paul jake paule: sa mas lalo pang pag-usbong ng career bilang theater actor & director...

paul jake: will bare his body.... SOON.

paul jake: a brilliant career in theater

HE IS, INDEED, SEXY. ISN'T HE?

paul jake: one of frank rivera's "BET"

paul jake: "the next big thing"

paul jake paule in an acting scene





Sobrang na-flatter ang actor/director na si Paul Jake Paule nu'ng banggitin namin sa kanya na isa siya sa mga 'bets' ng theater bigwig na si Frank Rivera bilang isa sa pinaka-magagaling na direktor at aktor ngayon sa mundo ng Teatro. Sila 'yung mga tinatawag na "The next big thing in the world of Theater Arts", kase naman, napakaganda ng naipamalas nila't nai-contribute sa mundo ng Teatro nuong nagdaang taon ng 2017.


theater icon bigwig mr. frank rivera believes in the great potential of paul jake paule as an actor and a director!

At agree kami sa sinabi na iyon ni Ginoong Frank Rivera. Si Paul Jake Paule, nu'ng mga sandaling iyon na nasabihan namin ukol sa mga nasabi ni Ginong Rivera sa kanya, tila namutla't hindi makapaniwala.

"Wow, thank you po!", bulalas na bungad ni Paul Jake. "Hindi ko po ine-expect 'yan Nakakatakot lang, kasi mas mataas na ngayon ang expectations ng mga tao. Pero may excuse naman po ako kung saka-sakaling mag-fail ako the next time. Sasabihin ko sa kanila: 'Bata pa naman ako and I can always be better the next time around'. At lalong hindi ko po iniisip na magiging threat ako sa iba. Alam ko kasi, marami pa akong dapat na matutunan."

Kung hindi ba naman talagang magaling si Paul Jake, na-nominate last year sa Aliw Awards ang play na ginawa niya din last year- 'yung Fly Me To The Moon bilang Best Non-Musical Production sa Aliw Awards. Meaning, sa dinami-dami ng mga straight plays na ginawa last year, isa sa pinakamaganda ang Fly Me To The Moon na mula sa produksyon ng Artist Playground at idinerehe ni Paul Jake.

Hindi lang nga na-nominate si Paul Jake as Best Actor or Best Director sa play na iyon o sa iba pang mga plays na ginawa last year, pero 'yung mga acclaim pa sa kanya ng mga theater critics ay sapat na.

"Ang gaganda po kasi lahat ng mga plays na ipinalabas last year, eh! Grabe ang kumpetensyahan!", dagdag na sabi ni Paul Jake. "Ang nakakalungkot, hindi ko lahat napanood ang mga plays na ipinalabas last year. Kasi, busy kami sa sarili naming productions sa Artist Playground. Pero iba talaga last year, ang daming magagandang plays.

"Basta ang masasabi ko lang, it's not about you, eh, it's about the play", dugtong ni Paul Jake. "Pag ginawa mo ang isang bagay, at nagbigay ka ng buong effort mo, 'yun ang lilitaw. It really pays-off. Theater is a very rewarding experience for me."

Nabanggit ng isang blogger kay Paul Jake, tila mas bagay ito sa mga plays na may 'sexy theme'. Yun tipong may rawness and nakedness. Kaya hinikayat nu'ng blogger na gumawa pa si Paul Jake ng mga plays na may "sexy approach", tulad nu'ng mga nagdaang plays niyang Happiness Is A Pearl at Fly Me To The Moon. Dagdag pa ng blogger, hindi lang basta magdirek kundi umarte din si Paul Jake sa isang play na kung saan ay magpapa-seksi siya.

"Salamat po sa tips and advices, kuya Robert", naging reaksyon na lamang ni Paul Jake. "Pag-aaralan ko po 'yan maige. At magpapaganda na rin ako ng katawan. Kaparte po 'yan sa pagiging isang artista namin."

Open din si Paul Jake na tumanggap ng mga offers sa pelikula, modelling at telebisyon. Panay nga daw ang VTR's and go-sees niya lately habang hindi pa sila busy sa Artist Playground.

Sa totoo lang, may ipakikita talaga si Paul Jake. May kakaibang galing, talento at husay sa larangan ng Sining!




(sinulat ni robert silverio)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...