from left to right: frannie zamora, joel lamangan, blogger robert & roeder camanag |
roeder with a young stage actor |
oh, that roeder smile! |
roeder: from pop to theater |
roeder: at a time na may ABS pa.... |
roeder with fellow actors in a poignant scene in the play "daan ng krus" |
roeder as jesus Christ |
Tapos na ang Holy Week at Easter, pero hindi pa tapos sa mga gunita at alaala ng karamihan ang kagandahan ng dulang DAAN NG KRUS: THE MUSICAL. Lumikha ito ng napakagandang impresyon sa mga theater enthusiasts and lovers of Senakulos. Nakapagturo sa mga kabataan ng tunay na mga hangarin at mithiin ni Hesus, at higit sa lahat, nakapagbigay ng "Greater Glory for God".
Sa lahat ng mga aktor na napanood na naming gumanap sa papel na Hesus, nagmarka ng husto sa amin ang kakaibang pagganap ni Roeder Camanag bilang Hesus sa dulang DAAN NG KRUS. Ang galing niya sa timing, sa galaw, sa kemistri niya sa kapwa-artista, at sa pag-deliver niya ng mga linya. Bukod diyan, kuhang-kuha niya ang napakalambot na emosyon sa mukha ni Hesus.
"Twenty three years ko na kasing ginagawa ito kaya hindi na malabong mangyari iyon", bungad na nawika ni Roeder sa isang blogger na kausap niya. "I have been playing the role of Jesus Christ for more than two decades now, kaya siguro, na-master ko na.
"Actually, this play started out as a street play lang", dugtong pa ni Roeder. "It was my grandfather's panata to stage this play every year, kasi member siya ng Knights of the Columbus. When my grand dad died, kami na ng kapatid kong si Jeffrey ang nagtuloy- kaya hayan, twenty five years na 'yung play at 23 years na naming pinapaganda pa ng husto ang play na ito."
From a straight play, ginawa nilang musical play na. Nadagdagan ng mga eksena at lumaki ng lumaki ang produksyon. Resulta: Sa taong ito, mas lalong naging kabigha-bighani ang nasabing musikal na dula.
"You discover a lot of spiritual awakenings along the way", sabi pa ni Roeder. "There comes greater maturity and utmost humility in portraying Jesus Christ. At lalong lumabas ang galing ko bilang isang aktor."
Oo, 'yun ang mga magagandang isinukli kay Roeder sa pagganap niya bilang Kristo.
Anyway, sa padating na bagong Theater Season para sa ARTIST PLAYGROUND na kung saan si Roeder ang Artistic Director, tatlong higanteng mga produksyon na ang inihahanda nila. Isa na rito ang dulang Geegee at Waterina, na naging winner sa prestigious na Virgin Labfest at sinulat ni Dennis Teodorio. Base iyan sa mga real-life characters na sina Justo Justo (R.I.P.) at Malkova (R.I.P.), mga Golden Gays na nakilala sa showbiz.
Pagkatapos nu'n, isasadula rin nila ang Rogad Por Nostos, isang dula ukol sa isang sakristan at isang Catholic Priest. Si direk Jun Pablo ang sumulat ng play na ito under his pen name Flores de Vida, at nanalo ang nabanggit na play sa Carlos Palanca Literary Awards nuong 1997.
Itu-tour din nila locally ang adaptation nila sa dulang Little Prince. Kaya tunay na mas magiging abala pa this year ang ARTIST PLAYGROUND.
"In the year 2017, we were able to define ARTIST PLAYGROUND as who we truly are", sabi ni Roeder. "And we are willing to do more artistic risks this year. At the same time, think of brighter ways to enhance our theater group."
Tinitiyak namin, bilang isang aktor at direktor, malayo pa ang mararating ng isang Roeder Camanag. May your tribe increase, Roeder.
(sinulat ni robert silverio).*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento