ng una nga, hindi ako makapaniwala na magiging close kami ni direk Maryo J., eh", pagbabalik-alaala pa ni Jorge. "Hindi ko inaakalang ise-share sa akin ni direk Maryo ang mundo niya. He guided me all throughout- through thick and thin, joys and sorrows- naroon siya para sa akin. Hinding-hindi ko siya malilimutan!"

'Yun lang at sobrang tumulo na ang mga luha sa mga mata ni Jorge- also known as Georgie Porgie. Na sobrang ikinamangha ng kaibigan niyang blogger dahil napaka-strong ng character ni Jorge, at first time niyang makitang umiyak ito!

"He even went to my party last January 9", muling nasabi ni Jorge. "Doon kami huling ngkasama-sama nina Jerry Olea at Gorgy Rula. Actually, kay direk Maryo pa nga ako humingi ng payo kung itutuloy ko ba ang birthday party ko kasi may sakit ang tatay ko. Naisip namin na para ma-break ang sobrang sadness sa pagkakaroon ng sakit ng tatay ko, ituloy ko 'yung birthday party ko. 

"Sa akin din nagtapat si direk Maryo J. mismo nu'ng birthday party ko na he's praying daw to the Saints", sabi ni Jorge. "Kasi sabi ni direk, kapag sa mga Saints ka daw nag-pray, they will give you a happy death. Nagmarka sa akin 'yung sinabi na iyon ni direk Maryo. Pero at that time, I did not take it seriously. Hindi ko alam, namamaalam na pala siya nu'n sa akin."

Kaya nu'ng tignan daw ni Jorge si direk Maryo J. sa loob ng coffin at nakita niyang nakangiti ito, alam niyang HAPPY DEATH nga ang ibinigay ng mga Saints sa pinakamamahal niyang direktor.

"I think si direk Maryo J., siya na 'yung lahat-lahat", pagwawakas pang sabi ni Jorge Vittorio na naging manager na rin minsan ng mga artistang sina Ana Capri, Mahal at Jam Melendez. "Siya 'yung kaibigan, siya 'yung magulang, siya 'yung kuya, siya 'yung taga-payo- basta, siya 'yung lahat-lahat. Grabe siya. Sobrang bait niya! Ang pagtulong niya sa iyo, para din sa future mo. Hindi ka niya basta bibitiwan- habambuhay."

Sa ngayon, inaalok kay Jorge ang pagsu-superbiso sa iniwang opisina ni direk Maryo J.- ang Production 56. Pag-iisipan pa raw ni Jorge kung tatanggapin niya ito.

"Bahala na, maganda na kasi ang estado ko ngayon sa Japan, eh", pagwawakas na sabi Jorge.



(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS BY: GEORGIE PORGIE'S FB ACCOUNT


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...