direk jose jeffrey camanag: laging napapaiyak sa finale song ng musical play niyang "daan ng krus"...

direk jeff (fourth from left) with bro roeder, maestro jessie lucas and a friend

direk jeff with actress rai dimax

direk jeff with actor ruffy ngo

direk jeff: "happy lang"

director jose jeffrey camanag: all for God's greater glory

Hindi alam ni direk Jose Jeffrey Camanag, na ang humility na ipinakita niya para sa isang bisita- ay tunay na nakagawa ng maraming HIMALA. Ang outmost HUMILITY na iyon ay nag-udyok ng isang higanteng PAGMAMAHAL at paniniguro sa isang tao na gagantihan niya ng lubos na kabutihan ang ipinakitang kabaitan sa kanya ni direk Jeffrey.

Nangyari iyon sa isang pagtatanghal ng dulang DAAN NG KRUS, THE MUSICAL kamakailan lamang. Si direk Jeffrey mismo ang personal na nag-asikaso sa isang blogger na bisita niya, pero kainaman pa, sinuportahan siya ng mga kasamahan niya. Hindi siya nag-iisa.

Nariyan sina Roeder Camanag at Paul Jake Paule na maski ba pareho ding abala, nagawa ding istimahin ang isang blogger. At kapag may itinanong ang isang blogger sa mga staff and crew ng produksyon, magagalang itong sumasagot ng TAMA. Hindi tulad sa isang produksyon din ng isang teatro na gumawa rin ng isang Senakulo, naku naman, walang kang matanungan ng MATINO! Ibang-iba ang angking kabutihan ng mga taong involved sa produksyon na ito ni direk Jeffrey.

"Panata na kasi namin ito taon-taon", bungad na sabi ni direk Jeffrey. "This is my 22nd year of directing this play.  Pero para sa Teatro Mensaheros, 25 years na itong play na ito sa kanila. May tatlong taon kasi akong hindi nagdirek nung play. 

"When I started directing this play, grabe ang pressure, pero dahil para kay Lord jesus Christ ko inukol ang play, medyo gumaan ang burdens", dugtong na sabi ni direk Jeff. "Makikita mo na lang, kung ano ang kailangan, God provides. Nakapagtataka. We managed to cope-by for the past 25 years! At ang nag-provide ng lahat ng mga pangangailangan namin ay ang Panginoong Hesukristo."

Sa tuwing final rehearsals na ng play, napapaiyak si direk Jeff.

"Sa Finale ng play ako laging napapaiyak kapag napapanood ko", dagdag na sabi ni direk Jeff. "Hindi ko alam, I was already crying sa Finale scene. Ako mismo ang nagdirek, pero ako rin 'yung unang umiiyak. Iyong kanta kasi sa Finale na composed ni Maestro Jessie Lucas, sadyang kumukurot sa puso ko."

Blood brother ni direk Jeffrey si Roeder Camanag, ang gumanap na Hesus sa dulang DAAN NG KRUS. Older brother ni direk Jeffrey si Roeder. Kumusta naman ang samahan nilang dalawa?

"We have mutual respect to each other", wika ni direk Jeffrey. "There's so much understanding between the two of us. Ni minsan, hindi nagkaroon ng conflict ang samahan naming dalawang magkapatid pagdating sa trabaho."

Nagtapos man ang dulang DAAN NG KRUS last march 31 sa Luneta Concert Park, pero pipilitin daw nina direk Jeff na magkaroon pa ito ng mga re-runs and restagings soon.

"This play is something so personal between me and my brother Roeder", pagtatapos na wika ni direk Jeffrey. "Habambuhay na siguro naming gagawin ang passion play na ito. Alay namin sa Poong Maykapal."

Korek ka dyan, direk jeffrey. More power!



(sinulat ni robert manuguid silverio).*

PHOTOS COURTESY OF JOSE JEFFREY CAMANAG & HIS VARIOUS FRIENDS IN FB.


the FINALE scene (photo credits: direk jeff)

another significant scene in the play "daan ng krus, the musical", directed by jose jeffrey camanag.  (PHOTO CREDITS: CINDY  ALFARO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...