mga direktor sa teatro na sina frannie zamora at vince tanada, sobrang nag-effort sa huling gabi ng lamay ni direk bernardo bernardo...


direk frannie zamora

direk vince tanada

beverly salviejo

joel molina

direk joel lamangan


Huli man daw at magaling, maihahabol din. maski halos isang linggo nang na-cremate si BB at nailagay ang ashes niya sa Sta. Ana Church, heto po ang isa pa naming kuwento.

Muling nasaksihan ng isang blogger ang pagmamalasakitan ng bawat isa sa industriya ng showbiz. At naganap ito sa huling gabi ng lamay ng yumaong Agila Ng Teatro- walang iba kundi si Bernardo Bernardo (R.I.P.) Dahil dito namin tunay na nasaksihan ang sinseridad at magandang pag-uugali ng mga direktor sa teatro na sina Frannie Zamora at Vince Tanada.

Sa totoo lang, kung hindi dahil kay direk Frannie, hindi kami magkakaroon ng lakas ng loob na pumasyal ng tatlong araw sa lamay ni direk BB. At idagdag pa, nakita namin sa mismong dalawang mga mata namin ang pagsisilbing ginawa ni direk Frannie para maiayos ng husto ang Eulogy Program at Holy Mass sa huling gabi ng lamay ni direk BB. Aligagang-aligaga si direk Frannie nu'ng araw na iyon. Hindi mo makabiruan dahil sobrang busy siya sa pag-ayos ng Sound System na ipinaubaya ng libre ng Gantimpala Theater Foundation sa mga kamag-anak ni BB para magkaroon naman ng mini-program, Holy Mass at Eulogies sa huling gabi ng lamay. Si direk Frannie na mismo ang nag-asikaso nu'n at para siyang nagdidirek ng Stageplay in instructing the Sound System people to do this and that-, dahil sobrang hindi na makakilos ang mga kamag-anak ni BB sa sobrang pagdadalamhati. Kung ang ibang mga celebrities ay walang kiber at pagmamalasakit, si direk Frannie ay meron. At tunay na tunay.

Kasama pa niya sa pag-aasikaso ang theater actor na si Joel Molina. Na hinangaan din namin dahil sa sobrang humility nito na tulungan ang mga kamag-anak ni BB sa ilang mga urgent tasks. Tulad nu'ng mga kotseng kailangang maiatras at maiayos sa parking area, mismong si Joel pa ang nakayukong pumasok sa Chaepl Room ni BB, dala-dala ang numero ng kotseng kailangang maiayos sa parking area. Na nakita naman ng mismong may-ari ng kotse. What a big help, Joel.

Sumunod din si Ms. Beverly Salviejo, kasama ang iba pang OPM artita nu'ng last night ng wake ni BB na iyon, para magbigay ng programa sa huling gabi ng wake ni BB. Sila na ang nag-fund sa pianista na tumugtog sa Eulogy at iba pang mga bagay. At si Beverly rin ang nagsilbing host sa Eulogy after the Holy Mass. Pero may comedy pang aktwal na nangyari- hanap ng hanap si Beverly nu'ng may-ari ng kotse kailangang mai-park ng maayos sa parking Area ng St. Peter's Chapels, Pero nagkatawanan na lamang nu'ng malaman nilang sa Priest na nagmi-misa mismo ang may ari ng kotseng 'yun! Hahahaha!

Humanga rin ang isang blogger ng husto kay Vince Tanada. Dahil kitang-kita naman, mga naka-make-up pa sila ng Pang-Teatro nu'ng dumating sa final wake ni BB. At kasama sina Johnrey Rivas at Patrick Libao, hindi pa nga sila nagla-lunch at nagdi-dinner, inuna na muna nilang puntahan si BB dahil alam nilang huling gabi na iyon ng lamay. Usually kasi, naliligo muna si Vince every after their theater performances bago dumalo sa mga events o makipag-tsikahan. Pero this time, hindi na siya naligo para makita na agad si BB.

"Sana, makahabol ako, Robert", text message pa ito ni Vince sa isang blogger. At tinupad naman ni Vince ang pangako niyang iyon.

Tunay ngang mahal nina direk Frannie, direk Vince, Beverly Salviejo, Joel Molina ang isang Bernardo Bernardo. Pero teka, ganu'n din si direk Joel Lamangan na dalawang beses naming nakita sa lamay ni BB.

Wala man si BB ngayon sa mundong ito, alam namin, nakita niya't nasaksihan ang lahat ng combined efforts ng mga taong nagmahal sa kanya sa industriya. Tiyak niyan, nakangiti siya sa Kalangitan.

May your soul Rest In Peace, BB.


bernardo bernardo (r.i.p.): well-loved






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...