bernardo bernardo, rest in peace. (january 28, year of the monkey- march 8, 2018) |
MAMAYAGPAG KA NANG MULI SA KALANGITAN, AGILA...
'YUN ANG NAKITA KO SA IYO, DIREK BERNIE, ISA KANG AGILA...
ISANG AGILA NG TEATRO NA NASABAK SA MUNDO NG PELIKULA'T TELEBISYON.
ISANG AGILANG NATATANGI, KAKAIBA, MATIKAS, MATAPANG...
NAGLALAKBAY SA MGA LUGAR NA NANAISIN NIYA, MAGPAPAKITANG-GILAS, AT KAMANGHA-MANGHA KUNG LUMIPAD-
PUNO NG INDAK, MAARTE, MAPANG-HAMON.
SALAMAT, AGILA NG TEATRO, DAHIL MASKI SA MAIKLING PANAHON NU'NG NABUBUHAY KA PA, NAGING MAGKAIBIGAN TAYO.
ILANG BESES MO BA AKONG NILIBRE NG KAPE SA FRENCH BAKER RESTAURANT? HINDI KO NA MABILANG.
ILANG BESES MO PINAKITA SA AKIN ANG NATATANGI MONG MUNDO SA SINING AT SA AMERIKA?
IKINUWENTO MO SA AKIN ANG MGA NAGING PAKIKIPAG-SAPALARAN MO DUON SA MGA MUNDONG IYON.
ILANG BESES MO RIN AKONG PINATAWA AT NATULUNGAN.
HINDI LANG AKO, KUNDI MAGING ISANG BINATANG KAIBIGAN KO NA NAGING KAIBIGAN MO RIN SA AMERIKA...
NGAYON AY MAY ASAWA NA SIYA'T DALAWANG ANAK- SI MARK.
SALAMAT, TITO BERNIE.... TINULUNGAN MO KAMING DALAWA NUON.
AT MASAYA AKO DAHIL NATULUNGAN DIN AKO'T GINANTIHAN NG UTANG NA LOOB NG COMMON FRIEND NATING IYON.
PERO KUNDI DAHIL SA IYO, DIREK BERNIE, MARAHIL, MARAHIL.... BAKA WALA KAMI NGAYON DITO SA KINALALAGYAN NAMIN NGAYON.
DAKILA KA, DIREK BERNIE!
ANG NAGING MGA KONTRIBUSYON MO SA DAIGDIG NG SINING AY TUNAY NA MGA ARTISTIKO'T KAPURI-PURI.
ANG PAGPAPAKUMBABA MO AY KAMANGHA-MANGHA.
PERO PATULOY MO PA RING IBINIGAY ANG SARILI MO SA MUNDO NG PAGTATANGHAL...
HINDI KA NAPAGOD, HINDI KA SUMUKO.
HULI KITANG NAPANOOD SA PELIKULANG "LARAWAN" NI DIREK LOY ARCENAS, JR.
MASKI MAIKLI ANG NAGING PAPEL MO DOON, DAMANG-DAMA KITA.
DAHIL 'YUNG KAKAIBA MONG KAGALINGAN, MAPAPANSIN AT MAPAPANSIN PA RIN....
DIREK, HUWAG KANG MALULUNGKOT.
HINIHINTAY KA NA NINA DIREK SOXY, DIREK MARYO, AT NG IBA PA.
HANDA NA SILANG AKAPIN KA.
MULA SA ISANG ORDINARYONG MANUNULAT NA KINAIBIGAN MO AT PINAGMALASAKITAN,
SASABIHIN KO PO-
MAHAL NA MAHAL KITA, DIREK BERNIE.
AT,
PAALAM NA RIN PO.
MAGPAKAILANMAN.
(ISANG BLOG TRIBUTE NI ROBERT MANUGUID SILVERIO PARA SA YUMAONG SI DIREK BERNARDO BERNARDO, r.i.p.)*
BLOGGER ROBERT (STANDING) WITH JOSEPH GELITO (FRIEND FROM U.S.) AND DIREK BERNARDO BERNARDO (R.I.P.) |
(FROM LEFT TO RIGHT): JOSEPH GELITO, BLOGGER ROBERT, DIREK LAWRENCE FAJARDO, AND THE LATE BERNARDO BERNARDO (R.I.P.) |
"THE EAGLE" LANDS IN HEAVEN |
B.B.: GRACEFUL, POWERFUL STRONG |
DIREK BERNIE (R.I.P.): MABAIT NA TAO |
DIREK BERNIE (R.I.P.): HE HAD A GOOD FIGHT |
DIREK BERNARDO BERNARDO (THIRD FROM LEFT) WITH JAIME FABREGAS AND DULCE IN THE MOVIE "LARAWAN" |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento