rosalinda bernardo, blood sister ng yumaong si bernardo bernardo, susuportahan ang book memoirs ng kapatid....


rosalinda bernardo in the u.s.

rosalinda: proud and grateful sis of BB

rosalinda with relatives and media friends

rosalinda with her son jason

THE WHOLE BERNARDO FAMILY AT THE LAST NIGHT OF WAKE OF BB LAST MONTH OF MARCH 2018

ROSALINDA with her late bro BB and comedian Dolphy (r.i.p.)


Nu'ng nabubuhay pa ang magaling na aktor at direktor na si Bernardo Bernardo (R.I.P.), nabanggit na niya sa isang blogger nuon na may sinusulat siyang MEMOIRS, isang libro ukol sa kanyang buhay. Pangarap niyang mai-publish daw ang librong iyon, pero 'yun nga, sa isang hindi inaasahang pangyayari ay yumao na siya. Kaya isang naging malaking katanungan sa lahat kung maipa-publish pa ba ang librong iyon.

Nu'ng isa sa mga naging gabi ng lamay kay BB (Bernardo Bernardo, R.I.P.), nakausap ng isang blogger ang blood sister niyang si Rosalinda Bernardo. At tulad din ni BB, napakabait nito, very sincere and warm. No wonder, pareho sila ng kapatid niya sa magagandang qualities na iyon.

"I will be supporting to the most of my capabilities the memoir- books of my brother", sabi ni Rosalinda sa blogger. "It's his legacy. Whatever his wishes were, I will follow. At ang proceeds ng book niya ay ido-donate namin sa Golden Gays institution. Maski na sarili kong pera, ilalabas ko para ma-publish ang mga libro na iyon ng kapatid ko."

Kitang-kita nu'ng blogger ang naging sobrang pagdadalamhati ng sister ni BB sa mga lamay na kung saan ay naging ka-close niya ang napakabait na tunay na kapatid ni BB. At sobrang na-overwhelm din ang kapatid na ito ni BB sa sobrang dami ng mga taong nagmamahal kay BB.

"The support and the kindness of his friends were overwhelming", sabi pa ni Rosalinda. "I would like to thank them all. I am so speechless."

Si Rosalinda ay nakatira sa Amerika, sa California. At magkakaroon din duon ng tribute para sa kanyang kapatid na sponsored ng Fil-Am friends ni BB. 

"I am so proud of my late brother", wika pa ni Rosalinda. "He lived life to the fullest. I know, he's now with the Lord."

Marami na ngayon ang nagtutulong-tulong para maisakatuparan ang pag-publish ng libro ni BB na bale apat na volumes ng mga libro ang mangyayari dahil sa haba ng mga naging salaysay ni BB. Magiging very inspirational ang mga librong ito sa lahat ng mga performing artists dito sa Pilipinas. Pero 'yun nga, ang lahat ng kikitain ng mga libro ay mapupunta sa charity, dahil iyon daw ang ibinilin ni BB.

Kasalukuyang nakalagak sa Sta. Ana Church ang mga labi ni BB. Pero after two years, ayon na rin sa inihabilin ni BB, ang mga abo niya ay ikakalat sa dagat.

"I will return home to the Philippines after two years to spread his ashes into the wide, open sea", pagtatapos na wika ni Rosalinda. "It's going to be very tearful and dramatic for me, but I have to follow my brother's wishes. He has done a lot for everybody and he was well-loved. I will always love him for the rest of my life."


(sinulat ni robert silverio)


BB: larger than life

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...