JOSEPH GELITO: ANG U.S.-BASED ACTOR-PERFORMER NA KAIBIGAN NG YUMAONG SI BERNARDO BERNARDO...

joseph gelito: total performer

joseph gelito: us-based

joseph gelito with blogger robert

joseph with his special friend


Ang yumaong beteranong direktor na si Maryo J. delos Reyes ang isa sa mga unang nakatuklas sa napakagaling na talento ni Joseph Gelito sa pag-arte. Mga bandang Dekada '90 pa 'yun at nagtatrabaho si Joseph sa government-owned TV station na channel 4 nung hindi inaasahang mapanood ng yumaong si direk Maryo J. (R.I.P.) ang video na ine-edit ni Joseph. Sa video na iyon, makikitang umaarte si Joseph sa iba't-ibang karakter na nanay, bata, tatay at kapatid na lalake. Namangha si direk Maryo sa nakita niyang kakaibang talento at galing ni Joseph sa pagganap kaya kinumbinse siya nito na maging isa sa mga artists niya.

"Pero bago nangyari 'yun, I first met direk Maryo J. and directed me in the TV show entitled Ready Na Direk sa channel 9," bungad na sabi ni Joseph sa isang panayam sa Mesa restaurant. "Siguro, mga late '80's or early '90's pa 'yun. Tapos nu'n, kinuha ulit niya ako sa TV show na Love Me Doods na kung saan ay nakasama ko si Edu Manzano. Sa channel 4 iyong TV show na 'yun ni Edu where I used to work. Nagawa din niya akong gawing second lead sa isang mainstream movie ng Regal Films. Pero nagkaroon ako ng dilemma nuon. Dumating sa puntong kailangan kong mamili between my regular job sa channel 4 at ang pag-aartista ko.

"Naging very lenient and supportive naman sa akin kasi nuon ang channel 4, pero may isang international event sila at kailangang pumunta ako doon, at nagkataong may pelikula sana akong gagawin nuon", dugtong ni Joseph. "I was being grateful sa channel 4 at that time dahil sila ang sumusuporta sa akin kaya mas pinili ko 'yung international event nila keysa 'yung gagawin ko sanang pelikula kay direk Maryo J. In-explain ko naman nu'n kay direk Maryo ang pangyayari at naintindihan naman niya."

Naputol pansamantala buhat nu'n ang umiigting na sanang showbiz career ni Joseph. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataong mangibang-bansa siya at magpunta ng Amerika. Doon naman niya nakilala ang isa pang magaling na aktor at direktor na walang iba kundi si Bernardo Bernardo (R.I.P.)

"It started when somebody recommended to me Bernardo Bernrdo to be a part of my concert then in the U.S.", pagbabalik ala-ala pa ni Joseph. "Sa Los Angeles 'yun. Si BB naman at that time ay nasa San Francisco. So we contacted BB at pinuntahan namin siya. When we finally had a meeting with him, I asked if he would like to direct my show, and that's the time he stepped in. We conceptualized everything. At nu'ng pumasok na si BB, mas naging sobrang grandeur ang concert ko.

"Ang pamagat nu'ng concert ko ay In The Land of Uncle Sam", anya pa. "Sa dami ng magagandang ideas ni BB, hindi na lang basta mini-concert ang nangyari. Lumaki siya ng lumaki at naging isang isang major concert na. Imbis na sa isang maliit na venue lang, inilipat namen ang concert sa isang hotel. Laking gulat talaga ng mga nakasama ko sa concert na iyon na si BB ang ka-back-to-back ko. Hindi nila akalaing makukuha ko si BB. And the rest is history. Doon na nagsimula ang aming life-long friendship."

Hindi na daw ganu'n kataray si BB nu'ng makilala ni Joseph. At marami itong naibigay na mga proyekto sa kanya. Isa na rito ang dulang Magno Rubio na kinilala ng L.A. Times as Best Choreography in a Fight Scene. 

"BB was very generous in sharing his talents", muling sabi ni Joseph. "He is very inspirational to me. Siya ang nag-convince sa akin sa Sates that I go back to theater there. In-encourage niya akong gawin ang Magno Rubio.

"Naging under study muna ako sa play na iyon to portray the lead character", dugtong muli ni Joseph. "Hanggang sa biglang hindi naging available yung actor na gaganap doon sa bidang papel. Bigla na lang sinabi ni BB on the very day of the performance na ako daw ang gaganap na Magno Rubio sa performance sa araw na iyon. Sobra akong ninerbyos. Yung kaba sa dibdib ko ganu'n na lang. Sa New Jersey nangyari iyon at nu'ng matapos ang play, laking gulat ko na naging very well aplauded ang naging performance namin. Isang couple pa ang lumapit sa amin ni BB at personally, sinabi nilang it was the best performance daw of Magno Rubio, kasi suki na raw sila sa panonood nu'ng play. 

"Eh, katabi ko at that time si BB na nagkataong siya pala ang huling gumanap na Magno Rubio doon sa New Jersey in the previous year", anya pa. "Kaya pagkatalikod nu'ng couple, sabi ni BB- 'Mga loka-lokang 'yan, di ba nila alam na ako yung Magno Rubio last year! Kaka-imbyerna, ha! Tinaob mo pa ako!' Yun lang at tawanan na kami ng tawanan ni BB."

Huling beses na nagkita ng personal sina BB at Joseph sa Los Angeles International Film Festival nu'ng mapasali roon ang pelikulang Imbisibol ni BB. Sinuportahan daw ni Joseph muli si BB duon at nagkaroon sila ng benefit dinner para kay BB. 

"At sa buwan na ito ng April, we're doing a tribute to BB sa Los Angeles", sey ni Joseph. "Isa 'yan sa mga pagkakaabalahan ko ngayon."

By the time of this writing, paalis na naman papuntang Amerika si Joseph pagkatapos ng isang linggong bakasyon dito sa Pilipinas. Sobrang naging hectic ang mga scheds niya nu'ng bumalik siya, pero buti naman at napagbigyan niya ng isang maikling panayam ang isang blogger att naisama pa siya nito para panoorin ang dulang Daan Ng Krus, isang passion play about Jesus Christ na pinagbidahan ni Roeder Camanag.

Sa May 18, 2018 naman, magkakaroon muli ng concert si Joseph kasama ang singer na si Miguel Vera (na nadiskubre rin ni BB) sa Cerritos, California. Ang pamagat ng concert ay 2-GETHER.



Last year, gumawa din ng concert si Joseph sa California. Ito ay pinamagatang Music & Melodies at kasama naman niya dito sina Fe delos Reyes at Odette Quesada. 

Huling tanong para kay Joseph, may plano ba siyang mag-comeback sa Pilipinas at muling ibalik ang career niya sa pagkanta, pag-arte at pagganap sa Teatro?

"Siguro isang mahabang bakasyon lang, puwede pa", pagwawakas na sabi ni Joseph. "Hindi ko pa kasi masabi sa ngayon. Hanapan natin ng isang magandang iskedyul na makapagbakasyon ako ng mahaba sa Pilipinas at doon ay baka makasingit pa ako sa isang maikling pagbabalik. Bahala na."

Sabi nga ng isang blogger kay Joseph: "You are DESTINED to become a performer, no matter what."

Hintayin namin ang pagbabalik mo, Joseph!



(sinulat ni robert manuguid silverio)


joseph in a performance in u.s.

joseph with blogger robert, direk law fajardo and the late bernardo bernardo

joseph with beverly salviejo

joseph visited churches while on a vacation in the philippines

joseph with friends in a procession

joseph with kids in a procession

blogger robert, joseph gelito and direk bernardo bernardo



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...