star orjaliza still feels the loss of direk maryo j. delos reyes |
maryo j. delos reyes (r.i.p.): wanted star orjaliza to be one among his talents |
Kundi lamang dahil may handler pa noon si Star Orjaliza, isa sa pinakamagaling na character actresses ngayon, tiyak na naging isa siya sa mga naging talents ng yumaong si direk Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) sa nagsara na nitong Production 56 talent agency. Naaalala pa ni Star, ilang beses siyang kinausap ng yumaong direktor para kunin na isa sa mga talents niya.
"Payag sana ako nuon, pero dahil may handler pa ako at that time, ayaw ni direk Maryo na may masagasaan siya", kuwento ni Star sa isang blogger. "Malaki kasi ang respeto ni direk Maryo sa mga kasamahan niya sa industriya. Ayaw niya ng may natatapakan. Kaya duon ako mas lalong humanga sa napakagandang quality na iyon ni direk Maryo.
"Nguni't ganunpaman, kinuha pa rin ako ni direk Maryo J. nuon na maging mainstay niya sa teleseryeng Munting Heredera", dugtong ni Star. "Bale kaibigan ako ni Roderick Paulate sa teleseryeng iyon many years back. Duon ako nahasa ng husto sa pagganap."
Isa si direk Maryo J. sa mga naging paboritong direktor ni Star, bukod pa kina Brillante Mendoza, Jerrold Tarog at Sigrid Andrea Bernardo. Magaan daw kasi ka-trabaho ang yumaong direktor.
"He was straight-to-the-point, kung ano'ng sinabi niya, deretso talaga at wala na siyang paligoy-ligoy pa in instructing you what to do", pahayag ni Star. "Ang gusto ni direk Maryo, natural ka. Ayaw niya ng 'by the book' ang ginagawa mo, gusto niya, natural lang ang flow. At hindi ko malilimutan 'yung maraming crying scenes na ibinigay niya sa akin sa mga teleseryeng pinagsamahan namin as actor-director."
Kaya naman isa talaga si Star sa mga nanghihinayang pa rin ngayon at sobrang nalulungkot pa rin sa pagkawala ni direk Maryo J. sa mundo. Napaiyak daw siya nu'ng malaman niyang wala na ang beteranong direktor na naganap more than a couple of months back.
"Isang tahimik na pag-iyak lamang", sabi ni Star. "Tahimik pero tagos sa puso. Mahal na mahal ko kasi si direk Maryo J."
Si Star ay madalas mong mapapanood sa mga teleseryes doing character roles. Madalas siyang mag-guest sa mga TV teleseryes na iyon dahil magaling siya sa pag-arte. Hindi rin nauubusan si Star ng mga TV commercials, endorsements and billboards. Madalas din siyang gawing nanay sa mga TV and print ads product endorsements na iyon.
Suki rin si Star sa mga indie films. In fact, mas kilala siya sa mundong ito. Pero pinaka-memorable talaga 'yung pagganap niya bilang isang lesbyana sa indie film na Bliss, which was shown last year at mula sa direksyon ni Jerrold Tarog.
"Kapag wala akong ginagawang mga proyekto, that's the time I spend my time with my family", pagtatapos na wika ni Star. "I have a daughter. I am a single mom. And I work hard. Sa anak ko at sa pamilya ko hinuhugot ang lakas ko sa mga pakikibaka ko sa buhay."
At tinitiyak namin, malayo pa ang mararating ni Star sa daigdig ng pelikula at telebisyon.
(sinulat ni robert silverio)
star sipping cold coffee on a hot afternoon |
star: fashionable |
the "star" smile |
star with the leading men |
star and her daughter |
star readies-up for a take |
star: a good character actress |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento