ms. dave macariola with gma 7's lhar santiago |
dave with mayor ferdinand bote of papaya, n.e. |
dave with tv host drew arellano |
dave with a new male friend |
dave during her years as a showgirl |
younger, hippie dave with a female friend |
dave, fourth from left, in her reign as a gay beauty queen |
dave, 2nd from the front, on the ramp, during her younger years |
dave (in yellow shirt) and his co-members at gethsemane united methodist church wherein he is the pianist |
Walang panama ang mga naggagandahang Super Sireynas ngayon sa kagandahan ni Dave Leodones Macariola nu'ng kabataan pa niya. Kasi, kapag makikita mo ang mga lumang larawan ni Dave, hindi lang basta GANDA ang makikita mo- may INNER BEAUTY, may CLASS, may SOPHISTICATION. At 'yun ang isang uri ng ganda na KAKAIBA. Kumbaga, bihira ang kagandahan na iyon, pang-beauty queen talaga at tipong "ahead of time".
Sa totoo lang, naikuwento na ni Mama Dave sa isang blogger na kaibigan niya ang kanyang napaka-madramang buhay. Lalo na ang kanyang naging BUHAY-PAGIBIG. Kaya naman sobrang na-inspire ang blogger na iyon na gawin pelikula ang buhay ni Ms. Dave Macariola. Kasi, kay ganda-ganda ng istorya! Ukol sa isang kabataang lalaki na nahumaling sa kagandahan ng isang gay, kaya lamang ay naging mahina ang kabataang lalaki na iyon at NAGPAKAMATAY. Ang taray, di ba?
juan miguel de guzman: pinapangarap ng isang blogger na gumanap sa isang maselang role ukol sa buhay ni dave macareola |
blogger robert with mimi juareza: may lalim kasi ang ganda ni mimi para gumanap sa papel ni dave macareola |
cataleya surio: isa sa mga choices para gumanap sa papel ni dave macariola |
paolo ballesteros: bagay din maski ba mestisahin siya at hindi morena beauty, sa papel ni dave macariola |
Si JM de Guzman nga ang plano nu'ng blogger na gumanap sa papel nu'ng guwapong naging lover ni Dave na nagpakamatay. At si Dave naman, aapir sa pelikula sa mga misteryosang eksena lamang. Pinag-iisipan pa ng blogger kung sino kina Mimi Juareza, Cataleya Surio at Paolo Ballesteros ang gugustuhin niyang gumanap sa papel ni Dave. Siyempre, 'yung blogger kasi ang magsusulat ng script at habang sinusulat niya iyon ay nasa-isip na niya dapat kung sino ang gaganap sa pangunahing papel ng istoryang sinusulat niya.
Meanwhile, abala ngayon si Mama Dave sa mga socio-activities niya sa lugar nila sa Papaya, Nueva Ecija. Ang Papaya ay isang lugar sa Gen. Tinio. Ang Meyor naman sa Papaya ay si Mayor Ferdinand Bote na isang kaibigang matalik ni Mama Dave.
Si Mama Dave din ang pianist sa mga gatherings every Sunday ng Gethsemane United Methodist Church, na kung saan ay kabilang din dito ang buong Bote family, sa pangunguna ni Mayor Bote.
"Ang naging buhay ko talaga ay naging madrama at masalimuot, pero ngayon ay tahimik na ako at masaya", pagwawakas ng 'LIKAS NA TAGA-PAPAYA' na si Mama Dave. "For many years in the past, nagkaroon pa ako ng Vow of Poverty. Kumbaga, choice ko 'yun. Matagal bago ko nakalimutan 'yung taong pinakamamahal ko na nagpakamatay. Kaya kung maisapelikula man ang istorya ng buhay ko, bale alay ko na iyon sa mga baklang tulad ko na nagmahal ng todo-todo pero naging survivor pa rin sa buhay."
Totoo ka, Mama Dave.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento