ISANG TOTOONG PANAGINIP KAY DIREK MARYO J.

the late maryo j. delos reyes with actress nora aunor

a very meaningful dream about direk maryo j. (r.i.p.)

A FILM DIRECTOR THAT'S LARGER THAN LIFE

MARYO J., R.I.P.

A DREAM THAT HAPPENED IN THE VERGE OF DAWN


ISANG TOTOONG PANAGINIP KAY DIREK MARYO J.
Nagpunta raw ako sa opisina ni direk Maryo J Delos Reyes. Pagpasok na pagpasok ko ng opisina niya sa Production 56, nakita ko agad siya na nakaupo at may kausap sa cellphone niya. Napaka-guwapo niya at sobrang maaliwalas ang kanyang mukha. Hindi pa yata ako nakakaupo ay lumabas muna siya ng pintuan para kausapin maige 'yung kausap niya sa cp, at naiwan ako sa loob ng office niya. Nagulat ako dahil ang nagsisilbing secretary na niya sa kanyang opisina ay walang iba kundi ang scriptwriter niya sa pelikulang "Naglalayag" na si Irma V. Dimaranan. Pinaupo muna ako saglit ni Irma at sinabi nitong "wait lang". Pero tinanong ko si Irma ng ganito: "Si direk Maryo ba talaga iyon? Buhay na ba siya? Bakit siya buhay?" Napangiti lang si Irma V. Dimaranan at napansin ko, may isang lalaki pang nakaupo sa loob ng opisina ni direk Maryo. Pamilyar din sa akin ang mukha nu'ng lalaki. Magkakilala din kami. At siya ang sumagot ng ganito: "Oo, si direk Maryo talaga 'yun! Siya talaga 'yun!" At napasagot ako ng ganito: "Ha?? Talaga? Buhay na siya ule?" Napangiti muli si Irma at 'yung lalaki.
Maya-maya lang at ilang saglit pa, nakita ko na si direk Maryo J. na pumapasok sa pintuan. Wala na siyang kausap sa CP niya. Ngumiti siya sa akin. Pero nu'ng papaupo na siya sa upuan du'n sa mismong loob ng private office niya sa PRODUCTION 56, kitang-kita ko 'yung emosyon sa mukha ni direk na parang isang batang on the verge of crying. Medyo nakabuka 'yung bibig niya na parang aatungal na sa pag-iyak. Parang may ibig siyang sabihin sa ekspresyon ng mukha niya. Na parang iiyak siya talaga. Pero maya-maya lang, nawala na 'yung ekspresyon na iyon sa mukha niya at muli siyang sumigla at ngumiti. Inakap siya ni Irma at nu'ng lalaki. Mahigpit na mahigpit. Inakap ko rin siya at apat kaming nag-akapan sa loob ng opisina niya. Isang masayang pag-aakapan.
Pero ang ginawa ni direk Maryo, humarap siya sa akin at nakita ko ng buong-buo ang katawan niyang napaka-chubby. Inakap ko ito at damang-dama ko 'yung skin niya na halos lumulusot na doon sa t-shirt na suot niya na may napakagandang kulay. Naamoy ko pa mismo ang amoy ni direk Maryo J. na napakabango. Ang sarap-sarap akapin nu'ng katawan niyang chubby. Sobrang naginhawaan ako habang akap ko siya.
Tapos nu'n, nabigla ako nu'ng biglang may iniabot na regalo sa akin si direk Maryo J. Nakabalot siya. At sabi niya: "Isda". Kase, korteng isda 'yung gift-wrapped item na regalo niya. Dugtong niya sa akin: "regalo ko 'yan sa iyo".
Binuksan ko 'yung regalo at nakita ko ang laman niyon. Pero hindi ko na sasabihin pa sa madla ang laman ng gift-wrapped na regalo niya. It's something so personal for me already.
Nakita ko bigla sa labas ng opisina ni direk Maryo ang iba pang mga tao. May mga kabataang nakapila at may mga matatandang nakaupo. Palagay ko, ibang lugar na iyon.
AT DOON AY NAGISING NA AKO.

a gift in a dream resembles this


aloy adlawan and irma dimaranan: favorite scriptwriters of the late maryo j.

a warm embrace with the late maryo j. delos reyes

blogger robert's last picture with the late maryo j. (r.i.p.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...