RUSEL AT THE SWIMWEAR COMPETITION OF FACE OF THE YEAR'S GLAMOUR NIGHT |
Kilala ang probinsya ng Bulacan sa pagkakaroon ng mga isinilang na MAKATA. Diyan din kasi ipinanganak si Francisco Balagtas- ang ama ng mga Makatang Pilipino. Kaya naman, nananalaytay na siguro sa dugo ni Rusel Christian Alvaran, isa sa mga lalaking kandidato sa FACE OF THE YEAR 2018 search, ang dugong MAKATA.
Sa kanyang mga Facebook posts, mababasa mo minsan ang mga mala-tulang FB statuses niya. Lalo na 'yung isang tulang ginawa niya sa kanyang INA. Nakakatusok sa puso. Napakagaling niyang lumikha ng mga salita. Isang kabataang hindi nilimot ang kahalagaan ng mga malalalim na salitang Tagalog.
Anyway, si Rusel ay 20 years old pa lamang. Tubong Paombong, Bulacan siya. And he describes himself as: "Mabait, humble, masipag" na tao.
Crush niya si Liza Soberano at idol naman niya si Derek Rose, isang basketball player sa Chicago Bulls.
"Ang mga talents ko po ay acting and dancing", sabi ni Rusel. "Hindi po inaasahang napasama ako bilang isa sa mga kandidato ng Face of the Year 2018 nu'ng biglaang isama ako ni Mommy Joy sa auditions nila. Si Mommy Joy po ay isang make-up artist. At sabi ko sa sarili ko, wala namang mawawala kung susubukan ko."
Nakapasa naman sa auditions si Rusel at napiling isa sa mga official candidates ng nasabing search. At hindi niya malilimutan 'yung mga natutunan niya sa Acting Workshop ng FOTY.
"I guess, 'yun ang happiest experience ko sa lahat", sabi pa ni Rusel. "kasi po, doon ko na-express lahat ang talent ko sa pag-arte. Kahit hindi po ako ganu'n kagaling, I gave my best talaga. At hindi ko inaasahan na may ganu'n kagaling na talent pala ako. Salamat po kina Sir Jojo veloso, direk Neal Tan, blogger Robert- dahil sila ang mga nag-guide sa amin du'n sa Acting Workshop."
Inihahanda na ngayon ni Rusel ang sarili niya sa padating na Finals ng FOTY. Hindi naman daw na-discourage ang karamihan sa mga kandidato maski na-delay ang nasabing contest. Basta ang mahalaga raw ay matutuloy na ito.
"Diyan po nakasalalay ang mga pangarap ko", pagtatapos na sabi ni Rusel. "Kung papalarin po ako sa mundo ng modelling at pag-arte, itutuloy ko talaga. Kung hindi naman po, maghahanap ako ng ibang trabaho."
Naka-suporta naman daw kay Rusel ang kanyang pamilya. Ang mga ito ang inspirasyon niya.
"At basta pagbubutihin ko na lang po", pagtatapos na wika pa ni Rusel.
Goodluck sa iyo, Rusel.
(sinulat ni robert silverio).*
rusel: ang MAKATA |
chubby rusel |
rusel (second from left at the back standing), with other male candidates of FOTY |
RUSEL (LEFT) with other male FOTY candidates |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento