alvin: if looks could kill |
alvin: a dedicated actor |
alvin: a chameleon |
alvin with his co-actors in his guesting stint in "ang probinsyano" |
alvin inside a studio |
alvin as a Catholic priest in "Way of the Cross" |
alvin (left) with two female friends and Italian actor-film maker- Ruben Ma. Soriquez |
alvin anson as jose alejandrino in "goyo:ang batang heneral" |
Sa hanay ng mga magagaling na supporting actors ngayon, isa si Alvin Anson sa mga masasabi naming kakaiba talaga ang dating. Kasi, 'yung kaguwapuhan at tindig niya- pati na ang kilos at "magnifying presence" ay damang-dama mo. Siya 'yung tipo ng isang guwapong aktor na hindi lang basta guwapo o "flat". May lalim ang kaguwapuhan niya at nagta-transform iyon sa bawat papel na ginagampanan niya sa pelikula. Para siyang isang CHAMELEON na nag-iiba-iba ng kaanyuhan o personalidad. Naga-adjust sa kapaligiran at gumagawa ng magagandang impresyon.
Kaya naman marami na ang nag-aabang sa kanya sa pelikulang GOYO: ANG BATANG HENERAL. Dahil sa higanteng pelikulang iyon, isang mapang-hamong papel na naman ang gagampanan niya.
"Ako si Jose Alejandrino sa pelikulang Goyo", bungad na sabi ni Alvin sa isang panayam na ginanap sa Pizza Hut sa may SM Megamall. "Si Jose Alejandrino ay isang matalik na kaibigan ni Heneral Luna. Isa siyang engineer. Humaba ng humaba ang papel ko sa pelikulang GOYO at nasiyahan naman ako. Nandu'n din kasi 'yung papel ko na iyon sa naipalabas nang Heneral Luna film. At dito sa pelikulang Goyo, nagpatuloy ang karakter ko.
"As I can see it, Goyo is a much bigger film", dugtong na sabi ni Alvin. "Grabe sa dami ng mga locations ang film na Goyo. Kung saan-saan kami nakarating. Nag-shooting kami sa Tarlac, sa Ilocos, sa Bataan, Bulacan, at iba pa. Hindi basta-basta ang pelikulang Goyo. And I feel so honored to be a part of this gigantic film."
Hindi pa nalilimutan ng mga tao ngayon ang naging mahabang guesting stint ni Alvin sa teleseryeng Ang Probinsyano. Napatay na silang lahat doon, kasama ang iba pang mga tropa ni Alvin sa teleseryeng iyon. Pero hanggang ngayon, sa tuwing maglalakad siya sa mga malls o kung saan pa man, mas marami na ang mas nakakakilala sa kanya.
"Napakaganda nu'ng exposure na naibigay ng Ang Probinsyano sa akin", wika pa ni Alvin sa muli. "It was a blessing for me. Kaya very thankful ako sa lahat ng mga nakasama ko roon, lalo na kina Coco Martin at direk Toto Natividad. Nu'ng una, hindi nila makuha ang mga iskedyuls ko kasi busy ako noon sa mga indie films. Pero siyam na beses halos nila akong kinontak. Hanggang dumating nu'ng buwan ng Oktubre last year, nagkaroon ng bakante sa iskedyuls ko at nakapasok ako sa Ang Probinsyano. Tumagal pa ng tumagal at humaba ng humaba ang naging partisipasyon ko du'n. Pero kinailangan na kaming patayin lahat ni Coco Martin, at hayun, natapos ang stint ko sa Ang Probinsyano nu'ng buwan ng Pebrero."
Kaya naman nitong nagdaang buwan ng Marso at sa pagpasok ng buwan ng Abril, medyo naging maluwag na ang mga iskedyuls ni Alvin. Nakapunta pa siya sa Italy para maging host sa European Philippines International Film Festival (EPIFF) na kung saan ang founder ay si Ruben Ma. Soriquez (isang Italian film maker na gumagawa na ng mga pelikula dito sa Pilipinas) at co-founder naman si Mauricio Baldin (isang Italian director, writer and producer). Tapos nu'n, nakapag-promote pa siya ng last minute sa pelikulang El Peste Romansa na ipinalabas sa Sinag Film Festival.
Sa ngayon, ang nakababatang kapatid na ito ng beteranang aktres na si Boots Anson-Roa ay patuloy pa ring mamamayagpag sa mundo ng pelikula at telebisyon. Marami din ang nag-aabang sa kanya sa pelikulang WAY OF THE CROSS, dahil napaka-misteryoso ng role niya doon bilang isang Catholic Priest. Sa trailer pa lang ng pelikula, mapapamangha ka na sa galing ng mga ekspresyon sa mukha ni Alvin- na tila baga isang Marlon Brando ng Hollywood ang pinapanood mo.
"A lot of people have guided me in the right path", pagtatapos na sabi ni Alvin. "And I feel so lucky and blessed dahil sa kanila. Basta ang iniisip ko lang ngayon ay ang longevity ko as an actor. Kaya nagpo-produce din ako ng mga pelikula dahil I want to be independent and support my own. Nakakapag-contribute pa ako ng maganda at nakakatulong sa mga tao by giving them jobs. Totally commited na kasi ako sa mundong ito ng showbiz."
Humayo ka pa, Alvin Anson. Nasa likod mo lang kami.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento