christian: alluringly handsome |
bagay kay christian ang may bigote |
christian: super busy |
mr. jeff ambrosio: co-manager of christian babbles |
Naka-tsikahan namin ang mabait na co-manager ni Christian Bables na walang iba kundi si Mr. Jeff Ambrosio kamakailan lamang sa isang stage performance ng Philippine Stagers Foundation na kung saan ay isa sa Founder at Board Member doon si Mr. Jeff. Very warm naman ang naging pagtanggap sa amin ni Mr. Jeff and he even gave this blogger a very delicious cake to eat.
Habang nagtsi-tsikahan, napagkuwentuhan namin ang alaga niyang si Christian Bables, na gumawa ng sobrang alingangas noon sa pelikulang Die Beautiful. Napag-alaman namin, kinuha na pala ni Boy Abunda itong si Christian para i-manage.
"It's a co-management offer at tinanggap naman namin", sabi ni Mr. Ambrosio. "So bale, co-manager na lang ako ni Christian. He is now officially under the Asian Artists Agency of Mr. Abunda. At sa tingin ko, mas lalong sumigla ang career ni Christian ngayon. Grabe, ang dami niyang Corporate Events and shows na mga raket. Halos araw-araw. He's earning good now.
"Bukod diyan, lagi ring kasama si Christian sa mga short films na pino-produce ni Mr. Abunda", dagdag na sabi ni Mr. Ambrosio. "Ang direktor na si Lemuel Lorca ang direktor ni Christian doon at pawang siya ang laging bida."
Inimbita raw ni Mr. Ambrosio si Boy Abunda sa darating na Farewell Gala Show ng Obra Ni Juan sa St. Scholastica's Auditorium. Malamang daw na makapunta roon si Mr. Abunda dahil noon pa daw ito nasasabik na makapanood sa isang play na kung saan ang direktor ay si Vince Tanada.
"Ipakikilala ko si Boy kay Vince", sabi pa ni Jeff. "At saka, siyempre, kasama nila si Christian na pupunta rin sa Gala Farewell Performance ng Obra Ni Juan!"
Ayon pa rin kay Jeff Ambrosio, nagkaayos na raw sina Christian at ang direktor na si Jun Lana. Medyo nagtampo daw kasi si Jun Lana nuong hindi makasama si Christian sa sequel ng Die Beautiful na Born Beautiful. Sadyang may prior commitments na kasi si Christian at that time.
Ang susunod na pelikula ni Christian ay ang Recipe for Love para sa Regal Films, mula sa direksyon ni Joey Reyes. May teleserye din si Christian sa channel 2 na ipapalabas na very soon- ito ang Love Will Lead You Back na pagbibidahan ni Jericho Rosales.
Ang pelikulang ginawa naman ni Christian mula sa Master film director na si Chito Rono- ang pelikulang Bagtik ay ipapasok muna sa mga international film festivals bago ipalabas dito sa Pilipinas.
"Mabait na bata kasi iyang si Christian, eh, kaya sinusuwerte", pagtatapos na sabi ni Jeff Ambrosio. "At saka, he can deliver! Maski ano'ng klase ng role, kaya niya. Professional din kaya gustong-gustong katrabaho ng mga direktor."
Korek ka diyan, Mr. Ambrosio.
robert with christian bables |
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Christian Bables will perform the main role of "Harold Martin" in the upcoming Kahit Minsan Lang Teleserye.
TumugonBurahin